Tippy's POV
"Grabe talaga yung kagabi! Kinikilig ako!" sabi ni Jerrica.
"Oo nga ehh." Sang-ayon naman ni Claire at Bree.
"Si kapatid mo pala ay pumapag-ibig na ha!" Kantyaw ni Grae. "Oo nga eh," sabi ko. I'm so happy!
"Buti nga hindi nila tayo nahalata dahil sa busy sila magkulitan!" sigaw ni Chesca. If you're wondering what we're talking about? It's about Travis and Chloe!
>> Flashback <<
So kagabi hindi pa kami makatulog ng mga pinsan ko. Napansin kong wala si Chloe sa katabi namin kaya hinanap namin siya. "Hala. Asan si Chloe?" Alalang sabi ko at napatingin rin sila sa dapat na higaan ni Chloe.
"Oo nga hanapin natin sa labas?" Tanong ni Chesca.
"Leggo."
Lumabas nga kami at nakita namin siya at lalapitan sana pero, nakita namin na nilapitan siya ni Travis.
"Oh my!"
Naglakad sila palayo at napagdesisyunan namin na sundan sila. Sunod lang kami ng sunod at panay tago. Nakita namin lahat. Yung tawanan nila at kulitan.
Parang ngayon ko lang ulit nakitang ganun kasaya ang kapatid ko.
>> end of flashback <<
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chloe na kakatapos lang maligo. "Morning po mga ate," she's drying her hair with a towel. Pupungas- pungas pa siya habang naglalakad. "Antok ka pa ata ahh," puna ko.
"Uhm, medyo late po akong natulog ehh." Sabi niya at humikab.
Nagtinginan at nagngitian kami ng mga pinsan ko kasi alam namin kung bakit siya late natulog. Mwehehe. Ayiee ako ang kinikilig ehh!
"At bakit naman?" Usisa ni Bree. "Uhm, kasi uhm, nag-usap lang kami ni Travis kagabi," sabi niya at nag iwas ng tingin.
"Ayieee! Kwento na yan!"
Chloe's POV
"Ayieee! Kwento na yan!"
"Uhm, sige po." Sabi ko.
"Yey! Bukingan session."
So kinwento ko sa kanila na nagtanungan lang kami at ayun nagka asaran. Yun lang yun.
"Ehh 'bat ang sweet niyong tignan askdft-" hindi natapos ang sasabihin ni ate Jerrica dahil tinakpan nina ate Chesca at Bree ang bibig nito at sinamaan ng tingin.
"Okay? Hala bakit po? N-nakita niyo ba yung kagabi?" Alalang sabi ko. Hala kung oo nakakahiya! Please sabihin niyong hindi niyo nakita!
"Uhm, yeah," sabi ni ate Tippy at napa face palm ako dahil naramdaman ko na ang pamumula ko. Hala nakakahiya. Bakit ako nahihiya? Kasi yung tawa ko pati yung pag make face ko narinig at nakita nila.
"Ok lang yun noh! No need to worry! Ang saya nga namin nung pinapanood kayo ehh. Minsan lang kasi ganun yung kapatid ko," sabi ni ate Tippy.
"Ayieee! Ang sweet niyo tignan ahh. Hahaha. Baka naman si Travis ang crush mo?" pang-asar ni ate Grae. Nag blush naman ako at napatigil.
"Ang cute ni baby girl mag blush oh! Totoo ba?" Asar nila.
"Uyy tama na nga yan. Nagugutom na ako," saway ni ate Bree at tumayo na. Pero bago umalis ay bumulong siya sakin.
"Bagay kayo," ngumisi siya and I'm left there dumbfounded.
Uuwi na pala kami maya-maya. Heto ako ngayon at nakatayo sa may seaside. Pinagmamasdan ang sunset. Wahh! Ang saya ng naging experience namin dito sa Boracay! Naglaro kami kanina ng beach volley tapos nagbasaan lang kami.
Nagkwentuhan rin lang kami nina ate at syempre, ni Travis. Medyo nasun burn ako pero worth it naman yun! Hope to be back here soon.
"Uyy tulala ka dyan," nabigla ako sa nagsalita pero nakilala ko agad kung sino ito. Si Travis pala. I see, when he is your friend, madaldal siya at protective.
"Wala. Pangalawang sunset na itong nasasaksihan ko dito sa Boracay," sabi ko habang nakatingin sa langit.
"You know what I love about sunsets?" Tanong niya habang nakatingin pa rin doon.
"Ano?"
"It proves that endings can also be beautiful," sabi niya at ngumiti. Saglit ko siyang tinitigan pero naputol ito ng may magsalita.
"Uhmm, baby."
Lumingon ako at nakita si mom. "Oh, mom," sabi ko at lumapit sa akin si mommy. "Hi po tita," binati ni Travis si mommy.
"We have a problem kasi. Umalis na ang dad mo kasi may emergency lang sa business so, wala ang car natin," sabi ni mommy.
"Pano yan ma?"
Paano kami makakauwi?
"Uhm, I suggest na pwede naman po kayong sumabay na lang sa amin. Madami pa naman pong space dun eh. Saka si ate po hindi samin sasabay," sabi ni Travis.
"Wow! Talaga?!" Tanong ko sa kanya not believing him.
"Yeah. If it's okay with your mom, then why not," sabi ni mommy. "Of course tita! You're best friends right?" Tanong naman ni Travis.
"So now, it's settled!" Sabi ni mom. "Mare!" Biglang sigaw ng mom ni Travis at lumapit sa amin. "O, mare! May favor pala ako," sabi ni mom.
"Anything."
"Could we ride with you?"
"Of course naman! Halika! Alis na tayo! Go get your things," excited na sabi ng mom niya at pumalakpak pa.
"Uyy baby okay ka ba?" Tanong ni mom sa akin bigla. Tinignan ko siya at tumango. "Yes mom," sagot ko.
"Sige baby."
Nagsimula ng magdrive ang dad ni Travis at tahimik lang kami. Ugh. Katabi ko ngayon si Travis at si mommy. Nahihiya ako.
Nasa gitna nila akong dalawa. Pagod na ako and at the same time, inaantok na din.
Pumikit na lang ako and I fell asleep.
Travis' POV
Nasa kotse na kami ngayon. Katabi ko si Chloe at unti-unting bumagsak ang ulo niya sa may balikat ko. Nagulat pa nga ako eh.
"Hala nakatulog na. Sorry hijo. Can you handle?" Sabi ni tita.
"Yeah sure tita."
"Thanks hijo," sabi niya. Hayy inaantok na din tuloy ako. Siguro hindi naman ako makakaistorbo sa tulog niya pag natulog din ako. Sige na nga tutulog ako.
Before I fell asleep, I smiled as I look at her angelic face and felt happy. Masaya lang ako na payapa ang lahat.
The sunset is nice and after a long tiring day, the thing that I love the most is coming home.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Nerd
Teen FictionNerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin niyo siya. Isang nerd na may tinatagong katauhan; Isang nerd na may tinatagong kagandahan. Walang nakakaalam, wala pa. Kahit siya mismo ay hin...