Chapter 4

8 2 0
                                    

Chin's POV

Yung pakiramdam na sumasakit na ang pisngi mo kakapilit ng ngiti sa mga taong hindi mo naman kakilala. Kanina pa ako rito simula nung bigla nalang ako hatakin ni tita Jane dito sa loob ng simbahan.

Ipinakilala lang naman niya ako sa lahat ng miyembro ng simbahan. Nalaman ko rin na secretary pala si tita Jane dito, kaya pala parang napaka halaga sa kanya na ipakilala ako sa iba.

"Magandang bata."

"Ilang taon na ba yan Jane?"

"Saan siya nakatira ngayun?"

"Talaga, kapatid siya ni Sherwin?"

"Hindi sila magkamukha."

Klase klase na mga tanong ang sinagot ko. Hindi ako tinulungan ni tita Jane, nakatayo lang siya sa tabi ko habang hinahayaan akong sagutin lahat ng tanong nila sa akin.

Bumuntong hininga ako ng makakuha ako ng tiempo na umalis sa harapan nila. Mabuti nalang at naiihi na ako, dahil kung hindi. Baka nandoon pa ako sa loob ng simbahan ngayun habang nagpipilit ng ngiti sa harap ng maraming tao. Siguro nagmumukha na akong natatae kanina.

Inayos ko ang aking dress dahil medyo bumaba ito. Gusto ko narin magpalit ng damit, yung hindi ganito. Lumabas na ako ng CR pagkatapos kong umihi at ayusin ang damit ko.

Kailangan kong mag-isip ng lugar na matataguan ko kay tita Jane dahil sigurado ako na hahanapin niya ako at ipakilala na ulit sa mga kaibigan niya rito.

Tiningnan ko ang likod ng simbahan at napansin kong may garden pala dito. Nice, siguro nga mayayaman ang miyembro ng simbahan na ito dahil na afford pa nila ang isang flower garden. Akala ko yun na yung mga bulaklak na nakita ko sa labas ng simbahan, ngunit meron pa pala.

Kaagad kong pinuntahan ang flower garden nila. May maliit pa itong park sa gitna habang pinapalibutan ng puting bulaklak, habang puros damuhan naman ang maapakan mo. May nakita pa akong vines na parang naka shape na isang gate sa harap ng park.

It felt like magical. Kulang nalang dito yung mga lights at fountain para mas bongga.
Hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi kuhanan ng picture ang ganitong klaseng view.

Phone storage na ata itong cellphone ko dahil kanina ko pa ito ginagawa, pero wala akong pakealam. Ang importante makuhanan ko ng picture yung mga views na magaganda.

May narinig akong nag-uusap di kalayuan sa kinaruruunan ko. Sinilip ko kung sino ito, at nakita ko sina Kuya Jace. Kompleto silang lahat dito ah, kasi nandito si Kuya Sherwin at Kuya Jay pati narin sina Julius at Jena. Mukhang mga youth ang nandito.

Aalis na sana ako para hindi ako makadistorbo sa meeting nila, pero bigla nalang nagtama ang paningin namin sa isa sa mga youth na naroon. Mukhang sinabi niya sa mga kasama niya na may nakita siyang batang palaboy na nakasilip sa kanila.

Haha, mukha na nga akong batang palaboy nito sa kagustuhan na mataguan si tita Jane. Dahil sa kanyang ginawa ay nakuha niya ang atensyon nila Kuya. Tiningnan lang ako ni Kuya Sherwin at Kuya Jay, samantalang nilapitan ako ni Kuya Jace.

Naiilang akong ngumiti sa kanya habang papalapit siya sa akin.
"Anong ginagawa mo diyan Shane?" Tanong niya sa akin.

Tumatae

"Nakita ko kasi na may garden pala dito kaya pinuntahan ko. Hindi ko naman alam na nandito din pala kayo." Paliwanag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ako sa balikat ko.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now