Chapter 15

1 2 0
                                    

Chin's POV

For the past two weeks. Napapansin ko ang maraming mga pagbabago sa sarili ko, sa bahay, sa mga taong nakapaligid sa akin.
Nagbago ang lahat simula nuong umalis si Tito Ace sa bahay.

Naging mailap na si tita Jane sa amin. Hindi na siya namin palaging nakikita sa loob ng bahay, at kung nandito man siya, parang palagi naman siyang busy dahil nakakulong lang ito sa kwarto niya. Akala ko magiging mas magkasundo na kaming dalawa simula nuong umiyak siya sa balikat ko.

Pero lahat yun nagbago pagkalipas ng ilang araw. Hindi na siya palaging umiimik sa amin at mas naging strict din siya kesa nuon. Kinakausap niya lang kami kapag kailangan, at palaging nasa kay Clint at Jea lang ang atensyon niya.

Palagi ko ring napapansin ang hindi madalas na pag-uwi nina Kuya Jace at Jay. Si Kuya Sherwin naman ganon parin, pero minsan mamataan ko siya na palaging umaalis ng bahay at late na kung makakauwi.

Habang sa sarili ko naman. Nakasanayan ko na ang pananakit sa sarili ko. Madalas na rin akong nagbe-breakdown at napapansin ko na hindi na ako madalas nakakatulog sa gabi. There's always been a voice that's whispering inside of head, telling me different things and making me realize that I'm not worth it.

Iniiwasan ko na rin si Harold simula nuong nakita ko silang dalawa ni Victoria na magkasama sa isang mall. Alam ko, at halata sa ikinikilos ni Victoria na gusto niya si Harold. At alam kong wala akong laban sa kanya. She has everything, habang ako naman. Well, it's me and my wild thoughts.

Minsan nilalapitan ako ni Harold pero kaagad din naman akong umiiwas. Habang nasa cafe naman at susubukan niyang lumapit sa akin, magpapanggap naman ako na busy para lang hindi ko siya makausap.

At dahil hindi ko na nga masyadong nakakasama si Harold, palagi na akong nilalapitan ni Carla. Inaaya niya akong sumama sa mga barkada niya na palagi ko namang tinatanggihan. Pinipilit niya ako minsan kaya wala akong nagawa kundi ang makisabay sa kanila kahit na napipilitan lang ako.

Minsan din, kaming dalawa nalang ang magkasama lalo na't hindi niya ako mapipilit na makisabay sa mga kaibigan niya. Naririnig ko pa rin ang mga panunukso nila kapag nakikita nilang nilalapitan ako ni Carla.
Napapansin ko rin ang mga nakaw na sulyap ni Harold sa akin habang kasama ko si Carla.

Alam kong gusto niya akong lapitan, at alam kong gusto niyang magtanong kung bakit ko siya iniiwasan. Pero sa tuwing makahanap naman siya ng tiempo, ako naman yung palaging umaalis.

Nasa library kami ni Carla ngayon at nakaupo sa lamesa habang nagbabasa ng libro. Palagi na kaming pumupunta rito simula nung pumayag ako na sumama siya sa akin. Hindi na ako ulit pumunta sa rooftop dahil alam ko naman na nanduon si Harold.

"May gagawin kaba sa susunod na linggo Shane?" Tanong ni Carla sa akin habang inilapag sa mesa ang hawak niyang libro. Umiling ako bilang sagot at hindi inialis sa tinitingnan kong libro ang atensyon ko.
"Wala naman, bakit?" Sagot ko sa kanya. Napansin kong hindi kaagad siya nakasagot kaya nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya.

Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.
"Gusto sana kitang ayaing lumabas, kung okay lang?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako kaya lumaki ang ngiti niya sa akin. Ibinalik ko na ang atensyon sa binabasang libro at hindi na ulit nagsalita.

Kahit na kaming dalawa na yung palaging magkasama, hindi pa rin ako mahilig na makipag-usap ng masyado sa kanya. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong niya, at nagbabahagi minsan ng mga  bagay na gusto kong sabihin. Pero kaagad din naman akong tumatahimik.

Hindi katulad kapag si Harold ang kasama ko na nagiging madaldal ako.

Bakit mo na naman ba siya iniisip Shane?

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now