Matt's POV
Hi there! Matthew Jake Salvador here. Kasali ako sa grupo/ tropa nina Zack. Syempre si Travis leader kahit alam naman nilang lahat na ako ang pinakagwapo! Hahaha! Joke lang. Gwapo, kwela kasama, matalino( kahit papaano), at mayaman. Hinahanap ko pa ang forever ko ehh.
Nasa school na ako ngayon kahit maaga pa lang. Dahil wala pa ang tropa, naisipan kong maglakad- lakad na lang muna. Ang boring kasi ehh. Tilian of girls everywhere. Syempre isa ako sa mga campus heartthrobs noh! Hindi ako nagbibiro, ganun talaga sila sa tuwing dumadaan kami. Minsan nga hindi na lang namin pinapansin kasi nakakasawa.
So yun, hindi ko sila pinapansin att sa aking paglalakad ay nakita ko si Chloe na naglalakad habang may binabasang libro.
When I first saw her, I know she's not a nerd. Porket nakasalamin tapos manang manamit nerd na agad? Hindi pwedeng conservative? She's so BEAUTIFUL to be, right?
"Chloe!" I called out.
Tinignan niya ako then gave me a sweet smile. Too pretty! She ran towards me na parang may nakita siyang kuya niya tama nga naman kasi isa ako sa kuya- kuyahan niya. Parang hindi nga bagay kasi mukha atang ang bata ko tignan para maging kuya.
"Grabe ang landi talaga niya."
"Ughh, inis!"
"Landi naman this girl!"
"Kapal ng mukha ha!"
Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ng mga babaeng yun. Alam kong nahihiya na siya dahil lumungkot bigla ang mukha niya at tila kinabahan. Tumakbo ako papalapit sa kanya and then I took her hand. Next thing I know, we are running away together hand-in- hand. I'm holding her soft hand.
Tumigil kami sa school garden kung saan madalas niyang tambayan. We were already breathing heavily when we paused. "Morning exercise ang peg," sabi niya.
"Sorry ahh. Nasense ko lang na hindi ka na komportable dun at parang nahiya ka. Kung ano- ano kasi pinagsasabi ng mga b's na yun sa'yo eh," sagot ko.
"Bakit nga pala b's ang tawag mo sa kanila?" Tanong niya. "Uhmm, not to be mean. Pero tinatawag namin silang b's kasi it stands for bees as in yung bubuyog. Like buzzz!" I said while mimicking the sound of bees. And she laughed. Luh? Babaw naman ng kaligayahan neto. I like her attitude. Hindi siya nahihiya na tumawa ng malakas. Walang arte.
"Ayy, sorry mababaw lang talaga ang kaliayahan ko," she said quite embarassed. Then she blushed. Awiee why so cute? Geez can't help but pinch her cheeks. "Hmm, awsh (ouch)," hinawakan niya pa ang parte na pinisil ko.
"Cute kasi baby girl. Uyy wait. Pawis ka na oh. Let me wipe it," sabi ko then pinunasan ko na yung pawis niya sa my forehead. Wala naman malisya yung ganito. Just simple gestures of kindess. Uminom na kami ng tubig. Parehas naman kami merong inumin. Maaga pa naman.
Nagpahinga kami sa may ilalim ng puno and out of nowhere I asked, "Are you happy with the life that you have? I mean as a Morgan."
Natahimik siya.
"Actually oo naman. I'm grateful and honored that I'm a Morgan. Pero may mga pagkakataon din talaga na winiwish ko na hindi na lang. Para kasing nawawalan na kami ng privacy. Kaya, kahit sa mall lang ako pupunta ay pinapasamahan ako ni mom. Kailangan ko rin mag disguise. Grabe ano, akala mo naman artista ako," she said and smiled weakly.
"Ahh ganun. Masyado ka kasing humble to the point na hindi na halata na mayaman ka pala. Yeah, seriously," sabi ko nang tignan niya ako. "Yah, I don't need to boast what I have right now 'cause I know everything is just temporary. Hindi naman lahat ng bagay dapat alam ng mundo na pagmamay ari mo. Stay lowkey kumbaga," sabi niya pa. Woo. Very well said.
Tumingin siya sa wrist watch niya at tumayo. "Oh, well I think we have to go now. Baka ma- late na tayo sa klase," pinagpag niya na ang suot niya and she turned to look at me when I didn't answer. "Are you okay?" She asked me worriedly.
Napabalik lang ako sa katinuan ng batukan niya ako. "Woah! Para san naman yung ginawa mo? Sakit ah! Para kang sina Jeff kung mambatok. Lalaki ka ba?" Sabi ko while laughing a little.
"Uhmm, ikaw kasi di ka kumikibo kaya ayan binalik kita sa katinuan. Hahaha." Tumawa pa siya at sabay na nga kami naglakad papunta sa klase namin.
Chloe's POV
Hayy nako, meron daw mga maglilibot na president ng clubs ngayon para makapag sign-up kami sa kanila. Actually kasi matagal ko ng gustong sumali sa sports club. Marami naman akong alam na sports ehh. Bata pa lang ako kung ano ano na ang inaral ko. Basketball, volleyball, badminton, pati rin taekwondo at iba pa. But I'm too shy to join and compete for the school.
Ewan ko ba kay mommy at daddy. Para daw sa future ko yun. Magiging athlete ba ako? These past years sa basketball ako nag sign- up at hanggang ngayon yun pa rin ang gusto ko.
Suddenly, our class was interrupted by the knocks on the door.
"Pasok."
Inaasahan na namin ang pagdating nung mga presidents ng club ngayon. Gagawin kasi ito for the whole week. Pumunta sa unahan yung president ng sports club. "Ehem, good morning to all of you. As you all know, we're here to know who are going to sign-up for the sports club. So, to those who are interested, please raise your hands and stand up here in front," sabi nung presidentng sports club.
Madaming nagtaas ng kamay at tumayo kasama nila. Isa na ako dun. Tinignan ko yung tropa ni Travis. Lahat sila ay nagsitaasan ng kamay. Si Travis varsity yan sa basketball. Lahat pala sila I mean. Pero at the same time, black belters din sa taekwondo. Galing noh? Hindi lang sila mga gwapo, sporty rin at marunong magself defense. Kaya nga NAGING crush ko eh.
Hindi ko na nga ba siya gusto? Nang nakita niya akong nakatingin sa kanya ay tinaasan niya ako ng kilay at inirapan ako. Taray niyan. Talo pa ata babaeng meron ehh. Hayy. Siguro nga hindi ko na talaga siya gusto. Pero syempre hindi naman magic ang pagkawala nito.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...