Chapter 28

3.9K 237 51
                                    

Ara saw how the couple's eyes widened in shock upon seeing Kanoa. Kilala pala ng dalawa si Kanoa dahil napanood na ang mga footage nito sa YouTube. Nabanggit din ng soon-to-be-bride na si Kanoa ang gusto sanang i-hire ng soon-to-be-groom, pero hindi nag-reply sa page.

"You're sungit naman pala," mahinang natawa si Ara habang inaayos niya ang camera na gagamitin niya. "Do you even accept video services for weddings?"

"Hindi. Ayoko ngang uma-attend sa mga kasal," Kanoa snorted. "Teka, may kukunin lang ako saglit sa kwarto."

Tumango si Ara at sinundan ng tingin si Kanoa. Nakalipat na rin sila sa malaking bahay dahil dito naman talaga ang accommodation nila. Apat naman ang kwarto. Isa sa kanila ni Kanoa, isa para sa makeup artist, isang kwarto para sa couple, at ang isa naman ay para sa kaibigan ng couple na kasama ng mga ito.

Maayos naman ang naging pagtulog nina Ara at Kanoa. Halos hindi na nila napansin at namalayan ang isa't-isa dahil na rin siguro sa pagod at antok. Buong magdamag silang tulog at nagising na lang sa alarm dahil paparaing na ang kliyente niya.

"Miss Ara!" Lia, the soon-to-be-bride squealed, shocking her. "Nagulat ako pagkakita ko kay Kanoa! Grabe po."

"He's not accepting clients daw for this, eh," sabi ni Ara. "But good thing you met him. Baka magbago ang isip niya for your wedding just in case you're still interested sa kaniya."

Nanlaki ang mga mata ni Lia. "Oh my gosh, Miss Ara. Meron na kaming na-hire for photo and video, but if Kanoa Dinamarca's available. . . grabe I will hire him."

Hindi naman masisi ni Ara ang couple na kausap niya dahil kakaiba ang aesthetic ni Kanoa. It was dark, moody, and cinematic.

"Puwede magtanong, Miss Ara?" Lia stared at her, she nodded. "Ikaw ba si Barbara?"

Nanlaki ang mga mata ni Ara at tumango. Muli itong tumili dahil nga nakita raw sa Instagram post ni Kanoa ang ribbon ng babae at may caption na Barbara. Hindi na ulit ito nagtanong. Willing naman siyang mag-explain kung ano ang relationship nila ni Kanoa, pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon.

Lumabas si Kanoa ng kwarto at hawak nito ang gimbal. Napatitig si Ara dahil wala naman ito sa usapan nila.

"What's that?" Ara asked.

Kanoa shrugged. "Mukhang wala naman akong gagawin kasi ang ganda ng lighting dito at mukhang kuha mo na 'yung settings, kuhanan ko na lang sila ng video?"

Nagulat ang magkasintahan sa sinabi ni Kanoa, kahit mismong si Ara. Nakatingin siya kay Kanoa na inaayos ang setting ng sariling camera.

"Just take note lang na magkaiba kami ng vibes ni Ara," paalala ni Kanoa sa magkasintahang nasa harapan nila. "Iba ang angles na gusto ko, pero hindi n'yo kailangang mag-pose para sa 'kin. Ako ang mag-a-adjust base sa pose na gusto ni Ara."

Tumango si Lia at kinalabit si Josh, ang fiancé. Pareho silang nagulat sa offer ni Kanoa dahil gusto sana talaga nila itong kunin, pero hindi nga nagre-reply. Medyo hindi lang makapaniwala si Lia na magkasintahan ang dalawa dahil totoo naman. Magkaiba ang aesthetic, magkaiba ang vibes, at mas lalong magkaiba ang feels pagdating sa output ng mga project.

Matagal na hinanap ni Lia ang vibes ni Ara. Mabuti na lang at dumaan ang viral shots nito sa feed niya kaya hindi na siya nagdalawang-isip na i-hire ito para sa prenup nila. Soft and youthful kasi ang vibes ni Ara.

More on pastel and light colors. Mas gusto rin ni Ara ang simple, raw, and genuine vibes na para bang nakikipaglaro lang sila sa camera. Ayaw ni Ara na stiff sila. Sinabi pa nitong magkuwentuhan lang sila na parang masaya. May scenes pa na nakaharap lang sila sa TV, nanonood ng favorite nilang music video para makuha ni Ara ang natural nilang emosyon.

Every New Beginning CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon