'Don't trust anyone'
'Don't trust anyone'
'Don't trust anyone'
Napabalikwas ako at pawis na kinusot ang aking mga matang luhaan. 2:05 pa lang ng madaling araw. Gabi-gabi mula ng patayin ang daddy at kambal ko ay paulit-ulit kong naririnig ang mga yan. Huling sinabi ng aking kakambal.
Ilang araw na akong nagmumukmok dito sa loob ng kwarto ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari ang lahat ng 'to. Dahil sa akin namatay sila. Dahil na naman sa pagliligtas sa akin. May napahamak.
Muli na namang tumulo ang nga luha ko pero wala na akong maramdaman. Pakiramdam ko wala na akong maramdamang sakit.
Maya maya ay may kumatok sa pinto.
"Linnea please open the door. It's been days kumain ka please. Nag-aalala na kami sa'yo." Boses ni Dave mula sa labas. It' so early yet he's awake?
Oo, mula nang gabing yun at hindi pa ako lumalabas ng kwarto. Hindi kumakain at Panay iyak lang.
Hindi ko matanggap ang nangyari. Bigla na lang binawi ang dalawang mahal ko sa buhay. Ang ikli pa lang ng panahon na magkasama kami. Parang kagaya sa kinalakihan kong mga magulang. Ganun ba ako kasama? Kailangan mawala ang mga mahal ko sa buhay?
"I wanna be alone." Sabi ko at humikbi na naman. "Linnea, remember na nandito lang kami palagi. Kapag gusto mo ng kausap." Sabi ni Matt mula sa labas.
Napabuntong hininga na lang ako. Naguilty naman ako. Pinunasan ko ang mga luha ko. Isa pang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Linnea! Open the freaking door or I'll break this?" Nawalan na siguro ng control. Kahit sino naman siguro.
"Find the spare keys." Cold na sabi ko at humiga sa kama ko. Narinig ko ang mga yabag palayo ng pinto ng kwarto ko.
Gusto na talaga nilang pasukin ang kwarto ko. Para makita kung ano ng itsura ko. I'm really a mess. Hindi nagsuklay, hindi kumain, kalat na sa mukha ko ang eyeliner.
Iniisip ko lang kung tama pa ba ang ginagawa ko. Tama pa ba na magmukmok lang ako at Hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko? Take! Napakawalang kwenta ko pala. Kailangan palang may gawin na ako.
"Wala ang susi."
Sinlamig na naman ng yelo ang boxes ni Travis. Ibig sabihin lang na seryoso sya. He's dead serious. "I have the keys." Bored na sabi ko na nakapagpamura sa kanya. Galit na siya at alam ko yun. Yes he looks scary when he's mad.
Biglang kumalabog ng malakas at tumalsik ang pinto. Napaharap ako doon. Akala ko joke lang na sisirain ang pinto.
"I told you I'll wreck the freakin' door." Seryoso pa din ang mukha niya. Naglakad na papunta sa akin sina Matt at umupo sa tabi ko.
"You made us worried sick baby girl." Sabi ni Matt sa akin at halatang nag-aalala siya. Tinapunan ko siya ng tingin. Lahat sila ay gising pa pala.
"Napakasama ko pala. Hindi ko alam na nasasaktan ko na pala kayo. Sorry. I'm sorry." Sabi ko at yumuko. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng mainit na likido sa asking mga pisngi.
"Bwiset na mata naman oh sinisipon na naman. Haha." I faked a laugh.
Hindi sila nagsalita at niyakap na lang ako. Mahigpit at comforting na yakap. Pakiramdam ko safe ako kapag yakap na nila ako. Para akong bata ngayon. Iniangat ko ang ulo ko at tinignan so Matt. Oo, childish siya at madalas pala biro pero marunong magseryoso yan.
"Sorry Matt ha. Basa na damit mo. May sipon yung mata ko. Hehe." Sabi ko at ngumiti ng maliit. Kahit maliit lang iyon at totoo yun. Yun ang unang pagngiti ko matapos ang gabing hinihiling kong sana ay masamang panaginip na lamang.
"Ano ka ba ayos lang! Basta ba pagkatapos niyan okay ka na. Hindi ka na iiyak." Sabi niya at ngumiti ng ubod ng tamis. Napangiti na ako. Ngayon ay malaki at totoo na.
"Yan! Mas maganda kapag naka ngiti ka." Sabi ni Jeff na nakasandal ang ulo sa headborad ko. "Salamat sa inyo ha." Sabi ko at ngumiti. Tumango lang sila at nginitian ako.
"Uy, mag ayos ka na mga ng sarili mo. Mukha kang zombie na natorture. Ang pangit mo." Sabi ni Travis.
Yung ngiti ko at nabura bigla. Ayy okay back to normal na sya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oy chill dyan zombie este Linnea." Sabi ni Dave na nakangisi. Nakakairita sila. Pinagtitripan ako oh. Teka nga...
Papalabas na so Travis nang batuhin ko siya ng unan na pinakamalapit sa akin. Lumingon siya at sinamaan ako ng tingin.
"Paano na ang pintuan ko!?" Pasigaw na sabi ko. Nakita kong napakamot ng ulo yung apat.
Si Travis ay muling tumalikod.
"Papadeliver ako ng bago. As soon as possible." Pagkatapos nun ay tumalikod na siya agad at umalis. "I can't believe it. Ang sama talaga." Sabi ko at umiling.
"Ayos ah! May bagong pinto na. Sirain ko kaya?" Pabirong sabi ni Matt na nakatanggap ng pagbatok nila. Napakunot noo nalang siya at umiling. Bumalik na ako somehow sa dati. Napag-isipan ko lang naman.
Haiist. Madami akong gagawin ngayon. Magiging busy na naman ako sa mga bagay-bagay. Kailangan kong makuha ang hustisya. Ipaglalaban ko yun kahit buhay ko ang maging kapalit.
"Uyy halika na kain na tayo ng donut sa baba!" Sigaw ni Matt sabay hila pa sa akin. Bumaba na ako para kumain. Siguro magrerelax muna ang ako ngayon.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...