One month after fixing their setup, Kanoa and Ara were in good terms for Antoinette. Pareho silang nag-adjust. Kahit na hindi pa ganoon kakumportable si Ara na makita si Kanoa, nag-adjust siya para sa anak nila. Kahit na nakikita ni Kanoa na nahihirapan si Ara na makita siya, isinantabi muna niya ang lahat para kay Antoinette.
Dahil na rin sa may tiwala si Ara kay Kanoa, pumayag itong dalhin na niya sa condo niya ang anak nila. Nakilala na ito ng mama niya na nagulat dahil may anak siya.
Kung tutuusin, napagalitan pa siya dahil daw sa pagiging iresponsable niya noon, wala siyang alam tungkol sa naging situwasyon ni Ara at sa anak nila mismo. Napagsabihan siya, hinampas pa siya ng towel sa likod, at binatukan sa inis. Iyak pa ito nang iyak at nakiusap kung puwedeng makilala ang anak nila.
Natawa si Kanoa nang maalala ang nangyari.
Mabilis na nakuha ng mama niya ang loob ni Antoinette. Tulad ngayon, nakahiga ang dalawa sa sala at mahimbing na natutulog.
Kinailangang bumili ni Kanoa ng matress para sa sahig. Bumili rin siya ng mga laruan na nakalagay sa living area ng condo niya para sa anak niya.
Wala sa schedule ang pag-stay ni Antoinette sa kaniya, pero nakiusap si Ara kung puwede bang kunin muna niya ang anak nila dahil mayroon itong kikitaing kliyente. Hindi rin naman tumatanggap si Kanoa ng mga project kaya libre siya kahit anong oras sabihin ni Ara.
Sumandal si Kanoa sa dining table habang nakatinign sa anak nilang mahimbing na natutulog. Nakataas pa ang dalawang kamay nito at bahagyang nakanganga. Medyo madilim din sa living area kahit na alas dos pa lang ng hapon dahil tinakpan niya ng makapal na comforter ang glass wall para makatulog nang maayos si Antoinette.
Kanoa then decided to look for someone who could personalize darker blinds for his unit. Bukod sa living room, pati na rin sa kwarto niya.
Sa mahigit isang buwang nakilala niya si Antoinette, alam ni Kanoa na malaki ang nagbago sa kaniya lalo sa priorities niya. He used to work just to kill time. Wala pa rin naman kasi siyang plano sa buhay noon at walang direksyon ang mga ginagawa niya.
He was working for fun and for money, of course, not until Antoinette.
Sa unang pagkakataon, naghanap si Kanoa ng mga kailangan para sa anak niya. Insurance, health care, educational plan, at kung ano-ano pa para sa future. Kung puwede lang niyang ibigay lahat kay Antoinette, ginawa na niya.
May pera naman siya, kaya niya.
Habang mahimbing na natutulog si Antoinette, pumasok si Kanoa sa kwarto niya, pero nanatiling nakabukas ang pinto. Bubuuin kasi niya ang doll house na nabili niya noong isang araw para pagkagising nito, may lalaruin na sila.
Kinuha ni Kanoa ang camera niya at nagsimulang i-record ang ginagawa niya. Inisip niya kung gagawin ba niya iyong content, pero bahala na. Kahit kailan, hindi niya naisip na bubuo siya ng doll house dahil unang-una, wala naman sa plano niyang mag-anak.
. . . hanggang sa binago na nga talaga ni Ara lahat.
Nakatutok siya sa ginagawa nang mapatingin sa pinto. Mabagal na naglalakad papalapit sa kaniya si Antoinette. Kinukusot pa nito ang kaliwang mata at mukhang kagigising lang.
Kaagad siyang tumayo para salubungin ang anak niya. Binuhat niya ito at inihiga naman ulo sa balikat niya. Hindi naman umiiyak, basta na lang din yumakap ang maliit na braso nito sa leeg niya.
"Hello." Hinagod ni Kanoa ang likuran ng anak niya. "Gusto mo na bang mag-milk?"
"Mama. . ." mahinang sambit ni Antoinette. "Want mama."
Ngumiti si Kanoa at hinalikan ang gilid ng noo ng anak. "Later, baby. Mama's gonna pick you up later."
Marami na ring salitang alam ang anak nila kaya kahit paano ay nasasabi na nito ang mga gusto sa kanila. Madalas itong kumakanta dahil sa mga napapanood na cartoons.
![](https://img.wattpad.com/cover/333643979-288-k934082.jpg)
BINABASA MO ANG
Every New Beginning Counts
General FictionMaking Every Second Count - Book 2 (Narration)