Chapter 36

4.6K 105 10
                                    

Geez another day! Saturday ngayon at kskatapos lang ng training sa basketball kaya nandito kami ni Elisha sa rooftop. Close na nga pala kami. Napagdesisyonan ko na magtino at bumalik sa dati para sa dad at kambal ko.

Alam kong malulungkot lang yun. Sa konting panahon na nakilala at nakasama ko sila ay naramdaman ko ang pagmamahal at pagpoprotekta nila hanggang sa huli.

"Linnea umiiyak ka na naman eh. Don't cry na."

Napatingin ako kay Elisha ng sabihin niya yun. Umiiyak na naman pala ako. Ngumiti ako at pinahid ang mga luha ko sa pisngi.

"Ahh wala lang 'to noh! Hehehe." Sabi ko at nag fake ng tawa. "Cheer up na!" Sabi niya at nagpout. Napangiti ako. May saltik pala si Elisha.

"Alam mo ba Nea, kahit hindi pa din tayo gaanong kaclose ang bait mo pala." Sabi niya at ngumiti pero hindi sa akin nakatingin. Pakiramdam ko hindi naman ako mabait eh. Papaano niya nasabi yun?

Kung ako ay basketball player ay cheerleader naman si Elisha kasi petite siya at maganda. Madami sa kanyang nagkakagusto syempre. "Uy natulala ka na dyan. Say something." Sabi niya sa akin na sinuklian ko lang ng ngiti.

"Alam mo ba Elisha regalo ka sa akin. Biruin mong kakaibiganin mo ang isang katulad ko? Hindi ka ba sa akin natatakot? Gangster ako. At ngayon ako na ang Gangster queen dahil sa pagkamatay ni dad at Leone." Sabi ko at tumingin lang sa mga buildings.

Sinabi ko sa kanya ang lahat. Ganun ako katiwala.

Kita kasi mula dito ang mga buildings na malapit sa school. "Bakit naman ako matatakot? Astig nga na maging kaibigan ang gangster eh. Parang puno ng adventures ang buhay mo. Saka ako ang swerte na kaibigan kita." Sabi niya sa akin.

Hayy. Ganun nga siguro ang tingin ng mga normal na tao sa gangsters. Astig kami at matigas ang puso pero hindi naman kami laging ganun. Minsan mahina kami at nasasaktan na din. Tao pa din kami na may pakiramdam.

"Uhm, Nea mall na lang kaya tayo?" Tanong niya out of nowhere. Tumango ako bilang sagot at masaya na kaming naglakad pababa ng hagdan. Ay mali, siya lang pala yung halos talunin ang bawat step.

Napailing na lang ako at napangiti. Never Kong naisip na magkakaroon ako ng kaibigang katulad niya. Masiyahin, madaldal at palanngti. Dati ay hindi ko naman siya pansin. Actually lahat naman hindi ko pansin.

Agad kong tinawagan ang personal butler ko na sinasabi ni dad dati. Mapagkakatiwalaan naman daw.

"Butler Jed, will you please bring any car there? Hurry up." Sabi ko at hindi siya hinintay sumagot.

"Mayaman ka pala talaga." Sabi ni Elisha na tula namamangha. "Oy ikaw din mayaman wag kang ano dyan." Nagpout siya at yumuko.

Mukhang abnormal ang isang to pero opposite attracts ata. Hay naku never mind. Sumasakit lang ulo ko pag iniisip ko. Basta may kaibigan ayos na yun.

Pagkadating ng kotse ay nagpahatid kami sa CM mall. Ang mall namin. I mean, mall ko. Pero dahil hindi naman talaga pala ako Morgan ay pinapamahalaan yun ngayon ng dating vice president. Magaling siya infairness.

Sinabihan ko si butler Jed na tatawag na lang ako kapag magpapasundo ako. "So saan tayo?" I asked Elisha. Mukha siyang nag-iisip.

"Starbucks!" Ay siraulo pala itong batang ito ha! Mukha pa syang nag-isip eh Starbucks lang ang bagsak namin.

