Chapter 1

49 4 1
                                    

Chin's POV

Dahil sa selos. Dahil sa selos kaya ako nandito. Wala sana ako dito ngayun kung hindi lang ako naiinggit sa Kuya ko. Pero dahil dakilang inggetera at selosa ako, nakagawa ako ng desisyon na pinag-sisihan ko. Desisyon na dapat pala hindi ko na ginawa.

You wanna know what I'm talking about?

Nagalit lang naman ako sa sarili ko, nagalit ako sa nararamdaman ko, and worst of all nagagalit ako ngayun sa taong nasa harapan ko.

Kararating lang namin galing sa byahe at dumeritso kaagad kami dito ni Kuya sa palengke dahil sabi niya may bibilhin daw siya, pero hanggang ngayun pakiramdam ko hindi pa sila natatapos sa pag-uusap sa tendera ng palengke.

Kanina pa ako nakatayo dito bitbit ang malaking bag ko. Sumasakit na ang mga paa ko kakatayo rito, pero parang hindi parin tapos makipag chismisan si Kuya. Nakakahiya naman kung iistorbuhin ko pa sila, eh parang ang ganda ng pinag-usapan nila.

Inayos ko ang strap ng bag ko na nakasabit sa balikat ko at yumuko. Naiilang na ako dito, kanina pa ako pinag-titinginan ng mga tao na para bang I'm some kind of a new species na napadpad sa lugar nila.

They are making me uncomfortable, hindi ako sanay sa atensyon.
"Sino yang kasama mo Sherwin?" Tanong ng isang lalaki kay Kuya. Sandali pa siyang lumingon sa akin dahil nasa likuran niya ako bago sumagot.
"Kapatid ko po." Sagot niya rito. Medyo nagulat pa ako sandali dahil sa tono ng pagsagot ni Kuya doon sa lalaki.

Kung maka sabi ng 'po' parang hindi nagmumura noon ah. Eh hindi naman siya ganyan kung magsalita kapag nasa bahay siya, parang palagi ngang galit. Tapos dito lakas maka 'po' ano ba to, nakalunok ng isang basong holy water kaya nagbago?

"Bakit po?" Tanong niya ulit sa lalaki. I just rolled my rolled my eyes while listening to him talking. Hindi nalang ako nagsalita dahil baka magalit pa ito sa akin at iwanan ako nito sa palengke.

"Hindi kasi kayo magkamukha. Parang ang ganda kasi niyang kasama mo para maging kapatid mo. Akala namin kasintahan mo na." Tuloy tuloy na litanya nito. Kahit na pinupuri na niya ako, pero hindi ko parin maiwasang umarko ang kilay ko lalo na ng marinig ko ang salitang kasintahan.

Sigurado ako na maraming babae si Kuya Sherwin dito katulad doon sa amin.
"Grabe naman po kayo sa akin." Sabi ni Kuya at nagpanggap pa na parang batang nasasaktan.

Dahil sa kanyang ginawa, nagtawanan ang ibang mga taong naruon sa palengke. Samantalang ako, poker face parin habang nanunuod sa kanila. Hindi naman halata na wala akong naging reaksyon dahil naka suot naman ako ng mask.

Narinig ko na nag-uusap pa sila, pero nawala na ang atensyon ko doon. Gusto ko ng magpahinga at matulog. Kanina pa nangangawit ang kamay ko kakahawak sa bag ko.

Hindi ko namalayan na natapos na pala si Kuya sa pakikipag chismisan sa mga tindera ng palengke at nakabili narin siya sa bagay na gusto niyang bilhin.

Lutang ang isipan ko habang nakasakay sa loob ng tricycle. Nasa labas lang ako nakatingin at hindi kumikibo. Hindi narin nagkumento o nagreklamo si Kuya dahil hindi ako masyadong nagsasalita. Nasanay na kasi siya sa akin na palaging tahimik lang.

After a few minutes, ay nakarating kami sa tapat ng bahay ni Tita Jane. Kaagad akong bumaba mula sa sinasakyang tricycle at tiningnan ang kabuoan ng bahay na nasa harapan ko.

Two storey house ito, at may balcony sa second floor. Marami ding mga bulaklak na nakapalibot sa bahay, hindi siya kalakihan pero makikita mo na simple lamang ito at may kaya ang nag-mamay ari. Pumasok si Kuya sa gate kaya sumunod nalang ako sa kanya dala ang bag ko.

Kaagad na inilagay ni Kuya sa kusina ang kanyang mga pinamili na ngayun ko lang nalaman na mga ulam pala iyon at gulay. Umupo ako sa sofa na nandoon sa sala at inilibot ang aking paningin. Wala akong nakikitang kahit na sino sa loob ng bahay.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now