Chapter 5

6 2 0
                                    

Chin's POV

Yung kanina ka pa nakatayo pero pakiramdam mo na hindi parin umuusad ang pila dahil sa kahabaan nito. Kanina pa ako rito pero hanggang ngayun hindi parin ako nakabili ng pagkain.

Nagugutom na ang bulate sa tiyan ko. Kanina pa sila nagagalit dahil hindi pa sila nakakain. Tiningnan ko kung gaano pa kahaba ang pila, at nakita kong parang mas lalong nadadagdagan pa ito.

Hihimatayin nalang siguro ako sa gutom nito dahil hindi pa ako nakakain dahil sa haba ng pila. Bagsak ang balikat ko habang umalis sa kinatatayuan ko.

Maghahanap nalang siguro ako ng restaurant malapit dito sa school, pero ang tanong. Eh saan naman? Wala naman akong kaalam alam kung saan ang mga restaurant dito dahil baguhan palang ako. Tapos, hindi pa ako sure kung papayagan ba ako ng security guard na lumabas sa school ground.

Kaya ang ginawa ko nalang ay pumunta sa rooftop para magpahangin. Baka mabusog pa ako sa hangin na nalalanghap ko dito, tapos malay natin bigla nalang akong sumayaw sa harap ng plaza dahil nabaliw na pala ako.

Nice idea, try ko kaya kung gagana ba.

Kahit ano nalang pumapasok sa isipan ko dahil hindi parin ako nakakain. Kahit saan ako tumitingin, pagkain ang nakikita ko. Kahit sirang silya na nandito sa rooftop mukha ng pagkain sa paningin ko.

Matamlay akong umupo sa bench. Pakiramdam ko nahihilo na ako. Hindi ako sanay na hindi kumakain ng pananghalian.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Harold sa akin. Mukhang kanina pa siya nakatuntong sa kesame na nandito. Imbis na magulat na dapat sanang naging reaksyon ko, ay walang gana ko siyang tiningnan.

Hiling ko lang sa kalangitan na wag siyang mang-inis sa akin ngayun dahil baka siya ang makain ko.
"Nakaupo." Walang gana kong sagot sa kanya. Napansin ko ang pagtaas ng kilay nito bago siya lumapit sa kinauupuan ko.
"Nakita ko nga." Sabi niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at tumingala ako sa kalangitan. Ang init ng sinag ng araw, at malakas ang hampas ng hangin na tumatama sa mukha ko. Napapikit pa ako ng minsang pinapalid nito ang buhok ko.

"Anong nangyari sa iyo?" Tanong na naman niya. Walang gana ko parin siyang tiningnan bago sumagot.
"Nagugutom, nauuhaw, sarap kumain." Sagot ko sa kanya. Alam kong naguguluhan siya sa sinasabi ko sa kanya pero wala na akong pakialam.

Bigla nalang tumunog ang tiyan ko kaya napahawak ako rito. Hinimas himas ko ito bago napabuntong hininga.

Pasensya na talaga kayo mga anak kong bulate ha. Hindi muna kayo mapapakain ni Mama dahil ang haba ng pila sa canteen.

Pumikit ako para damhin ang pagkirot ng tiyan ko. Nagsimula na itong sumakit.
"Tumayo ka nga diyan." Sabi sa akin ni Harold. Nanghihina ko siyang tiningnan bago nagsalita.
"Bakit?" Tanong ko rito. Tumayo siya sa kinauupuan niya at nakapamulsang humarap sa akin.

"May pupuntahan tayo." Tipid niyang sagot sa akin.
"Saan?" Tanong ko na naman. Nagsimula na siyang mainis sa akin.
"Pwede ba, sumunod ka nalang?" Naiinis niyang sabi sa akin. Wala akong nagawa kundi ang dahan dahang tumayo sa kinauupuan ko at sumunod sa kanya.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Pangungulit ko sa kanya habang bumababa kami sa hagdanan. Bigla nalang siyang tumigil at tumingin sa akin kaya tumigil rin ako sa paglalakad.

"Tumahimik ka at sumunod ka nalang. Kung magtatanong kapa ulit ngayun, lalagyan ko na ng plastic tape yang bibig mo para manahimik ka." Banta niya sa akin.
"Sabi ko nga manahimik na ako." Sagot ko sa kanya at nag-sign pa ako na parang isinara ang zipper sa bibig ko.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now