Ara stayed with her Kuya Sam for three more days before deciding to finally let her parents, her twin, and her best friend know about her current situation. Pinag-isipan niyang mabuti kung kailan ngunit tama ang sinabi ng kuya niya na kapag mas pinatagal pa niya ito, mas mahihirapan siyang magtago.
Everyone could help her face it all, but her Kuya Sam said that it would be her decision.
Gumaan ang lahat simula nang sabihin niya sa kuya niya ang tungkol sa sitwasyon dahil kahit paano, mayroong isang taong makakaintindi sa nangyayari sa kaniya. Sa tatlong araw rin na magkasama sila, hindi ito umalis at pinaasikaso na lang sa iba ang café na pag-aari nito. Tuwing umaga, mayroong nakahandang almusal na bagong luto at hindi tulad nitong mga nakaraan na binibili lang niya via delivery dahil hindi naman siya marunong magluto.
"Are you sure you're ready?" tanong ni Sam habang nasa loob sila ng sasakyan. "If you're still unsure, think about it first."
"I think it's best na sabihin ko na sa lahat, Kuya Sam," sagot ni Ara bago sumimsim ng hot choco na binili nila sa Starbucks dahil nag-crave siya roon. "You're right. They'll know soon especially that my tummy's getting bigger."
Sam smiled and focused on driving. Ara, on the otherhand, rested her head and breathed. Sa tatlong araw, hindi rin siya pumasok sa school at nagpaalam na lang sa mga professor niya na hindi maayos ang pakiramdam niya.
Linggo at lunch sana ang gusto ni Samuel para sa pamilya nila, pero na-move na maging dinner dahil mayroong kailangang lakarin ang mga magulang nila. Si Ara na rin mismo ang tumawag kay Belle at tinawagan na rin si Sayaka para makasama na rin ito.
Nagsalubong ang kilay ni Ara nang makita ang sasakyan ni Belle. "It's surprising that Belle's on time," mahina siyang natawa. "I'm used to her being late."
It was true! Madalas pa ngang nagagalit ang parents nila dahil palagi itong late sa mga family lunch or dinner nila. Minsan pang hindi nakakapunta at sa kanilang magkakapatid, si Belle ang pinakapasaway na halos hindi na mapagsabihan ng mga magulang nila.
Dahil sa naisip, lalong natakot si Ara.
Everyone knew her as the perfect daughter—someone na hindi nagpapasaway sa mga magulang, hindi nagkakamali, at hindi gumagawa ng ikasasakit ng ulo ng mga magulang nila. Pero ito ang nangyari sa kaniya.
"Let's go?" Kinuha ni Sam ang atensyon ni Ara nang mapansin ang pagkatulala ng kapatid.
Sabay silang pumasok sa loob ng bahay at naabutan si Belle at Sayaka na nanonood ng movie sa sala. Parehong tumili ang dalawa nang makita sila at ipinakita ang pizza na nasa coffee table pati na ang soft drinks, popcorn, at vanilla cake.
Lumapit si Ara sa dalawa at hinalikan ang mga ito sa pisngi bago naupo sa sofa. Hindi muna siya nagsalita ngunit panay ang kuwento ng mga ito tungkol sa pelikulang pinapanood.
It was one of their favorite movies since they were young. It was Amanda Bynes and Channing Tatum's movie, She's the Man.
Naramdaman niya ang paghaplos ni Belle sa buhok niya at nagtanong ito kung kumusta ang mga almusal na niluto ng kuya nila. Palagi kasing special iyon sa tuwing bumibisita sila sa condo nito at ipinagluluto talaga sila.
"He cooked chicken alfredo kagabi," Ara widely smiled. "And we went to the ice cream store na malapit sa condo niya. We walked lang."
"Hala! Napakadaya!" singhal ni Belle kay Sam na kakaupo lang sa pang-isahang sofa. "Mamayang dinner pa raw sila mommy and buti na lang din. We should sleep together sa room mo, Ara!"
Tumango si Ara dahil sanay naman sila sa ganoon. Nilingon niya si Sayaka na inabutan siya ng popcorn at basta na lang niya itong niyakap.
"I missed you, Say!" mahinang sambit ni Ara. "How's school? Malapit na rin your graduation."
BINABASA MO ANG
Every New Beginning Counts
Fiksi UmumMaking Every Second Count - Book 2 (Narration)