Travis' POV
I'm freakin' out right now! It's five minutes before midnight and Linnea is not yet here! She's not yet arriving then she said she's driving home? Is she fooling me? Where the hell is she 'cause I'm freaking out!
Seven o'clock was the last time she answered my call and now she's out of coverage! She will surely be dead when she got home.
"Bro, will you stop what you're doing? It will not help you find her." Sabi ni Jeff na ngayon ay nakaupo sa sofa at kumakain ng fries. Lakad kasi ako ng lakad at panay tingin sa cellphone ko.
"Uyy, boss, kung hanapin na kaya natin? Malay mo nahulog na sa kanal, nakagat ng aso? Ahh! Alam ko na! Natalisod siguro." Sabi naman ni Matt.
Nakatanggap naman siya ng apat na malalakas na sapok mula sa amin. "Ang tanga mo naman Matt! Hanep!" Umiling lang ako sa bigla niyang pag-iyak.
"Wahhh! Palagi na lang kayong ganyan sa akin! Inaano ko kayo? Susumbong ko kayo kay Nea pag uwi niya!" Para talagang bata.
Nagreklamo pa ang loko. Nagsitawanan kami pero biglang natigil ng may magring na cellphone. Tumingin kami kay Dave dahil mula iyon sa cellphone niya.
"Excuse ha, importante lang." Tumayo siya at naglakad paalis. "Siguro bukas na iyon babalik si Linnea. Malay mo nakila Elisha lang diba?" Tama si Zack. Bakit di ko agad na isip yun? Hindi naman din dapat ako mag-alala dahil malaki na yun at kaya na niya ang sarili niya.
Magaling din yun makipaglaban. Gangster heir eh. Makatulog na nga lang sa sofa. Sana bukas pagkagising ko nandito na siya. Pero may napapansin nga pala ako Kay Dave. Panay tawag ang kung sino sa cp niya. Umaalis pa siya para sagutin ito.
Kahit ilang buwan pa lang kaming nagkakasama sa iisang bahay ay pinag-aaralan ko ang mga galaw niya. I'm an observer. And I think, he's keeping something from us. From Linnea. I will find out soon and that's for sure.
Linnea's POV
Nagising ako dahil sa lamig na naramdaman ko. Binuhusan ata ako ng malamig na tubig na may help. Ice bucket challenge ang peg ng kidnappers ko? Nakapiring ako kaya hindi ko makita kung nasaan ako. Puro kadiliman.
I hate this feeling. Silence all over the place. May mga naririnig din akong yabag ng mga paa. Nakatali ang mga kamay at paa ko habang nakaupo ako sa isang metal chair. I think? Ang tanga naman nila para lubid ang gamitin panali.
Mamaya kapag nainip na ako tatanggalin ko na to ng walang kagatol-gatol. Kayang-kaya ko kaya tanggalin ang tali. Stupid as ever.
Nakakairita naman ang piring na to! Ang baho na nga eh ang higpit pa ng pagkakalagay! Bumuntong hininga ako at maya-maya ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa papalapit sa direksyon ko. Uhm, sa naaamoy ko ngayon na pabango ay sigurado akong babae ito.
Bigla niya na lang tinanggal ang piring ko ng marahas at sinadya niya atang bumaon sa pisngi ko ang kuko niya. Ang hapdi. Pusa ba to? Nasilaw ako sa liwanag na biglang bumugad sa akin. Nag-adjust ang mga mata ko bago pag-aralan kung nasaan ako.
Nasa loob ako ng isang kwartong sky blue ang pintura. Walang ibang gamit dito o baka nasa may likuran ko kaya di ko makita? Nakapagtataka dahil wala ako sa isang abandonadong lugar. Madalas kasi pag kinikidnap sa abandonado diba? Weird ng kidnapper.
"So, done examining the place?"
Napalingon ako dahil sa pamilyar na boses na iyon. Hindi na nga ako nagkamali ng akala sa kambal. Demonyita nga talaga ang Clarisse na to tulad ng kakambal niya. Kasama niya din ang mga alipores niyang palaka.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...