Chapter 1

4.3K 178 60
                                    

A week after the hospitalization, Ara tried so hard to live normally. It was impossible. The morning sickness was the worst and she couldn't do anything about it. Even vitamins for pregnancy became unbearable.

No one knew about her situation and she planned to keep it that way. Hangga't hindi napapansin, hindi niya sasabihin—iyon ay kung kakayanin niyang itago lalo sa kakambal niya.

Nakikita niya pa rin si Kanoa sa classroom na magkaklase sila, pero hindi niya ito pinapansin. Madalas niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya na para bang mayroong gustong sabihin o gusto siyang lapitan, pero siya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi iyon mangyari.

Sandali na lang din at graduation na rin nila. Isa pa iyon sa inaalala niya dahil mayroon na ngang umbok ang tiyan niya sa kasalukuyan, paano pa sa mga susunod.

Ara wanted to finish college normally, as if nothing was going on. She didn't want others to know her real situation especially Kanoa. Wala siyang balak sabihin dito ang sitwasyon niya.

Nakaramdam siya ng gutom kaya naman naisipan niyang magpunta sa cafeteria bago umuwi. Carpool lang ang gamit niya nitong mga nakaraan dahil nahihilo siya at ayaw niyang magmaneho.

Habang namimili ng kakainin, naramdaman niya ang vibration ng phone niya.

It was her Kuya Samuel asking if he could pick her up. She asked 'why' and her brother replied 'date'.

Hindi na iyon bago dahil weekly talaga silang lumalabas o kung masyado mang busy, every two weeks. Simula noong teenager pa sila ni Belle, ang kakambal niya, palagi na silang inilalabas ng kuya nila.

Their Kuya Samuel always showed them how a woman should be treated. Dates, flowers, chocolates, and more importantly respect.

Dahil doon, hindi niya maiwasang maalala ang nangyari sa kaniya. Kanoa happened, they dated, the dare, the sex video, and the pregnancy. Nakaramdam siya ng awa sa sarili niya dahil kung tutuusin, nagmahal lang naman siya. Hindi naman niya ginusto ang mga nangyari sa kaniya, but the internet was persistent that she deserved it.

Tinigilan na niya ang pagbabasa ng mga comment tungkol sa video, pero may mga pagkakataong dumadaan iyon sa feed niya. Gustuhin man niyang mag-deactivate, hindi pa niya magawa dahil kunektado ba ang accounts niya sa school works, lalo ang messenger.

Kumuha si Ara ng blueberry milkshake, tapa with rice, and Caesar salad. Nakita rin niya ang fruit cake sa desserts counter. Para siyang naglaway dahil isa iyon sa madalas niyang kainin nitong mga nakaraan.

While eating, she observed the place. She would miss the university, everything about it, but she promised she would never come back.

The university had lots of memories. Mas lamang ang magaganda dahil sa apat na taon, nag-enjoy siya. Ngunit simula nang makilala niya si Kanoa, parang gusto niyang ibaon sa limot ang lahat. If she could, she would literally go back and ignore everything about him.

Ara burped and chuckled. She unconsciously caressed her belly and smiled. Kahit na masakit mga nangyari at may hinanakit siya kay Kanoa, tinanggap niya ang nasa sinapupunan niya. Wala itong kasalanan sa nangyari sa kaniya.

She enjoyed eating until the bell rang. Another class and she was sleepy.

Aside from morning sickness, vomiting, and eating so much, Ara was always sleepy. She kept on whispering 'Almost there' and promised that after graduation, she would take all the time in the world to rest.

Paulit-ulit ding kinurot ni Ara ang sarili habang nakikinig sa professor nila. Mayroon pa siyang final exams sa mga susunod na araw. Inihahanda rin niya ang sarili niya sa huling pagkikita nila ni Kanoa para sa thesis nilang dalawa. It would be awkward, but they had to.

Every New Beginning CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon