Chapter 24

3.4K 220 29
                                    

Nakatingin lang si Kanoa kay Ara habang kausap nito ang waitress na nag-assist sa kanila sa restaurant na napuntahan nila. Nadaanan lang nila ito habang binabaybay ang daan papunta sana malapit sa condo nina Ara, pero mukhang maayos naman kaya nag-decide silang subukan.

The restaurant serves different dishes and Ara got herself some rice with sauteed shrimp and veggies on the side while Kanoa got baby back ribs with carrots and corn as a side dish.

"How was your bonding pala with Antoinette last time?" Ara broke the silence when she saw Kanoa struggling to say something. "Kuya said pala na he talked to you about hiring you!"

"Nanood lang kami ng stars. Iba na naman pala ang hilig niya ngayon. Parang hindi nanonood ng cartoons si Antoinette, eh," ngumiti si Kanoa. "Nagkausap kami ng kuya mo. Sabi ko naman na may aasikasuhin lang ako sa mga susunod, pwede na ulit."

Uminom si Ara ng tubig at kumuha ng complementary chips habang tumatango-tango. "That's nice!" simpleng sagot niya dahil ayaw niyang panghimasukan kung ano ang mga ginagawa ni Kanoa nitong mga nakaraan. Wala rin naman talaga siyang idea.

Nagbukas na lang si Ara ng topic tungkol sa mga paborito ni Antoinette nang mapansing walang planong magsalita si Kanoa. Madalas itong nakatingin sa kaniya, pero tahimik. Ngayong nagkukuwento siya tungkol sa anak nila, panay ang halakhak nito at sumasagot na rin sa mga sinasabi niya.

Dumating ang order nila, nagsimula na silang kumain. Pinag-usapan din nila ang tungkol sa mg balak pa raw niyang ipanood kay Antoinette para kahit papaano raw ay makasabay dahil wala naman daw itong alam sa mga stars.

Tawa lang ang naging sagot ni Ara.

"Nag-check pala ako sa website mo noong nakaraan," sabi ni Kanoa. "Fully booked ka nga hanggang next month!"

"You tried?" Ibinaba ni Ara ang spoon at fork. "Hala! Why?"

"Wala naman. Madalas kasi kitang hindi nakikita kahit na binibisita ko si Antoinette. Tiningnan ko lang kung ano'ng araw walang naka-book para sana . . ." Tumigil sa pagsasalita si Kanoa at yumuko.

Nagsalubong ang kilay ni Ara. "Para sana?"

Ngumiti lang si Kanoa at umiling. Nagsimula ulit kumain nang hindi sinasabi kay Ara ang gustong sabihin. Bakas naman sa mukha ni Ara ang pagtatakha, pero hindi pinilit si Kanoa na ituloy kung ano ba iyon.

"I have my schedule three times a week lang naman, depende sa location because some are out of town shoots," Ara said. "But starting next month siguro, I'll limit the bookings kasi I'll take a rest muna."

"Tama rin para hindi ka ma-burnout," sagot ni Kanoa. "Based on experience lang.

Ara smiled warmly and nodded. "Thank you. I'm taking a break din talaga sa mga susunod. But you? Are you working right now?"

Mabagal na umiling si Kanoa. "Hindi sa ngayon. Meron akong inaasikasong mas importante, iyon muna ang focus ko."

"Wow! Are you into business now?" Ara looked shocked and happy. "But whatever that is, I'm rooting for you and I'm excited sa outcome kasi I know you'll do very well."

Tumigil sa pagnguya si Kanoa dahil sa sinabi ni Ara. Gusto niya sanang sabihin kung ano ang ginagawa niya nitong mga nakaraan, pero hindi pa siya handa. Ayaw niyang magkaroon ng false hope para sa lahat. Iyon ang dahilan kung bakit mas gusto niyang itago ang ginagawa niya.

Nabasa niyang mayroong mga nag-therapy na hindi naging maayos at ayaw niyang tumaas ang expectations ng lahat. Gusto niya sana na maayos na siya bago pa malaman ng iba ang ginawa niya.

. . . lalo na si Ara. Ayaw niyang makita ang disappointment sa mukha nito dahil mas mahihirapan siya. Wala siyang pakialam sa magiging reaksyon ng ibang tao, si Ara ang importante sa kaniya.

Every New Beginning CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon