Chapter 28

17 2 0
                                    

Chin's POV

I glared at him habang nginisihan niya lamang ako. Gusto ko siyang murahin sa harap ni Mama pero alam kong hindi ko ito magagawa kaya pinapatay ko nalang siya gamit ang isipan ko.

Naputol lamang ang pagtitinginan naming dalawa ng biglang lumapit si Shervin sa akin at yumakap sa bewang ko.
"Ate Shane, galit ka po ba kay Kuya Sherwin?" Inosenteng tanong nito habang nakatingala sa akin.

Humugot ako ng isang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Hindi pwedeng mahalata ni Shervin ang alitan namin ng Kuya niya. Hanggat maaari, ayukong malaman niya na nag-aaway kami ni Sherwin at hindi namin gusto ang isat-isa.

Nagpilit ako ng ngiti bago hinarap si Shervin.
"Ate's not mad okay? Medyo may sinabi lang na bad si Kuya Sherwin mo sa akin na hindi ko nagustuhan kaya ako nagkaganon." Mahinang paliwanag ko sa kanya. He furrowed his brow at halatang naguguluhan ito sa sinasabi ko.
"Like what po?" He asked.

Nginitian ko nalang siya at ginulo ang kanyang buhok bago sumagot.
"It's a secret baby." I answered. Umayos na ako ng tayo at tinapunan ng isang masamang tingin si Kuya Sherwin for the last time bago ako nagpaalam sa mga taong nanduon.
"Shane, where are you going? Kakain na." Rinig kong tawag ni Mama sa akin habang paakyat ako sa hagdan papuntang kwarto.

"I'm not hungry." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na inabalang makita kung ano ang reakson niya at itinuloy nalang ang paglalakad. Pumasok ako sa kwarto at kaagad na sumalampak sa kama.

My energy is draining kahit ang makausap lang ng panandalian si Kuya Sherwin. Hindi pa ba siya nasisiyahan sa pagsawalang bahala niya sa nangyayari sa akin habang nakatira ako sa bahay na iyon kahit na kasama ko naman siya? Ano pa bang gusto niya? Alam kong ayaw namin sa isat-isa at hindi kami gaanong magkasundo.

But fuck, kapatid ko siya for fucks sake, pero bakit kung umasta siya ay wala lang sa kanya? Hindi ko maalala kung may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya nuon para magalit siya sa akin ng ganito ngayun to the point na may balak pa siyang sirain lalo ang buhay ko.

Sirang-sira na nga yung pagkatao ko, yung puri ko, wala na nga akong natitirang pagmamahal para sa sarili ko tapos may balak pa siyang mas lalo akong sirain. Wow, napaka supportive niya.

A single tear fell from my eyes dahil sa mga iniisip ko. We were not like this before. Close kami sa isat-isa back when we're just kids. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at umabot kami sa ganitong sitwasyon ngayun.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Dali-dali akong bumangon at pinahiran ang luhang kumawala sa aking mata bago ko binuksan ang kung sinong kumakatok sa labas. Tumambad sa aking harapan si manang Lolita na may dalang pagkain pagka bukas ko sa pintuan. Nginitian niya ako at wala akong nagawa kaya nginitian ko nalang din siya pabalik kahit na medyo napipilitan ako.

Pinapasok ko ito sa loob ng kwarto at inilagay naman nito ang dalang pagkain sa study table na katabi ng kama ko.
"Dinalhan nalang kita ng pagkain. Alam ko kasing ayaw mo ng bumaba papuntang kusina dahil nanduon si Sherwin." She said.

Hindi ako umimik at umiwas nalang ng tingin sa kanya. Nginitian ako nito at hindi nalang nagsalita bago nagpaalam. Lumabas na ito sa aking kwarto habang naiwan akong nakatungangang nakatingin sa pagkain.

Bumuntong hininga ako at umupo sa study table para kumain. Pagkatapos kong kumain ay napagpasyahan kong tumambay sa veranda. Ayaw kong lumabas ng kwarto dahil sigurado akong makikita ko si Kuya Sherwin.

"Shane." Napapitlag ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko kung sino ito at nakita si Mama na nakatayo sa loob ng aking kwarto. Kailan pa siya nakapasok, bakit di ko narinig ang pagbukas ng pintuan sa kwarto?

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now