Natapos na agad ang training namin. Mahirap at nakakapagod pero tiniis naming lahat yun. Ngayong araw na masusubukan kung kaya na ba namin lumaban. Nandito na kami sa battlegrounds at nag iinat pa muna sa gilid.
"Haiist medyo kabado ako. Baguhan tayo ehh. Baka ismolin tayo ng makakalaban natin ngayong gabi." Sabi ni Matt. "Tch. Wag kang kabahan. Para ka namang bakla dyan eh! Talo ka pa ata ni Linnea eh." Sabi ni Zack.
Nagsalita na ang emcee.
"Hello to all! Exciting ang laban ngayong gabi! Begginers vs pro! Ang maglalaban ngayong gabi ay ang Black wolves vs. Fearless royalties! May rules lang tayo. Bawal ang gumamit ng armas! Physical strength ang labanan! Let the fight begin!"
At naghiyawan ang mga tao.
Kami ang fearless royalties ewan biglang punasok sa isip ko yan eh tas nag agree na sila. Pumunta na kami sa gitna ng battlegrounds at humarap sa aming kalaban.
Magkakatapat na kami ng kalaban. Lahat sila ay nakasuot ng madaming hikaw. Tadtad ng butas sa tenga, ilong, dila, at pati sa lips. Yuck! Samantalang kami tanging maskara lamang ang nakatakip sa mukha.
Nagsimula na ang laban at sila ang unang sumugod. Sabay- sabay ang sugod nila. Yung kalaban ko akmang susuntok pero naiwasan ko agad at sinipa siya ng malakas sa tyan.
Hindi sya agad natinag at muling nagtangkang sumuntok. Hinawakan ko ang malaki niyang kamao at saka siya tinuhod sa panga na dahilan ng pagkatumba niya sa baba.
One thing I've learned in our training, kahit gaano kalaki ang kalaban, basta may tactics ka at alam mo ang pinakamasakit na tatamaan mananalo ka.
Pinaulanan ko na siya ng ubod lakas na mga suntok at nagdudugo na ang kanyang mukha. Putok ang labi at halos hindi na maimulat ang isang mata.
Nawalan na sya ng malay kaya tumayo na ako. Kinuha na siya ng medics at ginamot sa gilid. Naupo na ako sa gilid dahil tapos ko na naman ang aking kalaban. Pinapanood ko ngayon na lumaban sina Travis.
Kahit mata lang ang nakikita ko ay halatang seryoso sila. Bawat suntok ay may pwersa. Mahirap kalabanin ang mga pro na tulad nila pero hindi ako kinabahan.
May tiwala naman ako sa sarili ko at syempre sa kanila. Hala! Sinuntok si Travis ng kalaban niyang isang malaking lalaki na balbas sarado. Katakot ang itsura niya.
Napaupo si Travis at tumayo agad. Sinuntok niya ng malakas ang mukha nung lalaki at dumugo na ang ilong nito. Pinaulanan niya ito ng magkakasunod na sipa sa tiyan na dahilan upang ito ay bumagsak.
Dahil nga malaki ang lalaki ay hindi niya naitayo ang sarili niya at counted as talo na din sya. Kinuha na din sya ng medics at ginamot. Papunta na dito sa kinaroroonan ko si Travis. Medyo madilim dito sa place ko.
Hala. Anong nangyayari sa puso ko? Ang bilis ata ng tibok.
"Hey. Are you ok?" Alalang tanong niya sakin.
"Ha? Ah oo," sabi ko naman. Nakarating na pala siya sa akin at tinanggal na din ang maskara. Nagmukha pala akong tange.
"Congrats ang galing mo." Sabi niya sa akin pero nakatingin kina Zack na nakikipaglaban. "Mas magaling kayo sa akin." Sabi ko and smiled.
"Alam kahit kailan ang humble mo talaga." Sabi niya at tumingin sa akin. "Huh? Hindi ah. Totoo naman talagana mas magaling kayo ehh." Sabi ko. Hindi naman ako nagpapaka- humble eh.
