Chapter 29

5 1 0
                                    

Chin's POV

Half alive, half dead. I was laying here at the hospital bed habang naka oxygen at may dextrose ang aking kamay. It was like a deja vu, nangyari rin ito nuon pero kasama ko sina Mama, but right now I was all alone.

It was quite. These four walls is suffocating, the silence is a turtore for me. Lahat ng nangyayari ay wala sa aking plano. I feel like I'm going crazy.

"Shane." Rinig kong tawag sa aking pangalan. I look at the person who called me at nakita ko si Mama na nakatayo sa aking harapan. Nanlaki ang aking mga mata at dali-dali kong tinanggal ang mga nakakabit na dextrose at oxygen sa akin.

Kailangan kong makalapit sa kanya, kailangan ko siyang makausap. Hihingi ako ng tawad, sasabihin ko na sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin. Babawiin na naman niya ang sinabi niya diba? Babawiin naman niya ang pagtakwil niya sa akin diba?
Tatanggapin niya ako ulit.

Kahit na nanghihina ang aking mga paa ay umalis ako sa hospital bed at pinuntahan siya. Lumuhod ako sa kanyang harapan at hinawakan ko ang dalawa niyang mga kamay. Umiiyak na ako at napahagulhol.

Sa wakas, makakausap ko narin ng mabuti si Mama. Sa wakas, maipapaliwanag ko narin sa kanya ang totoong nangyari. Babawiin niya naman ang sinabi niya diba? Babawiin niya. Dapat niyang bawiin.

"Ma, I'm sorry...p-please, kunin mo na ako okay...b-bawiin mo ang sinabi mo Ma!! Bawiin mo!! Kailangan mong bawiin!! M-ma...hindi totoo yung mga nalaman mo...niloloko kalang ni Kuya Sherwin!! Maniwala ka ma!!! Gumagawa lang siya ng mga istoryang walang katotohanan para sirain ang buhay ko!! Ma!!!" Sigaw ko sa kanya.

Bakit hindi siya umiimik? Bakit tinitingnan niya lang ako? Wala ba siyang isasagot sa akin? Tumayo ako at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat saka marahas itong iniyugyog, ngunit nakatingin lamang ito sa akin.

"Ma!!! Sagutin mo ako!!!" Sigaw ko sa kanya. Bingi ba siya? Hindi ba niya ako naririnig?
"Ma!!!" Sigaw ko ulit.
"Ma!!! Sagutin mo ako!!! Bingi ka ba!!"

"Ma'am, ano pong ginagawa niyo?!" Narinig kong tanong ng isang babae. Mabilis itong pumunta sa aking kinaruruonan at hinawakan ang aking magkabilang balikat habang sinusubukan akong pakalmahin.

Marahas kong binawi ang aking balikat mula sa kanyang pagkakahawak at hinarap siya.

"Ano bang ginagawa mo! Nakikita mo namang kausap ko ang mama ko!!" Sigaw ko sa kanya. Ngunit tiningnan niya lamang ako na parang nahihibang na ako.

Hindi ko nalang siya pinansin at ibinaling ulit kay mama ang tingin.
"Mom, please answer me. Sagutin mo ako!!!" Sigaw ko sa kanya ngunit nakatingin parin ito sa akin. Fuck, I feel like I'm going to explode because of too much irritation.

Naramdaman kong hinawakan ako ulit ng babae
"Ma'am, please tama na po yan." Mahinang utal nito. Tiningnan ko siya ng masama, kaya kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nito.

"Can't you see?! I'm talking to my mother!! How dare you to interrupt us!!" Sigaw ko sa kanya at iminuwistra ko pa ang aking mga kamay sa aking harapan habang itinuturo si Mama. Nakita kong napapitlag ito dahil sa takot, nakita ko rin ang pagkalito nito.

"P-pero ma'am, wala po akong nakikitang tao diyan." Sagot niya sa akin habang naguguluhan akong tinitingnan. Nagalit ako sa kanyang sinabi.
"Anong wala!! Bulag ka ba!! Hindi mo ba nakikita si Mama!!" Sigaw ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang balikat.

Sa subrang higpit ng pagkakahawak ko sa kanya ay nakita ko pa ang pagngiwi nito.
"M-maam...nagsasabi po ako ng totoo. W-wala po...t-talagang tao diyan sa harapan ninyo. Tayong dalawa lang po ang naririto sa loob ng kwarto." Paliwanag nito sa kabila ng panginginig ng kanyang boses dahil sa takot.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now