Travis' POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na yung sinasabi ni mommy na family reunion namin. Napostponed kasi ito ng ilang beses dahil sa busy masyado yung mga tito ko.
Naku, makikita ko na naman ang mga tita kong ginagawa akong baby. Nandito ako ngayon sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Ako na ang nag ayos dahil baka kung ano-ano lang ang ilagay ni mommy.
"TJ! Lumabas ka na nga dyan! Sirain ko yang pintuan mo! Aalis na tayo!"
Yan ang malakas na sigaw ni ate mula sa labas. Naku! Nakalunok talaga ng megaphone. "Oo na! Palabas na!" Sigaw ko pabalik bilang sagot. Tumayo na ako at lumabas pero sinalubong ako ni ate ng pingot.
"Aray! Ate! Ano ba! Para saan yun?" Sigaw ko. Binatukan niya naman ako. "Ikaw kasi nagbinata ka lang sinisigawsigawan mo na ko! Che!" Sabi niya at nagpout. Hala malamang sisigaw ako kasi sumigaw siya. Weirdnito. "Ate naman mapagtampo pa! Sorry na uyy," sabi ko at naglalambing.
Ang bading man tignan pero ganito ang gusto niyang ginagawa ko kapag naiinis siya. Ngumiti naman si ate at niyakap ako. "Wag mo na ulitin yun ha? Ako lang ang pwedeng manigaw. Halika na nga," sabi niya sabay hila sa akin pababa. Napapailing nalang ako sa kaabnormalan ng kapatid ko.
Sumakay na kami ng kotse. "Everyone ready?" Sabi ni dad. Yeah, kaya ako masaya at excited tuwing nagrreunion kami. Kasama kasi si dad and he's the driver. "Yeah!" Sigaw naman namin.
"Let's start the ride!" Sagot ni dad and started driving. Binuksan ni ate yung chips at nagsimulang kumain. Nag earphones lang ako at biglang kumuha dun sa chips niya.
"Ehh!! TJ! Meron ka din kaya ng pagkain! Bakit ka pa nangunguha!?" Sigaw niya na parang maiiyak. "Hey, ano yan?" Tanong ni mom sabay tingin sa amin.
"Ehh mommy si TJ kasi! Nangunguha bigla ng pagkain!" Sigaw ni ate na nagsusumbong kay mommy. Tinignan ako ni mom. "What? Ehh isa lang naman yun eh," sagot ko bilang depensa. "Pabayaan mo na lang siya. Wag mo na ulitin baby," sabi ni mom sakin and here it goes again, ako na naman ang may sala.
"Yes mom," sabi ko at bumusangot. Arte kasi ng ate ko. Para pagkain lang yun kung makareact kala mo kung ano na. Kaya tumataba ehh. "Kaya tumataba ehh," bulong ko. "Hindi ako mataba. Ang sexy ko kaya. Che!" Sabi niya. Hala narinig niya yun? Hindi lang boses ang malakas ahh, pati pandinig.
Pagkatapos niya lumamon ay nag yawn siya. Naku naman. "Uyy, TJ. Patulog ako ha," sabi niya at sumandal sa balikat ko.
Kahit naman may saltik ang ate ko, mahal ko naman 'to ehh. Ayoko siyang saktan.
Nasa Bora na kami. Inayos na namin yung mga gamit sa rooms. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng room. "Hey Travis! Miss ka ni tita Milly!" Sigaw ni tita Milly sabay pisil sa pisngi ko. Milly for Millinda. Isa sa sinasabi ko na binebaby ako. Tsk. "Tita naman ehh. I'm not a baby," sabi ko naman. "Let's go na nga lang. They're waiting for us," sabi ni tita at iginaya ako papunta sa kinaroroonan nila.
So pumunta na kami dun sa long table na naka arrange sa may malapit sa cottage. Nandun halos lahat ng mga relatives namin. Umupo ako sa tabi nung best friend/ cousin ko si Yan.
Ryan Chavez na kaparehas kong medyo bad boy. Habulin din yan. Nasa dugo na namin yan. "Bro! 'Sup?" Sabi niya at nag apir kami.
"Pogi pa rin nama," sabi ko. Tumawa naman siya. "Mas gwapo pa rin ako," sabi niya naman. Napailing na lang ako. So yun, kwentuhan at tawanan lang.
"Ehem, ehem. Uhmm, hello pala sa lahat ng nandito ngayon for our family reunion. Bago ko pa makalimutan, meron po tayong bisita," panimula ni mom. Magaling na speaker kasi si mom.
"Please welcome, my best friend and her family. Chistine, Philip, and their beautiful daughter, Chloe," sabi ni mom at may itinuro. Tumingin naman ako sa kanila. Bakit ang familiar naman ata nung Chloe na yan? Do I know her?
"Bro, you like the girl huh? Yeah, she's pretty," Sabi ni Yan at ngumiti. Mukhang interested dun sa babae.
"I think I know her," sabi ko naman habang inaaral ang mukha noong babae. "Please have a seat. The Morgan family will stay with us. Please be nice ha. Best friend ko yan si Tine," sabi ni mom. Oh my! Kaya pala familiar yung girl sa akin. She's none other than Chloe the nerd. Ughh. I think because of her, I can't really enjoy this reunion. Bakit kasi kasama pa siya?
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...