Chapter 22

9 1 1
                                    

Chin's POV

Pwede na ba akong mamatay? O baka patay na ako. Kasi pakiramdam ko, yun na ang nangyayari sa akin ngayun.

Today is the school festival. The most awaited moment of everyone, but not for me. Ngayung araw ako sasabak sa beauty pageant, ay no mali pala. Ngayung oras ako sasabak sa beauty pageant. Pagkatapos ng basketball game ay susunod na ang beauty pageant namin.

Kaya nga hinimatay ako kanina. I was hyperventilating at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kaya ngayun na medyo okay na ako, inayos na nila ang make-up ko dahil nasira kanina. And to be honest, I'm not feeling well. Pakiramdam ko nanlalamig na naman ako ulit.

Hindi nalang kaya ako tutuloy? Pwede naman sigurong mag-back out ngayun diba?

"Hey, okay na ba siya?" Narinig kong tanong ni tita Milo sa isa sa mga kaklase ko habang papalapit siya sa kinauupuan ko. Nandito kami ngayun sa dressing room at kasalukuyan nilang inaayos ang mukha ko.

"Ahmm....opo." Narinig kong sagot ng kaklase ko sa kanya.
Naramdaman ko ang paglapit nito sa kinauupuan ko.
"Milo.....p-pwede ba akong m-mag- back out?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla nito dahil sa sinabi ko, nakita ko rin ang pagbaling ng tingin ng mga kaklase ko sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo Shane?" Tanong niya sa akin. Napayuko ako at pinaglalaruan ang aking daliri na nakapatong sa aking hita. I feel soo fucking nervous right now, pakiramdam ko kapag lalabas ako dito sa dressing room tapos pupunta na ako sa stage.

I feel like, I would fuck up. I would ruin our classroom reputation tapos masasayang lang yung pinaghirapan namin ni tita Milo. Naramdaman kong may humawak sa aking kamay, kaya tiningnan ko kung sino ito. Nakita ko si tita Milo sa aking harapan.

"Shane, you can do this. You just have to trust yourself." He said with a reassuring smile. Napalunok ako at napakagat sa aking ibabang labi. Hindi sapat ang sinabi niya sa akin para pakalmahin ako but even so, I tried my hardest to swallow my anxiousness at humugot ng isang malalim na hininga bago tumango.
"O-Okay, kaya ko to." Sabi ko ng malakas.

I did that on purpose para pagaanin ang luob ko at para narin sa kanila. Nakita ko ang pagngiti ni tita Milo sa akin bago niya binitawan ang aking kamay.
"You can do this." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

Sinuklian ko ang ngiti niya pero hindi ito umabot sa mga mata ko at parang naging awkward pa nga ito. Narinig namin ang pagbukas ng pintuan sa dressing room at pumasok doon ang isa sa mga guro na nagha-handle sa program.

"Candidates, please be ready in two minutes because magsisimula na ang program." Sabi nito. Tinanguan lang siya ng ibang mga candidates, habang ako naman ay hindi na halos nakagalaw sa kinauupuan ko. Nanlalamig na ang kamay ko dahil sa niyerbyos.
Mas lalo akong kinabahan kesa kanina.

I calm my nerves again before I decided to step out of the dressing room. I was met with the blinding lights so I squinted my eyes a little in order for me to see clearly. After I finally adjusted to the lights, ay nakita ko na kung ano ang nasa harapan ko.

The crowd is so big at ang daming tao to be honest. Everything is soo loud, natahimik lamang ang mga ito nang sinabi na ng host na magsisimula na ang program.

All the candidates went into the backstage at doon kami pinahintay para sa next turn namin. The program went on from the candidates dancing unto the theme song, then followed by the introduction.
It was my next turn and I prepared myself. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at nilingon ko kung sino ito, and there I saw tita Milo. Nandito pala siya sa backstage along with other makeup artist assisting the candidates.

"Tita." I said. He give me a reassuring smile, probably sensing my nervousness.
"Shane, kaya mo ito. I know na hindi mo hahayaang mapahiya ang buong mga kaklase mo, and please.....just please believe in yourself." Sabi niya sa akin. Tinanguan ko siya, and determination is evident in my eye. Kailangan kong ayusin ang sarili ko, I need to calm down. I can't go back down now dahil nandito na ako.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now