Nakasandal si Jairold sa gilid ng pinto ng unit ni Kanoa at pinanonood itong i-shoot ang susi sa dooknob, pero hindi magawa dahil sa kalasingan. Kung hindi pa siya tinawagan ng bartender, hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kaibigan niya.
Alas kwatro na at ito siya, nakatingin sa bestfriend niyang patuloy na namang sinisira ang buhay.
"Ako na." Marahas na inagaw ni Jairold ang susi mula kay Kanoa. "Nakakapagod ka na, Noa. Madaling araw, ganito tayo. Pangatlong beses na 'to."
Binuksan niya ang pinto at nilingon si Kanoa na nakasandal sa pader na nakahawak ang dalawang kamay sa tuhod habang nakayuko. Tumingin ito sa kaniya at napailing siya nang makita ang pasa nito sa may kilay dahil napaaway pa.
Hindi na dapat siya nagulat, pero mahigit tatlong taon na ang huling beses na nangyari ito.
Inalalayan niya si Kanoa papasok ng condo unit nito. Napailing siya nang makita ang mga nakakalat na hugasin at maraming lata ng beer kung saan-saan nakalagay. Ang mga damit nitong nakakalat sa sahig, at mga pinagkainang galing sa mga delivery.
Dumapa ito sa kama at basta na lang natulog. Amoy alak, amoy sigarilyo . . . pero walang pakialam basta na lang natulog.
Nag-message na muna siya kay Gia na mag-stay muna sa condo ni Kanoa dahil gusto niyang linisin. Nalungkot si Jai nang makita ang mga laruang nakakalat katabi ang mga sariling kalat ni Kanoa. Minsang naging masaya ang condo nito dahil kay Antoinette, pero malaki ang naging epekto ng pagkaalam nito tungkol kay Antheia.
Ikinagulat nina Jai at Gia ang kuwento ni Kanoa. Lasing na lasing ito noong puntahan nila ni Gia dahil tumawag habang humahagulhol, kinikuwento ang tungkol sa anak na namatay.
Kinabahan pa silang mag-asawa dahil akala nila, may nangyaring masama kay Antoinette. Tinawagan pa ni Gia si Ara para i-confirm kung ano ang sinasabi ni Kanoa nang sabihin nito ang tungkol sa kambal na ikinagulat nila.
Narinig ni Jai ang pagkatok kaya kaagad niyang binuksan ang pinto. "Sorry, tinawagan kita. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko sa kaniya."
Ngumiti si Ara. "It's nothing. What happened?"
"Ayos ka lang?" tanong ni Jai nang makita kung gaano kalamlam ang mga mata ni Ara.
"Yup. Jetlagged. Kakarating ko lang din kasi kaninang 1 a.m!" Ara giggled. "So, how's Kanoa?"
"Nasa kwarto," ani Jairold na huminga nang malalim. "Hindi ko na alam ang gagawin sa kaniya."
Sumandal si Ara sa kitchen counter habang nakatingin sa kaniya. Ipinalibot nito ang tingin sa buong condo ni Kanoa, pero napatitig siya kay Ara. Ilang beses itong humikhab at medyo namamaga pa ang mga mata, halatang kagigising lang.
"It's really my fault," tipid na ngumiti si Ara. "Maybe if I told him about Antheia and not him finding out in a different way would be different. I was so scared and now, this is what's happening."
"Hindi mo puwedeng sisihin 'yung sarili mo." Iniabot ni Jai ang kapehan kay Ara. "Kape ka muna. Halos tatlong buwan na niyang alam 'yung tungkol kay Antheia, pero hindi niya tinutulungan ang sarili niya. Bakit hinahayaan mong ganito?"
Yumuko si Ara na nakatingin sa coffe cup. "Grieving? I know what it feels like. It took me months, too, before ako nakabangon. I already grieved almost two years ago and Kanoa's just starting. I don't know how to approach him anymore; I don't know how to face him after everything."
"Wala kang kasalanan, Ara," diin ni Jai.
"I kept the twins from him," Ara forced a smile. "Fault ko na this is happening to him. When I was in pain, I wanted him to feel the pain, too. It was so unfair for me na ako lang. Why ako lang? I didn't ask for this! Bakit ako lang? I wanted Kanoa to feel everything when I was hurting."
BINABASA MO ANG
Every New Beginning Counts
General FictionMaking Every Second Count - Book 2 (Narration)