Chapter 26

3.6K 230 47
                                    

It took Ara three days to decide. She even had to ask Sam about his opinion. Same with Belle and Sayaka who told her that if she wanted to, then do it. She was hesitant, a little scared, but wanted it too. She knew that.

Ara breathed upon entering Kanoa's unit. It was clean and all of Antoinette's toys were in the living room.

"Hello, Ara!" Kanoa's mom hugged her tightly. "Nagluto ako ng lunch. Excited ako noong sinabi ni Kanoa na pupunta kayo rito, eh. Ang tagal na rin kasi nating hindi nagkita."

Nang humiwalay ang mama ni Kanoa. Hinaplos nito ang pisngi niya at binulungan siya. Nagpasalamat ito sa pagpayag niya sa kahilingan ni Kanoa at na natutuwa itong magkakasama sila.

"Hindi rin naman ako magtatagal. Gusto ko lang din talaga kayong makita ni Andra!" Excited na ibinaba ng mama ni Kanoa ang pagkain sa lamesa. "Hindi ko kasi puwedeng iwanan mag-isa 'tong Ate ni Noa. Wala kasi 'yong asawa niya, eh. Nasa probinsya para sa trabaho."

"No worries po, Tita," ngumiti si Ara. "Thank you po for cooking! What's this po?"

Naupo ang mama ni Kanoa sa tabi niya at sinandukan siya ng kanin pati na rin ng ulam. "Nako, simple lang 'yan. Adobong manok na may baboy. Hindi kasi ako sigurado kung ano'ng gusto mo, kaya paborito ni Kanoa ang niluto ko."

Hindi naman mapili sa ulam si Ara, pero ito ang unang beses niyang kakain ng adobo na magkasama ang manok at baboy. Madalas kasing baboy lang o kaya naman ay manok lang.

Naupo naman si Kanoa sa tapat niya at katabi nito si Antoinette na kumakain ng nabili nilang sponge cake sa malapit na bakery bago sila dumiretso sa condo ni Kanoa. Sinusubukan nilang pakainin ng kanin ang anak nila, pero focused ito sa icing ng sponge cake at hindi sila pinapansin.

They ate peacefully and Ara volunteered to wash the dishes. Kanoa declined and told her to stay in the living room with Antoinette and his mom. She agreed and sat on the sofa watching the two plays with Barbie dolls.

"Kelan pala kayo aalis kung sakali?"

Pasimpleng nilingon ni Ara si Kanoa at busy ito sa paghuhugas ng pinggan. "Five weeks from now po, pero baka mapaaga po depende sa pagkakaayos ng titirhan namin ni Antoinette."

Humigpit ang pagkakahawak ni Kanoa sa kutsarang sinasabunan niya nang marinig ang sinabi ni Ara. Nabanggit na nito iyon noong nasa sasakyan sila na posible ngang mapaaga ang pag-alis ng mga ito dahil urgent ang position na nakuha.

Nasabi na rin ni Ara sa kaniya na nakisuyo ito sa pinsan nitong nasa New Jersey kung puwedeng tumulong sa pag-ayos ng apartment habang nandito sa sila sa Pilipinas. Walking distance lang naman daw ang apartment na iyon sa opisinang papasukan ni Ara.

"Sinong makakasama mo roon?" nag-aalalang tanong ng mama niya.

"My former yaya's daughter po. She's working sa house ng parents ko po and I asked if she wanted to come with me. She's close naman po with Antoinette since I sometimes ask her to take care of her whenever I'm not around," sabi ni Ara.

"Mabuti naman at mayroon kang kasama. Akala ko kayong dalawa lang ni Andra, eh," dagdag ng mama niya. "Uwi-uwi rin kayo, ha? Baka pagdating n'yo rito, hindi na ako kilala nitong baby ko."

Mahinang tawa ang naisagot ni Ara. "Yes po. We'll come home naman po every now and then."

Isa rin iyon sa ikinatatakot ni Kanoa—ang dumating ang araw na hindi siya makilala ng anak niya dahil malayo sila sa isa't-isa. Inaalala niya rin talaga kung sakali mang mag-apply siya ulit ng visa dahil ilang beses na siyang declined. Ilang beses na rin kasi niyang sinubukan dahil may mga lugar sa US na gusto niyang puntahan noon pa.

Every New Beginning CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon