"Hindi nila ako katulong, anak nila ako. I'm the only child, Chloe Patrice Morgan," sabi ko. Nakita ko na lahat sila ay nabigla sa sinabi ko. 'Di man lang nila ako kilala? Hindi ko ba talaga kamukha sina mommy at daddy? Well, most people say that.
Minsan nga naiiisip ko, baka ampon ako.
Alam ko na ganun ang magiging reaksyon ng kahit sinong makakarinig. Sinong hindi mabibigla na sa gantong ayos ko isa akong Morgan?
"I-ikaw ang anak ng may ari ng malalaki at mga magagarang malls, hotels, and condominiums here and abroad? Ang yaman niyo naman!" Di makapaniwalang tanong ni Matt at dahan-dahan akong tumango upang kumpirmahin ito.
"Woaah, astig rich kid ka pala ehh!" sabi niya pa.
"Bakit parang di halata?" tanong naman ni Zack at siniko naman siya ni Jeff. "I chose to live like a normal teenager. Like the commoners. Gusto ko lang naman matry. I've been living like a princess since I was young and I thought to myself, maybe a simpler life is better," saad ko.
"Pero, ganito pala ang nararanasan ng nga mabababang tao. Tinatapaktapakan lang kapag walang pangalan. Kapag alam na mahina, inaagrabyado. Kung sino pa yung dapat tumutulong, siya pang nanghuhuthot. Sa tingin niyo ba ay tama iyon?" Dagdag ko pa na nagpatahimik sa kanila.
"People easily judge someone by their appearance. It is easier to look at the physical appearance anyway, pero ayos lang naman eh. Ayos lang na mahusgahan dahil sa itsura mo, huwag lang tapakan ang pagkatao mo," they sighed and looked down.
Ayaw ko naman kasing ipagyabang ang meron ako dahil lang sa kaya ko. Hindi ako ganung tipo ng tao. Hindi naman yun kailangan ipagyabang diba? What's important is how you act as a person.
"Cool," sabi naman ni Jeff.
"Tss. Pa-humble pa kuno. Asus! Dami mong wprds of wisdom ah akala mo naman napakalinis mo," tinignan ko si Travis with disbelief. Really? Why is he so bad?! Why didn't I looked into this side of him right away? I loathe him now. Mali ata talaga na nagustuhan ko siya.
Narerealize ko na ang lahat! Kung gaano kasama ang ugali niya! Umaasa pala ako na magustuhan ng isang monster! Hindi ko na lang siya pinansin. At bumaling sa mga nakangiting mukha nina Matt.
Nag usap pa kami ng medyo matagal at dinalhan ng snacks bago nila maisipan magpaalam.
"Bye Chloe! Sana gumaling ka na ng tuluyan!" sigaw ni Matt mula sa labas ng gate namin. Umuwi na sila dahil sa hapon na rin. Mula kaninang umaga hindi sila umalis dito.
Puro mga kwento lang at panonood ng movie ang ginawa namin. In all fairness, hindi ako nabored kasama sila. Bumalik na ako ng kwarto pagkatapos kong magpaalam sa kanila.
Napagpasiyahan kong pumunta sa mini stock room ko. Dun nakaimbak ang mga importanteng bagay sa akin at ang daanan papunta dun ay sa likod ng hanging book shelf ko.
Pumasok na ako sa room. Pastel pink ang pintura ng room at may glitters din. Oo, mahilig ako sa mga pastel colors at pinakapaborito ko ang pastel pink.
Ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. I think the last time I entered this room is way back three years ago. Noong sobrang lungkot ko kasi namatay yung lolo ko. At yun din yung time na sobra na ang pambubully sakin.
"Ayusin ko nga 'to?" sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang magulo at maalikabok na kwarto. Kinuha ko na ang walis, dustpan at feather duster at nagsimula na.
Winalisan ko ang mga sulok at pinunasan ang mga frames na nandoon. Pagkatapos nun ay inayos ko yung maliit na mesa na may nakapatong na isang picture frame.
Picture ko at ng isang batang lalaki. Teka, sino nga ulit ito? Mukhang pogi na ata 'to ngayon. Sino kaya siya? Hmmp! Nevermind ayan na naman tayo sa pag rereminisce. So pinagpatuloy ko na ang pag aayos.
Nang natapos na ako ay nag spray ako ng air freshener. Tinignan ko ulit yung room at maayos nang nakasabit yung mga picture frames at ayos na ang mga boxes.
Napangiti ako sa ginawa ko. Pagkalabas ko ng stock room ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang picture na iyon at ang batang lalaki. Nahiga na lang ako sa kama at tumitig sa ceiling.
Ang alam ko, crush ko yun dati eh. Hanapin ko kaya yun?
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...