Chapter 4

14.3K 363 16
                                    

Kinabukasan ay maaga ako ulit gumising at naligo. Pagkalabas ko ng banyo ay tumunog ang phone ko dahil sa isang message. 


Naka bathrobe pa ako nang damputin ko ang phone ko para basahin ang message sa akin


1 message received:

Sender: Zack

Good morning Chloe! See you sa school! Yun lang :)


So nag-reply naman ako kaagad.

To: Zack

Good morning din :)


Pagkatapos ay nagbihis na ako at sinuot ang glasses ko. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Zack sa akin kagabi.


"Mas maganda ka kapag walang glasses."


Keleg nemen eke! Haha! Charot! Hay tama na ngamamaya niyan ma late na ako sa klase. Bumaba na ako upang sumalo sa pag kain.


"Dito na lang po manong. Eto po bayad ko," iniabot ko ang bayad ko sa tricycle driver at bumama na. "Ineng sobra sobra naman ang bayad mo," sabi ng tricycle driver at akmang ibabalik sa akin ang  pera ngunit tinanggihan ko ito.


 "Okay na po yan manong."


 Dito ako bumaba sa medyo may kalayuan pa sa gate ng school namin. Halos lahat sila ay inihahatid ng nakakotse. Habang sina mommy naman ay hinayaan ako sa gusto ko na mag commute na lang pero nangako naman ako na mag iingat. Maglalakad na lang ako papuntang gate. Paminsan minsan ay inihahatid rin ako ni daddy pero sa may malayo rin sa gate.


Pumasok na ako ng gate at dumiretso sa room. Pagkarating ko ay magkakasama sina Travis at ang mga kaibigan niya. Nagbubulungan sila pero rinig ko rin naman.


"Bro, sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?"Tanong ni Jeff na isa sa mga kabarkada niya. "Wag na pare. Wala naman siyang ginawang masama sa iyo eh. Ikaw naman nauna," sabi ni Zack na nakatanggap ng masamang tingin mula kay Travis. "Oo nga boss," pagsang ayon naman ni Matt na isa pa sa tropa.


"Huwag nga kayong pakialamero! mga kaibigan ko ba kayo o ano? Mas kinakampihan niyo pa yung nerd kesa sa akin eh," sabi naman ni Travis na bakas ang inis.


"Basta out kami diyan ah," sabay-sabay nilang sabi sabay parang surrender. Matapos non ay tinawag ako ni Travis. 


"Huy nerd!"


Wooh! Nakakatakot siya. Kinakabahan na tuloy ako.


"B-bakit?" nanginginig na usal ko. "Halika dito," utos niya sa akin kaya naman napalunok tuloy ako. "Ako talaga?" tinuro ko pa ang sarili ko habang nagtatanong. He rolled his eyes at bumuntong hininga, halatang nagpipigil ng inis. Mas kinabahan tuloy ako pero hindi ko ipinahalata. Medyo lumapit ako. Medyo lang.


"Eto peace offering!"


Ibinato niya sa akin ang isang paper bag na malaki. Ano naman kayang laman nito? Akmang bubuksan ko palang ang paper bag ng bigla siyang lumapit at kinuho ito sa kamay ko sabay buhos ng laman nito sa akin.

The Mysterious Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon