chapter 19

1 2 0
                                    

Chin's POV

Habang kumakain ako ng agahan ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng uniform ko. Kaagad ko itong tiningnan kung sino ang nag-message.

Harold:
Nasaan ka na?

Tanong niya sa akin. Kaagad akong nagtipa ng isasagot sa kanya.

Me:
Nasa bahay pa.

Sagot ko rito. Nakita ko namang kaagad niya itong binasa at nag-reply.

Harold:
Susunduin na lang kita.

Sagot niya sa akin, at dahil kasalukuyan akong ngumunguya ng pagkain, ay bigla nalang akong nabilaukan pagkakita ko sa sagot niya.

"Shane, are you okay?" Tanong sa akin ni Kuya Jay habang binibigyan ako ng isang basong tubig. Kaagad ko itong ininom at naiilang na ngumiti sa kanya. Tumango lang ako bilang sagot at mag-titipa na sana ulit ng reply para kay Harold, nang biglang nagsalita si tita Jane dahilan para mapatigil ako.

"Cellphones are not allowed when we are eating Shane." Sabi niya sa akin. Tiningnan ko siya at nakita kong tumigil na ito sa pagkain at nakatingin lang sa akin. Siguro kanina niya pa ako minamasdan. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at ibinalik sa bulsa ng uniform ko, kahit na gustong-gusto ko na talagang sagutan ang mensahe ni Harold.

At dahil hindi naman ako makakagamit ng cellphone habang kumakain, ay binilisan ko nalang ang pagkain ko. Halos hindi ko na ito nguyain at nilulunok nalang deritso. Muntikan pa akong mabilaukan ulit dahil sa ginagawa ko. Habang binilisan ko ang pagkain ko, ay tiningnan ko sila sandali. Kanina ko pa kasi nararamdaman na tinitingnan nila ang bawat galaw ko eh.

At hindi naman ako nagkamali, dahil halos silang lahat ay nakatingin sa akin na nakakunot ang mga nuo. Siguro nagtataka kung bakit ako umaakto ng ganito. Halos lahat sila nakatingin, maliban sa isa. Si Kuya Sherwin na parang wala lang pakealam. Patuloy lang kasi ito sa pagkain niya at nasa plato lang ang kanyang atensyon. Mukhang may malalim itong iniisip.

Hindi ko nalang pinansin ang mga titig nila at tinapos nalang ang kinakain ko. Kaagad akong tumayo at inilagay ang pinagkainan ko sa lababo. Pumunta na ako sa kwarto para kunin ang aking bag at para ayusan narin ng kaunti ang aking mukha. Naglagay lang ako ng kaunting polbo at liptint, hindi ko narin inabalang ayusan ang buhok ko. Hinayaan ko nalang itong nakalugay dahil basa pa naman.

"Aalis na po ako tita." Paalam ko sa kanya pagkababa ko. Tumango lang siya sa akin kahit na hindi ako tinitingnan kaya lumabas na ako ng bahay. Pagkalabas ko ay kaagad kong kinuha ang aking cellphone na nakalagay sa aking bulsa at tiningnan ang message ni Harold.

Buti nalang at hindi niya pa dinagdagan ang messages niya, kaya may chance pa na masasagutan ko ang tanong niya kanina.

Me:
No need na, maglalakad na lang ako.

Sagot ko sa kanya. Akala ko hindi niya ito sasagutin dahil wala namang online na nakalagay sa profile niya. Pero nagulat nalang ako ng bigla niya itong binasa at nagsilitawan ang maliliit na elipses. Ibig sabihin ay nabasa niya at nag-titipa na siya ng isasagot sa akin ngayun.

Harold:
Too late, nandito na ako sa tapat ng bahay niyo.

Nagulat ako sa sinabi niya. Nasa tapat na siya ng bahay?  Kanina pa ba siya dito? Ibig sabihin, nasa harapan ko lang pala siya habang nagta-type ako ng reply sa kanya. Kaagad kong inangat ang aking paningin mula sa pagkakatingin sa cellphone ko, at tumambad ang mukha ni Harold sa aking harapan. He's leaning on his car, habang nakapamulsa ang isang kamay niya, at nakahawak naman sa cellphone niya ang isa.

Medyo natulala ako sa nakita ko. Nakasuot siya ng white button down shirt, being tuck in the black slacks. He paired it with white sneakers. He look so handsome in his clothes even though simple lang.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now