Ara didn't know what to do when Kanoa started sobbing while kneeling. She was frozen in shock and the scenario was far from what she imagined—him leaving after finding out about Andra.
Nakayuko lang si Ara habang nakatingin sa kamay niya. Nilalaro niya ang kuko niya hanggang sa maramdamang nagsusugat na ang isa. Muli niyang nilingon si Kanoa na nakayuko pa rin.
"Kanoa, stand up. Please?" Ara begged. "Don't do that."
"Please?" Kanoa looked at her. "Kahit ano, gagawin ko... just let me see her. G-Gusto ko siyang makita," he sobbed.
Walang naging sagot si Ara kung hindi ang tuloy-tuloy na pagbasak ng mga luha sa mata niya. Nakatitig lang siya sa nagsusumamong mukha ni Kanoa.
"Please," pag-uulit ni Kanoa.
Unknown to Kanoa, Ara already sent a message to Belle, asking if she could come. Hindi na kaya ng emosyon niya ang nangyayari kahit na kalmado naman sila ni Kanoa. She couldn't speak, she couldn't think.
"Ara?"
Sabay na lumingon si Ara at Kanoa kay Belle na tumigil sa paglakad nang makita ang sitwasyon nilang dalawa.
"Kanoa, tayo ka muna, please?" Belle walked towards them. "May mga nakatingin na kasi and we don't want any attention, right? I think it's better if you guys will talk in private para hindi na rin tayo maka-attract ng iba?"
Nanatiling nakayuko si Ara.
Tumayo naman si Kanoa at kinalma ang sarili bago inilahad ang kamay kay Belle na kaagad nitong tinanggap.
"We met again," Belle smiled warmly. "Tapos na ba kayong kumain? Gusto n'yong umalis na here and we can just go somewhere for you to talk? I think there's too much emotion here and we needed to calm down."
Belle saw Ara's chin vibrate. Pasimple rin niyang tiningnan ang kamay ni Ara na nasa ilalim ng lamesa kung kinukurot ba nito ang sarili at iyon ang nakita niya. Ganoon ang ginagawa ni Ara simula noong magbuntis ito kapag nakararamdam ng kaba.
"Ara, let's go?" pag-aya ni Belle at nilingon si Kanoa. "Tara? Gusto n'yo bang dumaan muna ng dessert?"
"Can I go to the restroom muna?" paalam ni Ara.
Belle nodded. "Of course. We'll wait for you here."
Sinundan ng tingin ni Kanoa si Ara bago hinarap si Belle. Tumingin ito sa kaniya at bahagyang tumango. May sumilay na ngiti sa mga labi nito bago kinuha ang phone ni Ara na naiwan sa lamesa.
"Did she tell you about Andra?" tanong ni Belle.
"Oo," tumango si Kanoa. "Gusto ko sana siyang makita. Nakikiusap ako kay Ara kung puw—"
"I have a request," Belle said in a low voice making Kanoa frown. "Let's take it lightly. Ayokong biglain natin si Ara. She sent me a message kasi hindi na niya kayang i-handle 'yong emotions n'yo here kaya I rushed. Okay lang ba n—"
Tumigil sa pagsasalita si Belle at nilingon ang restroom. Lumabas doon si Ara na nakatingin sa kanila ni Kanoa.
"Ara, do you still wanna talk to Kanoa about Andra or do you wanna go home na?" tanong ni Belle. "If yes, I know a place where you guys can talk privately. What do you think?"
Nilingon naman ni Ara si Kanoa na nakatingin sa kaniya.
"Kung gusto mo pa ring makipag-usap, okay lang sa 'kin," ani Kanoa.
Sa loob ng comfort room, sandaling tinitigan ni Ara ang sarili. A part of her wanted to run away, but she was thinking about Andra. Kahit gusto niyang lumayo kay Kanoa, nakita niya ang willingness nitong makilala ang anak nila. So the talk was needed.

BINABASA MO ANG
Every New Beginning Counts
Fiksi UmumMaking Every Second Count - Book 2 (Narration)