Mabilis na dumaan ang mga araw at ngayon na nga ang pageant day namin. Ngayong hapon gaganapin sa school. Naeexcite ako na kinakabahan na hindi ko maintindihan. Nakaupo ako ngayon sa swivel chair at inaayusan.
Namiss ko bigla si mommy. Kung nandito sana sya, sya yung nag aayos sa akin. Nagchicheer sya at masayang masaya. Pero ngayon, wala na siya sa tabi ko at ako na lang. Ako na lang mag-isa. Biglang tumulo ang mga luha ko.
"Ay be, naman wag kang umiyak. Buti na lang foundation pa lang." Sabi nung nag aayos sa akin. "Haha sorry po." Sabi ko at tumawa ng peke. Erase erase the thoughts. Good vibes lang Linnea. Today is the big day! Keri yan!
Inayos nung babae yung buhok ko at niwaterfall braid na wavy yung baba. Ang ganda tignan. Yung makeup ko light lang tapos mukhang natural na natural. Rose gold ang color ng eyeshadow ko at lip gloss lang sa lips.
Hindi ako makapaniwala na pwede ako magmukhang ganito kaganda. "Ang ganda mo!" Sabi nung nag aayos sa akin. Ngiti lang ang tugon ko sa kanya. Ang suot ko ngayon ay light blue and pink na gown. Mukha siyang cotton candy. Bumagay sa kutis kong katamtaman lang.
Yung ibang mga candidates nakikita ko na ang gagarbo ng suot na gown pati sila ang gaganda. Todo ayos at makeup sila. Hmm, manalo o matalo man ayos lang yun!
"Okay ladies mag line na kayo at magsisimula na ang pageant. Faster!" Sigaw nung isang teacher kaya nag line na kami. Panghuli ako sa line dahil ako ang pinakamatangkad at ako din ang number 7.
Isa-isa na silang lumabas papuntang stage at nagpakilala na. Nakakabinging hiyawan lang ang maririnig mo. Hala paano ako. Kulelat ata ako. Psh. Kinakabahan ako ng sobra.
"Last but definetly not the least, candidate number seven!" Sigaw ng emcee. Naglakad ako papuntang stage at tila nag slow motion ang lahat. Ang tahimik ng mga tao. Sabi na nga ba walang magssupport sa akin.
Pero maya-maya ay dumadagungdong na sa buong hall ang malakas na hiyawan.
"Ang ganda mo pala Linnea!"
"I love you na!"
"Go Linnea!"
Naappreciate ko yun. Ngumiti ako at kinuha ang mic.
"Hi everyone! Linnea Davaux your miss nerd! You know why a is the first letter in the alphabet and not b? Because goes first attitude first before beauty. I thank you!" I said and smiled. Nagpapalakpakan at nagsisigawan sila.
Hinahanap ng mata ko ang apat na pangit este ang heartthrobs. Nakita ko naman sila agad na nasa gitna at nagchicheer. May hawak silang malaking banner na 'Go Linnea'. Actually, yung tatlo lang ang busy mag cheer. Si Travis kasi kumakain lang ng fries at naka earphones.
"Ladies, proceed now at the backstage and get ready for the talent portion." Sabi ng emcee sa amin kaya bumalik na kami sa backstage. Ano nga bang talent ang meron ako? Hays kakahiya ang gagawin ko mamaya.
Kakanta ako tapos magigitara para sa akin ay si Zack. Magaling kasi sya tapos pumayag siyang tulungan ako. Ang saya diba? Good luck to me! Panigurado na mas magagaling sa akin yung iba. Kulelat ako neto. Nagpalit ako ng damit. Isang simple blue cocktail gown lang na may ruffles sa baba.
"Ok girls line up na ulit. Magsisimula na ang talent portion." Sabi nung coordinator tapos pumapalakpak . Sumunod kami agad at isa-isa na silang tinawag. Nauna si Shane na sumayaw, si Ella naman nagballet, si Loraine nag gymnastics or whatever na tawag dun, si Jenn nag drums ang angas niya promise! Si Elisha naman ay nag acting, si Flor kumanta, tapos hala!! Ako na!
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...