Chapter 21

0 1 0
                                    

Chin's POV

Dumaan pa kami sa isang government store para bumili ng pagkain.
"Malayo ba yun?" Tanong ko na naman sa kanya. Kanina pa ako nagtatanong sa kanya pero hindi naman niya sinasagot. Pero seyempre, makulit ako kaya hindi ko siya tinigilan.

"Shane, how many times have you asked me that question?" Tanong niya sa akin habang namimili ng processed food. Halatang nagtitimpi na ito dahil mukhang kanina pa siya naiinis sa akin.
"Eh kasi naman, kanina pa kita tinatanong hindi mo naman sinasagot." Sabi ko sa kanya at tinulungan siya sa ginagawa niya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago siya nagsalita.
"I said it's a surprise. Hindi na magiging surprise kung sasabihin ko sa iyo." He said. Napanguso ako at hindi nalang nagsalita. Hindi tumatalab ang kakulitan ko sa kanya. Ang tigas niya eh, hindi pa rin sinasabi kahit na sampung beses ko na siyang tinatanong.

"Stop doing that." Narinig kong sabi niya sa akin. Napakunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya.
"Doing what?" I asked. Ang gulo naman ng lalaking to, may pasabi-sabi pa siyang stop doing that, eh hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niya.

I heard him groaned before he harshly get the junk foods at umalis sa harapan ko. Nagulat ako dahil sa naging reaksyon niya. Anong problema ng lalaking yun? Napa 'tsk' nalang ako at sinundan siya. Nasa harapan na siya ng casher ngayun at kasalukuyang binabayaran ang mga pagkaing binili namin.

Walang kaimik-imik kong nilagay ang pagkaing bitbit ko sa harapan niya. Akala niya ah.
"Ahmm....sir, kasali po ba ito sa binili mo?" Tanong ng babaeng casher sa kanya. Tumango si Harold at bumuntong hininga, pero nahuli ko parin ang pagsulyap niya sa akin.

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan niya. Halatang nagpapa-cute kay Harold. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang pustora ng babae. Maganda naman ito, at may magandang katawan pero seyempre mas maganda parin ako sa kanya. Inirapan ko ang babae at iniwan na si Harold sa loob ng government store.

Bahala siya diyan kung kailan siya matatapos, wala akong pakealam. Inunahan niya ako sa pagiging tupakin ng utak niya, kaya gaganti ako. Pumunta ako sa sasakyan niya at pumasok sa loob pagkatapos ay humalukipkip na nakaupo sa passengers seat.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na itong papalapit sa sasakyan. Hindi ko siya binalingan ng tingin kahit na narinig ko na ang pagpasok niya sa loob. Patuloy parin akong nakahulukipkip at hindi umiimik sa kanya. I heard him chuckling after a few minutes kaya nilingon ko ito.

"Anong nakakatawa?" Naiiritang tanong ko sa kanya. Ang walang hiya, wala na nga ako sa mood nakuha pa akong pagtawanan. Alam ko naman na ako ang tinatawanan niya kahit na hindi niya sabihin. Masyadong obvious sa mga tawa niya. Ano na naman kayang naisip nito?
"Hoy, tinatanong kita kung ano ang nakakatawa?" Tanong ko ulit sa kanya dahil hindi parin ito sumasagot at patuloy lang sa pagtawa. Nakakainis na sa totoo lang, sarap niyang batukan.

"Nothing. Natatawa lang ako sa mukha mo." He said while chuckling, ay hindi humahalakhak na pala. Tinatawanan niya na pala ang mukha ko. Grabe ang lalaking ito. Hindi niya ba iniisip na masakit yung sinabi niya? Suss, pasalamat siya dahil gwapo siya. Hindi ako makaganti ng lait sa kanya.
"Bahala ka diyan." Nakabusangot na sabi ko sa kanya, at tumingin nalang sa bintana.

Tumatawa parin siya kahit na nagmamaneho na siya. Ang sarap na talaga niyang batukan, kung hindi lang siya nagdadrive ngayun, siguro kanina ko pa ito hinampas. Kahit na niirita na ako dahil sa kakatawa niya, ay pinigilan ko nalang ang sarili kong hampasin siya.

Baka ma-aksidente pa kami ng wala sa oras. Imbes na pansinin pa ang panglalait niya sa akin sa pamamagitan ng pagtawa niya, ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hindi na siya pinansin. Bahala siya diyan kung magmukha siyang tanga kakatawa niya. Sana nga sumakit yang panga niya kakatawa.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now