Chapter 7

13.6K 316 2
                                    

Third person's POV

Kasalukuyan ngayong nasa OR si Chloe. Nasa may Morgan hospital sila na pagmamay ari ng kanyang mga magulang.


Nagbabantay sa labas ang binatang nagdala sa kanya sa hospital. May tinawagan siya gamit ang kanyang latest na cellphone na nagmula sa isang kilalang brand.


"Hello tita. Sinugod po si Chloe sa hospital."


["Bakit? Anong nangyari? Sige sige papunta na kami dyan okay. Salamat hijo."]


At inend na niya ang tawag. Bumalik sa pagkakaupo ang binata at dumating na ang doctor ni Chloe.


 "Are you the family of Ms. Morgan?" Tanong ng doktor.


"Yes doc. How is she?" sabi nung lalaki. 


"Successful po ang ginawang operation sa may chin niya. Pero hindi pa siya makakakain ng maayos for a few days at nakadepende sa kanya kung gaano kabilis ang paggaling niya. For now, I prefer soup lang muna ang pwede niyang kainin. Eto na rin yung medicines na kailangan niyong bilhin."


"Konting stitches lang po ang ginawa namin. Ililipat na namin siya sa private room after a few minutes. She needs to rest for a few days at imomonitor rin namin siya," dagdag pa ng doktor bago ito umalis.


Ilang sandaliI pa ay inilipat na nga si Chloe sa private room niya at kasalukuyang tinititigan ng lalaki ang walang malay na dalaga. "I'm home sweetie, I hope you wake up right away," bulong nito sa dalaga habang nakaupo sa upuan sa tabi nito.


Maya-maya pa ay nakarinig siya ng pagkatok sa pinto kaya naman tumayo siya para buksan ito. Binuksan niya ang pinto at pumasok ang mga magulang ni Chloe na alalang alala sa anak. Nagbeso sila at pinuntahan na ang kinaroroonan ni Chloe.


"How is she?" tanong ng mom ni Chloe.


 "After ng operation, ganun pa rin po. Hindi pa rin sya nagkaka malay. The doctor told me that she needs to rest, " sagot ng binata sa mag asawa.


"Thanks for being here hijo," sabi ng dad ni Chloe sa binata sabay tapik sa balikat. "By the way, since when did you arrive? " tanong ng mom ni Chloe.


"Ah kararating ko lang po kaninang 3:00 AM. Kaya po medyo may jetlag pa," sagot nung lalaki habang hinihilot ang sentido niya. "Oh, I see. But I heard from Katherine that you were there. Hijo, bakit ikaw ang nagdala sa kanya dito?" Mausisang tanong ng dad nito.


"I went there to surprise her, but I think I'm the one whose surprised by what I saw. She's bleeding and unconscious and everyone around her were laughing," sabi nung lalaki at napatakip naman ng bibig ang mom ni Chloe.


"Tita, I'm just wondering. Are you really sure that it's just an accident? I'm being more curious now that I saw how they treat her there," sabi nung lalaki. Ingleshero ang lalaki dahil nga taga-US talaga ito.


"Like you, I don't think so. To be sure, I called her aunt to check the CCTV footages. She'll give me the update later," sabi nung mom ni Chloe. Nag- aalala na talaga ang ina ni Chloe.


Hindi man ito magsalita, naghihinala ito sa mga kakaibang kinikilos ng anak. Naging mas tahimik ito at mahiyain. Madalas rin itong may sugat na hindi niya na binibigyan ng pansin.


Hindi niya naman mapilit ang anak na magkuwento dahil baka hindi pa ito handa. At rinerespeto niya ang privacy nito.


"Waaahhh!" Biglang sigaw ni Chloe habang umiiyak na ikinagulat nilang lahat kaya naman agad silang lumapit rito.


"Baby?"


"Chloe! Chloe!"


Her mom and dad said in chorus. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Chloe at nagdugo na ang kanyang tahi sa baba.


"Chloe, Chloe? Are you alright?" sabi nung lalaki. Nung marinig ni Chloe ang pamilyar na boses ay dahan-dahan nitong idinilat ang kanyang mga mata at nabigla siya. Tama nga siya ng hinala.


Ito ang kanyang kababatang nanirahan noon sa ibang bansa.


"D-dave?" 

The Mysterious Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon