Chapter 2

15 3 3
                                    

Chin's POV

I'm exhausted. Yan ang madaling salita na masasabi ko ngayun sa sitwasyon ko.
Kanina pa ako palakad lakad dito, pinagtitinginan na nga ako ng mga estudyante.

"Is that a transferee?"

"Sino yan?"

"Nagugutom na ako, dalian niyo naman."

"Tangina ang init."

Ibat-ibang daing na ang naririnig ko rito. Napabuntong hininga ako at napag-desisyonan nalang na bumalik na sa classroom, pero bigla nalang nag vibrate ulit ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino na naman ito.

Kuya Sherwin:
Wag kang aalis, nakita na kita. Diyan ka lang.

He text me, and I felt relieve on that. Hayy, sa wakas makakain narin ako, kanina pa talaga ako nagugutom dito kakahanap kung nasaan siya. After a few minutes ay nakita ko na itong papalapit sa akin.

Unang tingin ko pa lang sa kanya, napansin ko na nakabusangot na ito, pero ng biglang may isang babaeng lumapit sa kanya bigla nalang nag-iba yung mood niya.
Ay, ano yan mood swing?

Napansin ko kung paano magpapansin ang babae kay Kuya. Kulang nalang siguro yumakap siya sa Kuya ko. Mukhang famous si Kuya dito ah, at halatang maraming nagkakagusto.
Hindi ko naman sila masisisi dahil may maipag-mamayabang naman si Kuya sa mukha niya, pero mas maganda parin ako.

Seyempre hindi ako mag-papatalo. Pero hindi ako mahilig sa atensyon, kaya heto ngat nakasuot ako ng face mask para walang masyadong makakita sa mukha ko. Mahirap na, baka kapag makita pa nila yung mukha ko, baka pati babae magkagusto na sa akin, charrrrrr.

Kaagad na lumapit si Kuya sa akin pagkatapos niyang makipag landian sa mga babae kanina. Umarko ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
"Don't say anything. Alam ko kung anong sasabihin mo." Inunahan na niya ako sa gusto kong sabihin.

Hindi nalang ako nagsalita, at sumunod na sa kanya. Kilala na talaga ako ni Kuya dahil alam niya na magkukumento ako sa ginawa niya kanina kaya inunahan na niya ako. Nakarating kami sa canteen ng school and I was amaze by how big it is.

Half of the population of this school ay nandito. Lahat kumakain, seyempre dahil canteen ito. Pinagtitinginan kami or rather I would say na pinagtitinginan si Kuya pagpasok palang namin dito sa canteen. Sana all famous.
Nakita ko na nasa isang mesa sina Kuya Jace at mga kaibigan niya, meron ding isang mesa kay Kuya Sherwin, and i guess hindi din magpapahuli sina Jena at Julius dahil may kanya kanya din silang mesa along with their friends.

Ang hindi ko lang nakita ay si Kuya Jay. Nasaan kaya yun? Maybe walang gustong lumapit sa kanya dahil parang palaging galit yun eh. At yun ang akala ko. Nakita ko itong nakaupo sa isang mesa doon sa may sulok, at kahit na may distansya ang mesa niya sa lahat, mapapansin mo parin na may mga babaeng lumalapit sa kanya.

Hindi ako nakakita ng mga lalaki sa mesa ni Kuya Jay dahil puros mga babae ang nandoon. May iba pa na halatang nagpapansin sa kanya even though mukhang wala naman siyang pakialam. He just sit there looking bored without caring to anyone. Hindi nga niya pinapansin yung babae na kulang nalang subuan siya.

I just shake my head while looking each one of them. Nag-aano ba sila? Are they competing kung sino ang mas famous or talagang marami lang ang gustong makipag-kaibigan sa kanila.

Yes I get it, pero ang hindi ko lang makuha kung bakit kinailangan pa silang pansinin ng lahat. Eh kulang nalang sambahin sila ng mga ito. Binigyan ako ni Kuya ng pera.
"Bumili ka ng makakain mo. Ibalik mo sa akin ang sukli." He said at pumunta na sa mesa kung saan nandoon ang mga kaibigan niya and classmates.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now