Travis' POV
Nakakagaan pala sa pakiramdam ang walang kaaway. Yung wala kang kinaiinisan at wala kang iisipin. Nakakangiti na ako ng totoo. Pakiramdam ko dagdag kapogian ito ng mga 10 times.
Oo, I've made a hard decision na humingi ng tawad sa kanya. Totoo yun ha! Totoo na. Naisip ko lang kasi na wala talaga syang nagawa sa akin at mababawasan na rin ang stress ko. Ako lang naman gumagawa ng ikakastress ko eh.
Narealize ko lang na mahirap ang magalit at mainis sa isang taong wala sayong nagawang masama at mukhang hindi naaapektuhan.
Kumakain na kami ngayon ng dinner ng sabay-sabay. Dun pa din sa long table kanina
"Ganda ata ng aura mo ngayon ah. Anong bang nangyayari sayo? Nakakatakot ha pero sige dalasan mo yan," sabi ni ate tippy na nasa katabi ko.
"Ahh wala 'to. Bawal na ba ko magsaya ngayon?"
"Hindi naman. Pagpatuloy mo. Nagmumukha kang maganda lalo. Este gwapo," sabi ni ate. Napailing na lang ako.
Natapos kaming kumain ng medyo maaga. 8:30 pa lang ng gabi. Hindi kasi uso sa amin ang nagkkwentuhan habang kumakain. Tumayo na kami isa-isa at nagsipuntahan na sa kanya-kanyang kwarto.
Ako at ang pinsan kong si Yan ang magkasama sa kwarto. "Oh boring!" Sigaw ni Yan at humiga sa kama. "Oo nga eh?" sang ayon ko at tumayo sabay kuha ng sweater ko.
"Uyy where 'ya goin'?"
"Magpapahangin lang sa labas," sabi ko. He just nodded at lumabas nga ako. Well, hindi naman boring dito ehh. May mga nag fafire dance and party dun sa di kalayuan.
And I saw someone. She's alone. Naglakad ako papalapit sa kanya and approached her. "Hey." Medyo nabigla sya pero ng makabawi sa pagkabigla ay biglang ngumiti. "Hi." Sabi niya.
Bakit nga ba hindi ko napansin na maganda siya dati? Na behind her glasses, she's a beautiful lady. I regret bullying her and in the first place it's just for fun.
"Gabi na ahh. Bakit ka nandito sa labas? Babae ka pa naman," sabi ko."Ahh, nagpapahangin lang ako. Para makapag-isip. Ikaw ba?" Tumingin siya sa akin. "Just like you nagpapahangin lang din," tinignan ko siya.
Hay. Para akong tumititig sa isang anghel. Ang inosente niya tignan. Yung mga ngiti at tingin niya parang nakakatunaw. Parang pakiramdam ko kapag kausap ko siya matagal ko na siyang kakilala.
"Pwede ka bang kakwentuhan?" Tanong sabay iwas ng tingin. Nakakahiya lang kasi. Ayoko din tignan ang mata niya, parang nalulunod ako sa ganda ng mga ito.
Luh, anong nangyayari sakin? May nakain ba akong masama?
Chloe's POV
"Pwede ka bang kakwentuhan?" Tanong niya sa akin sabay iwas ng tingin. Hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ako. Na magkaibigan na kami ngayon. Para akong nananaginip, kung panaginip 'to parang ayaw ko nang magising.
"Talaga?"
"Oo naman."
He smiled and that's the smile that made me fall for him. Parang bumalik lahat ng feelings ko sa kanya. It came rushing in.
"Sige," sagot ko naman. "Tara, lakad- lakad nalang tayo," sabi niya at tumango naman ako. So ayun, nagsimula na kaming maglakad.
"So, uhmm let's start with, why are you so quiet sa school?"
"Kaya lang naman ako tahimik kasi wala naman akong naging kaibigan. I'm always alone. Parang tanga naman kung magsasalita mag isa," malungkot kong sabi.
"Bakit nga pala wala kang kaibigan?" Tanong niya ulit. "Uhmm, kasi diba sabi mo ang sino man ang makipag kaibigan sakin malalagot sayo," sabi ko at yumuko.
"Oh, my fault. I'm sorry for that. Kasalanan ko pala yun," napahawak pa siya sa batok. "Ok lang yun. Tapos na yun. Isa pa sanay na rin ako. Tatlong taon na ganun ang buhay ko," sabi ko at ngumiti.
"Salamat ha. Mabait ka pala talaga," sabi niya at ngumiti. Stop smiling. Nakakainlove seryoso. May dimples pa siya.
"So ako naman ang magtatanong. Bakit ka suplado?" Deretsahan kong tanong. "Hala. Ouch ganun ba ko?" Sabi niya at umaktong parang nasasaktan.
"Uyy oo kaya. Lagi kang ganto oh," sabi ko at ginaya yung mukha niyang laging kunot noo at tumawa.
"Alam mo ang cute mo kapag tumatawa ka. Pero grabe ganun itsura ko," he said and now it's his turn to laugh.
"Ikaw kasi ehh. Parang galit lagi sa mundo. Ewan ko ba kung bakit ang daming may gusto sayo," sabi ko.
"Syempre noh! Ang gwapo ko kasi," sabi niya sabay pogi pose. "Ikaw nang gwapo," sabi ko. "Talaga!" Mayabang niyang sabi at tumawa.
"Alam mo dalasan mo kayang tumawa at ngumiti para madagdagan pa ang mga may gusto sayo," sabi ko. Madadagdagan ang mga kaagaw ko.
"Ikaw din dalasan mo ang pagngiti at pagtawa para lalo ka pang gumanda," sabi niya.
"Hala hindi naman ha! Hindi ako maganda noh!" Sabi ko at nahampas siya. Sabi na ehh mahahampas ko talaga 'to.
"Hala sorry nahampas kita," sabi ko. Kumunot noo niya. Hala! Kakatakot! "Halatang natatakot ka sakin. No worries. Okay lang di naman masakit ehh," sabi niya at tawa ng tawa.
"Hilig neto mantrip ehh. Kala ko pa naman totoo na," sabi ko. Dinalaw na ako ng antok. "O hala mag midnight na pala. Halika balik na tayo sa rooms natin. Antok ka na din," aya niya.
"Sige," sagot ko at lumakad na kami. Ayoko pa sanang matapos ang gabing ito pero inaantok na ako. Hayy. Sana maulit pa din ito.
"O sige nandito na tayo. Sige tulog na tayo. See you bukas ha. Sayang ng ganda mo pag nagka eyebags ka," sabi niya pa at ngumiti. "Thank you pala Travis ha," sabi ko sa kanya.
"Oo naman. Sa'yo din thank you. Sige na pasok ka na. Good night and sweet dreams," sabi niya at ngumiti. Pumasok na nga ako ng kwarto. Haay.
Ang saya naman. Akala ko hanggang pangarap na lang ang makausap siya. Hindi pala. I really enjoyed this night.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...