"Ang kulit talaga neto ni baby Nea!" Sabi niya at pinisil ang pisngi ko. Feeling ko ang pula pula na ng pisngi ko. Hala! Buti gabi na at di halata. Sana di niya mapansin.
Bumitaw na sya at sinapo ang noo ko. "Hala mainit ka oh! May lagnat ka?" Sabi niya. Hala wala akong lagnat! Bwiset na pagbblush 'to! Buong katawan ko kasama sa pag init at pamumula.
"Uy, hindi! W- wala akong s- sakit." Sabi ko ng mautal- utal. Why am I stuttering?! "Hindi eh! Ba't mainit ka. Pati mga kamay mo oh! Braso mo. Aish. May lagnat ka." Makulit na sabi niya. Naku, hindi ata 'to magpapatalo eh!
Binatukan ko siya ng malakas para tumigil sa pangungulit. "Uy ang sakit! Para saan na naman yun?" Sabi niya habang kunot ang noo. "Yan ba ang may sakit ha?! Malakas manapok?" Sabi ko at binelatan sya.
"Psh oo na!"
Hindi na ako ulit pinansin. Natapos na din ang laban nina Matt and we won. First fight, first win! Yey! It wasn't easy, but still we did it Umalis na kami sa battlegrounds at sumakay na sa kotse para makauwi na sa tinutuluyan namin na mansion.
Habang nasa kotse ay hindi ako pinapansin ni Travis kahit pa magkatabi lang kami. Sumusulyap ako sa kanya pero hindi siya sa akin tumitingin. Kunot pa ang noo. Ang taray na naman nito. Bilis mainis ah! Ganun ba ako kalakas mambatok?
"Uyy, ba't ang tahimik niyong dalawa? LQ ba?" Tanong ni Matt at ngumisi. Tinignan namin siya ng masama at natakot. "Ang defensive niyo! Sina Jeff at Zack ang sinasabihn ko." Depensa niya and I just smirked.
"Loko 'to ah! Ano kami lovers?" Galit na sabi ni Jeff. Binatukan nila si Matt. Ayun, tumahimik na siya. Medyo matagal pa ang byahe at merong awkward silence. Ehhh! Di ko na kayang tiisin.
Tinusok tusok ko ng daliri ko ang tagiliran niya. "Uyy, Travis galit ka sakin?" Tanong ko habang patuloy na tinutusok tusok Ng tagiliran niya. Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa may bintana.
"Travis dali na. Sorry na nga! Ayaw mo kasing maniwala na wala akong lagnat!" Nakakainis eh! Hina naman nga nung sapok ko.
"Uyy, Travis o nagsosorry na nga." Sabi ni Zack.
Ayaw naman makinig.
Hmmp! Bahala siya! Nakakainis siya eh! Pagtigil ng sasakyan ay inunahan ko silang bumaba at tumakbo kaagad paakyat ng hagdan at dumiretso ng guest room.
Kapag kasi sa kwarto, madali nila akong mahanap. Ayokk ngayon ng kausap. Narealize ko, bakit kaya palaging ako dapat ang magsorry kahit wala akong kasalanan? Dati nung inaway ako ni Dave ako unang nagsorry para lang magbati kami.
Speaking of Dave, hindi ko pa nga pala siya natatawagan or kahit text. Baka nag-aalala yun sa akin. Matawagan nga. I dialed Dave's number and he immediately answered.
(Hello? Chloe? Are you okay? I saw your house and it's a mess.)
"Yah. Okay lang ako. No need to worry." Sabi ko and sighed.
I heard him yawn. Hayys. Naistorbo ko pa ata siya. Sige hindi ko na lng sasabihin ang problema ko sa kanya.
(Uhm,sorry I'm really tired and sleepy. Good night. Talk to you whenever.)
And he hung up. Siguro nga kailangam kong maging independent at solohin na lang ang mga problema ko. Ayoko ng mandamay ng iba. Hayy. Ang dami namang problema.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...