Chapter 4

3.2K 143 28
                                    

Ara automatically smiled upon seeing her graduation dress. It was simple and a little loose to hide her pregnancy. Finally, it was their graduation day. She had been waiting for it so she wouldn't have to worry anymore.

The dress was an off-shoulder in salmon color and was made with chiffon fabric. It had some flower embroidery around it and the long-sleeved ruffles made it a little extra.

Nakahiga pa rin siya yakap ang unan na niregalo ni Sayaka.

Hindi niya sigurado kung dadalo sa graduation niya ang parents niya. Kung hindi man, sapat na ang Kuya Sam niya at masaya na siya para doon. Alam din niyang pupunta si Belle, pero hindi ito papasok dahil limitado lang ang puwede kaya maghihintay na lang daw sa labas kasama ang kasintahan nito.

Bigla niyang naisip si Kanoa dahil noong panahong okay pa silang dalawa, napag-usapan nila na sa graduation, magpapakilala ito sa pamilya niya at ipakikilala rin siya sa pamilya nito. They had plans to have dinner together and let their family know about them.

Bumagsak ang luha niya dahil sa naalala. Dumiretso siya nang higa at ang magkabilang mga mata niya at napuno ng luha at nagkusa na iyong tumulo. Ramdam ni Ara ang bigat sa dibdib niya, ang bigat sa paghinga, at kaninang mahinang pag-iyak ay naging malakas na hagulhol at paghiyaw.

"Ara?" Sam knocked when he heard Ara bawled. "Ara, papasok ako sa loob."

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Ara. Naabutan ni Sam ang kapatid na diretsong nakahiga habang nakalapat ang kanang kamay sa tiyan at ginagawang pantakip ng mga mata ang kaliwang kamay.

Huminga siya nang malalim at nilapitan si Ara. Naupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang kamay nitong nasa tiyan.

"What's happening?" tanong ni Sam. "Your eyes will be puffy later."

Tinanggal ni Ara ang kamay na nakatakip sa mga mata niya at tiningnan ang kuya niya. "I'm sorry, I'm crying again."

"Why are you even saying sorry? Crying is a normal response to what you feel right now. Are you in pain? Are you excited for later?" Sam asked. "Crying is okay, Ara. Don't ever forget that."

Maingat na naupo si Ara at inihiga ang ulo sa balikat ng kuya niya. Hinaplos nito ang likuran niya at hinayaan siyang umiyak nang umiyak hanggang sa siya na rin mismo ang kumalma. Tama ito. Pangit kung namamaga ang mga mata niya sa graduation.

"Thanks, kuya," bulong ni Ara at mas lalong isiniksik ang katawan niya kay Sam. "Is it really okay na here ako mag-stay during pregnancy?"

"Kung gusto mo hanggang mag-18th birthday ang anak mo, kasama mo 'ko," ani Sam na ikinatawa nilang dalawa. "Kung saan ka comfortable, we'll settle there. Lilipat tayo ng unit sa susunod na buwan."

Nag-angat ng tingin si Ara at tinitigan ang kuya niya.

"Same building, different unit. I'll sell this one and I got the available three bedroom unit few floors from here. There, aside from my personal room and your room, we can have another room for the baby."

"But I want to sleep with the baby," Ara murmured.

Sam chuckled. "I know. But a play area?"

"Kuya, it's too early!" gulat na sabi ni Ara.

Umiling si Sam. "It's never to early to prepare. Magugulat na lang tayo, the baby's here kaya I suggest, we should start preparing. I'm excited, too, kaya nakapag-plan na rin ako. Next week, we can start transferring our stuff."

"Thank you, Kuya Sam," Ara smiled warmly and kissed Sam's cheek. "Thanks for supporting me here."

Sam pinched Ara's nose. "Let's eat breakfast. I cooked waffles."


Every New Beginning CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon