Inaantok ako. Nagpuyat na naman ako kagabi kakabasa ng mga novels eh. Kasalanan ko bang maganda yun? Tss. Basta talaga libro eh hindi ko matatanggihan.
Pupungas-pungas akong tumayo mula sa kama at dumiretso sa restroom para mag hilamos.
Naku, mukha ata akong walking dead. Parang zombie ang lakad ko. Ikaw ba naman matulog nang 3 am at gumising nang 5 am! Tignan lang natin. Kasalanan ko din naman kasi 'to! Baliw ako! Huhuhu! Panigurado pagtatawanan na naman ako ni Travis pagbaba ko.
May pasok kami ngayon. Tinatamad ako sobra. Pikit pa ang mata ko. Maliligo na lang muna ako at baka sakaling magising-gising.
Pumasok ako ng CR at binuksan ang shower. Lintek. Ang lamig nung tubig. Parang galing ref na ehh. Wahh!! Kung hindi lang ngayon ang 2nd grading exam namin hindi talaga ako papasok eh.
Pagkatapos kong maligo parang wala pa din epekto!! Antok pa din ako! Bumaba na lang ako at dumiretso sa dining. Nandun na sila at nakaupo.
Napatingin sila nung umupo na ako. "Sino kaya yung napuyat kakabasa ng librong hindi importante?" Parinig ni Zack na gumagawa ng kape.
"Oo na! Guilty na ako! Wag niyo na ko pagkaisahan," asar kong hiniwa ang tocino at nakapout.
"Hindi pala cute mag pout ang panda. Gahahaha," asar naman ni Travis at sumubo ulit.
"Sige lang asarin niyo pa ako."
Bahala na nga sila. Maglalakad na lang ako ngayon.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko na nakalapag sa sofa. Palabas na ako ng pinto ng magsalita si Travis. "San punta?" Sabi niya.
"None of your business." Sabi ko at dumiretso nang labas sa pinto.
Biruin mo na ang lasing, wag lang ang babaeng puyat at maagang nagising.
Habang naglalakad ako ay biglang may sumulpot at inakbayan ako. Nabigla ako pero hindi ako nagreact. Tinignan ko kung sino yun, si Dave lang naman pala.
Teka, SI DAVE!? Nanlaki ang mga mata ko bigla. "Miss me?" Sabi niya nang nakangisi. "Wooo! Hi Davey Davey! I really missed you!" Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Buti pala nakita ko siya dito.
Pero bakit kaya ngayon lang 'to nagpakita sa akin ulit. Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Sinuntok ko siya ng mahina sa may dibdib at naglakad na ulit.
"Oy para saan yun?" Sabi niya at sumusunod sa akin.
"Ang daya kasi! Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita?"
"Uhm, busy lang ako. Saka wag mo na intindihin yun! Ang importante, nandito na ako oh!" Sabi niya. Hinarangan niya ang dadaanan ko kaya napatigil ako.
"O sige na nga."
Patuloy na ako sa paglalakad. Inaantok pa din ako. "Huy antok ka pa?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami.
"Halata naman diba? Tss."
Nakarating na ako sa school at papunta na nang room pero bakit nakasunod pa ata siya?
Nilingon ko siya at kumunot noo. Nagtaka naman siya at nagtanong. "O bakit na naman?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bakit nandito ka pa din?" Natawa siya sa sinabi kong iyon at umiling.
"Hindi mo ba nakikita na naka uniform ako? Edi sa malamang room mo din ang punta ko." Sagot niya at deretso pasok sa room. "Huh teka! Nag enroll ka din?" Tanong ko. Tumango siya at ngumiti. "Bakit naman?" I asked.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...