Binatukan ko siya. "Aray naman huhu." Sumimangot siya sa akin. Hindi niya ako madadaan diyan. I just smirked. "Lika na nga dali." Sabi ko at kinaladkad ko na siya papuntang Starbucks.

Humanap kami agad ng perfect spot at iniwan ko siya doon at ako na ang nag order. Hindi naman ako tanga para magwalang bahala na baka patayin ako dito kaya nanatili akong alerto.

Pinapakiramdaman ko ang paligid sa posibleng kalaban. Panay tingin din ako kay Elisha.

Bumalik na ako sa upuan namin at sabi nila ay sila nalang ang magseserve para sa amin nung order. Pagkaupo ko ay tinignan ko si Elisha na nagbabasa ng libro. Ang inosente niya kung tignan. Parang walang kaalam alam sa pwedeng mangyari sa kanya kapag napalapit siya sa akin.

Maaari siyang mapahamak dahil sa pagiging mabait na kaibigan sa akin. Hayys. Ayokong mangyari yun. Ayaw kong mawalan pa ulit ng taong pinapahalagahan. I'll protect my friend.

Nakuha ko ang atensyon niya at nagtataka siyang tumingin sa akin. "Why?" She asked. Umiling lang ako at ngumiti sa pagiging inosente niya.

Dumating agad yung in order namin at agad namin nilantakan ang mga iyon. "Napagod ako kanina sa training." Sabi ko
sa kanya at sumubo ng kinakain kong cake.

"Oo nga eh. Malapit na yung game ha. Basta to do cheer ako sayo! Pagod man ako, maganda parin! Wahahaha!" Tumawa siya.

Nasabi ko na nga ba na may pagkabaliw at mahangin din ang isang to? Parang sila Travis lang. Pero teka nga, napaisip ako bigla ahh. Kumusta kaya ang nilakad nila Travis? Hmm mamaya ko na lang tatanong.

Biglang nag ring ang phone ni Elisha. Agad niya itong kinuha mula sa bulsa ng shorts niya.

"Excuse me." She mouthed and went outside. Tinanguan ko na lang siya. Tumingin ako sa paligid dahil sa pakiramdam na parang may nakatingin sa akin. May nakamasid.

Inilibot ko ang mata ko at nahagip nito ang pigura ng isang lalaking nakahood sa hindi kalayuan. Medyo madilim sa pwesto niya. May suot siyang maskarang itim. Nang makita niyang nakatingin ako ay agad siyang tumakbo papaalis.

Tumayo naman ako at tumakbo para sundan siya. Nakikita ko siya sa do kalayuan sa akin at dumiretso siya sa may exit ng mall namin. I shrugged and stop to catch my breath. Who the hell is he? Saakin ba siya nakatingin? And then a thoughts made me run back.

Naiwan ko doon si Elisha! Binilisan ko ang takbo ko at wala akong Elisha na naabutan doon. Binalot ako ng takot at pangamba para sa kaibigan ko. Sinasabi ko na nga ba at kapahamakan lang ang dala ko.

Hinanap siya ng mga mata ko. Pumasok ako ulit sa loob ng Starbucks. Nandoon pa ang gamit niya. Mas natakot ako para sa kanya at nagimbal ako na imbes na siya ang makita ko ay isang pamilyar na sulat ang nakita ko sa table namin.

'Oh, hi again my princess I wonder if your friend's life is important. Uhm, by the way if you want her back. Find me.'

D. F.

Bumilis ang tibok ng puso ko at binalot ng kaba. Takte nagkanda loko na! Tama nga ang hinala ko. Kinuha ng D.F na yan si Elisha.

Nagbeep ang phone ko at kinuha ito. Bumugad ang text message ni Elisha sa screen. Binuksan ko ito kaagad.

From: Elisha

Catch me my princess.

Kung sino man to, sigurado akong siya din ang may pakana ng pagpatay sa pamilya ko. Magsisisi siya na nabuhay pa siya. I'll hunt who the hell is this.

The Mysterious Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon