Binabaybay ko ngayon ang madilim na kalsada pauwi ng tinutuluyan namin. Mabilis ang pagpapatakbo ko dahil sa halong inis, pagod, at pag- aalala. Bakit ba kasi iniwan ko si Elisha dun?! Ang tanga ko!
Arghh! Magsisisi talaga ang kumuha sa kanya dahil hindi ko sya sasantuhin. Humanda talaga siya pag nakilala ko na siya! Biglang nag ring ang cellphone ko at tumatawag si Travis. Kinuha ko iyon at hinintay lang siyang sumagot
["Nasaan ka na Linnea?!]
Pasigaw na bungad niya kaya nailayo ko tuloy ang telepono sa tenga ko. "Will you lower your voice?! I'm driving! Going home!" Sigaw ko sa kanya at itinapon ang phone ko sa backseat. Bwisit!
Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng biglang tumigil ang kotse ng bigla-bigla. Unti-unting humihina at parang may tumutunog. Pinatay ko na ang makina at lumabas para tignan ang sira ng lecheng kotse na to!
Hayy! Ngayon pa to nagloko! Pumunta ako sa may harapan at tinignan kung anong sira. Lintek wala nang gas! Ayoko naman magtulak. Wala ditong malapit na gas station at kakaunti na lang ang dumadaan.
Sigurado akong malayo pa to sa pupuntahan ko. Hayy! Ano ba namang kamalasan ang inabot ko at ngayon pa nangyari ang lahat ng to! Pumasok ako ulit sa loob ng kotse at hinanap sa backseat ang itinapon kong cellphone.
Fudge it! Dead batt na! Shit shit shiit! Paano na to?! Iniumpog ko na lang ang ulo ko sa manibela. Ano pa nga bang pwede kong gawin dito sa madilim na kalsada? Walang gas at patay na ang cellphone?
Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng mga sasakyan na paparating. Uy swerte ah. Sana lang tulungan ako ng mga dadaan. Agad akong lumabas ng kotse at pumunta sa gitna ng kalsada at winagayway ang dalawa kong kamay.
Baka sakaling makita nila ako at tulungan. Nakakasilaw ang ilaw ng sasakyan buset! Tiis na lang para sakin din to. Biglang huminto ang unang sasakyan na dahilan din ng paghinto ng dalawa pang nakasunod sa likod. Napangiti ako. Eto na ang tulong.
Mukhang convoy yung dalawa sa likod. Identical ang mga kotse nila. Lahat itim na Montero. May mga lalaking bumaba mula sa tatlong kotse at pare-parehong malalaki ang katawan. Uh-oh. Mukhang masama ang kutob ko dito.
Naglalakad na papalapit sa akong ang mga lalaki at hindi ko ipinapahalata ang takot ko. Oo, takot ako na baka dito magtapos ang buhay ko. Ang pangit naman ng ending ng buhay ko. Tch. Badtrip wag naman sana.
"Come with us. Don't fight and we'll do no harm." Sabi nung lalaki. Nakashades siya eh gabi na kaya. Sarap tanungin ng 'Kuya where's the sun?' Kakatawa talaga. Pero, teka...naaalala ko tong kapreng nakashades ahh!
Ito din yung sumubok na kidnappin ako sa school noon. Langya di na nagtanda sa ginawa sa kanya. "And if I fight?" I said playfully. Kunwari hindi ako takot. Wooh kumagat ka koya! Kunwari lang ha!
"Then, we don't have a choice but to take you with force." He said and smirked. Oy hala siya! Paano na ito?! Naghuhurmentado na ako ngayon dahil sa kaba at takot. Wooh may mga baril kasi sila tapos ang dami nila.
I have two choices. It's either I run or fight? Sa tingin ko dehado ako sa laban dahil bukod sa may armas sila ay madami sila. Hayys sama nalang ba ako ng walang laban? Err edi nagmukha ako nun weak.
Sige lalaban ako at kung ito man ang ikamatay ko, magiging masaya pa din ako dahil mamamatay akong lumalaban katulad ng kapatid at magulang ko. Ang drama ko na tuloy.
"I won't come with you bastards." I said and chuckled. Tinawag niya akong bitch dati diba? Kaya ayan tatawagin ko syang bastard bilang ganti. Kaloka hindi pwedeng hindi ako gumanti.
"Hahaha. Okay little bitch. But don't say we didn't give you a choice." Tumawa siya at seryoso nakalatakot siya. Kinilabutan ako at nagsitaasan ang balahibo ko. Uhm, creepy.
"So it's me versus weak bastards huh?" Pinipilit kong panatilhiin ang pagiging cool ko. Hindi pwede mahalata na takot ako. He gritted his teeth. Nainis ko siya hala! Wrong move!
"Let's get it on!" Sigaw ni kapreng naka shades at pinalibutan na ako ng mga kasamahan niya at inihanda ko ang sarili ko para lumaban.
Uhm estimate ko 15 silang lahat. Armado at malalaki ang katawan. Kamusta naman kaya ako? Dalawang shuriken sa bulsa at isang swiss knife. Yun lang ang meron ako.
Nagsimula na silang sumugod ng sabay-sabay. Oh? Paano na? Ibinato ko ang dalawang shuriken sa kanila habang umiikot ako. Panigurado akong may nasugatan sa kanila dahil sa narinig kong sigaw at mura.
Napangisi ako pero kaagad naman napalitan ng pagsigaw ko. May matulis na bagay na tumusok sa binti ko at ininda ko yun dahil sa masyadong matalim. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula doon.
Shit! Takot ako sa dugo diba? Napaupo ako at kinuha ang swiss knife ko na nakalagay sa knife holder na nasa may right leg ko. Isinaksak ko iyon sa likod nung lalaki at idiniin ko. Loko to ha! Ayan gumanti ako!
Suntok pa ako ng suntok at napagod na ako. Madami pa din akong kalaban at hindi ko na ata kaya. May mga pasa na ako at sugat. Dumadaloy pa din ang dugo sa binti ko at bigla akong sinapak nung isa.
Napahiga ako dahil sa lakas nun at dahil na din sa pagod ko. Nanlalabo na ang paningin ko. Pinipilit ko pang tumayo pero katawan ko na mismo ang bumibigay. Lumapit sa akin yung kapre at lumebel sa akin.
"The FCK! Didn't I told you not to hurt her that bad?" Galit na sigaw niya.
Crush ba ako neto ni kapre?
"She's really furious!" Sagot naman nung isa. "You'll be a dead meat soon. Be ready for your consequence. You'll face boss later." Sabi ni kapre at may itinakip sa bibig at ilong kong panyo.
May naamoy ako na nakakapag paantok sa akin. Nilalabanan ko ang pagpikit ng mata ko pero ang bigat-bigat na. Hindi ko na kaya at bumigay na ang katawan ko. Pumikit na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...