Chapter 27

9 1 2
                                    

Chin's POV

Nagpalinga-linga ako sa paligid ng halos wala akong makita ni kahit na isang bagay o kahit na kaunting sinag ng liwanag lamang.

Bakit napakadilim dito? Nasaan ba ako? Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa para maglakad, pero agad din akong napatigil.

Natuod ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw. Namumuo na ang mga malalaki at malamig na pawis sa nuo ko. Nagsitayuan ang mga balahibo sa aking batok habang pinapakinggan ang isang ingay na napaka-pamilyar sa akin.

Rinig na rinig ko ang paglangitngit ng isang bakal. Alam na alam ko kung ano ito. Bumibilis ang tibok ng aking puso dahil sa takot at kaba.

Unti-unti kong nilingon ang pinanggagalingan ng tunog na nasa aking likuran. Agad nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakita.

Si Kuya Jay, naglalakad ng dahan-dahan habang hila-hila ang kadena sa kaliwang kamay at baseball bat naman sa kanan. Nakangisi ito sa akin pero ang mga mata niya ay alam kong may hindi siya gagawing mabuti.

Napapaatras ako habang nakatingin parin sa kanya. Habang paatras ako ay biglang bumibilis ang mga takbo niya, kaya naman ay natumba ako dahil sa takot.

Nakatukod ang dalawang mga siko ko sa sahig habang nakatingin parin sa kanya. Hindi ko magawang alisin ang mga tingin sa kanya. Baka malingat lang ako sandali ay nasa harapan ko na siya at sasakalin ako gamit ang kadena na hawak niya, o di kaya ay hahampasin gamit ang baseball bat.

"L-lumayo ka....l-lumayo ka sa akin...m-maawa ka." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya, pero nginisihan niya lang ako at ipinagpatuloy lang ang paglalakad papalapit sa akin. Aatras pa sana ako pero pader na ang nasa likuran ko kaya wala na akong maatrasan.

"Sa tingin mo ba titigilan na kita dahil lang nakatakas ka na sa akin? Nagkakamali ka Shane, hahanapin kita, susundan kita hanggang kamatayan mo." Nakangising sabi niya sa akin.

Marahas akong napapailing habang pinagpapawisan at umiiyak parin. Napapikit nalang ako para hintayin ang pagtama ng baseball bat sa aking katawan, ngunit makalipas ang ilang minuto ay wala akong naramdamang mabigat na bagay na tumama sa akin.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at kaagad akong sinalubong ng kadiliman at katahimikan. Nakakapanindig balahibo ang katahimikang nakapaligid sa akin.

Na para bang sinasabi sa akin na hindi pa tapos ang lahat, na may susunod pang mangyayari na mas lalong ikasakit ko.

Nakarinig ako ng isang mumunting ungol di kalayuan sa kinauupuan ko. Hindi ko na inabalang hanapin pa kung saan nanggagaling ang tunog na naririnig ko dahil wala naman akong nakikita.

Pinapakiramdaman ko nalang ang aking paligid. Ang kaninang mumunting ungol na narinig ko ay unti-unting lumalakas at parang dahan-dahan lumalapit sa akin.

Wala sa sariling nayakap ko ang aking mga tuhod at hindi ko na namalayan na nanginginig na pala ako.

Napapitlag ako mula sa aking kinauupuan ng may maramdaman akong malamig na bagay na humahawak sa aking paa. Kinakabahan at malalakas ang aking hininga habang sinisilip ko ang kung anong bagay ang humahawak sa akin.

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Isang duguang kamay ang humahawak sa paa ko, sa higpit ng pagkakahawak nito ay nararamdaman ko na ang hapdi ng paa ko dahil nasugatan niya ito.

Bumabaon narin ang mga kuko niya sa aking balat, kaya nakikita ko ang mga maliliit na dugong lumalabas sa sugat ko. Parang mapupunit na ang balat sa aking paa.

"T-tulungan.....mo....ako." Narinig kong sabi ng babae gamit ang garalgal nitong boses. Parang hindi siya nakainom ng tubig sa tunog ng boses niya.

Napalunok ako dahil nararamdaman kong nanunuyo ang aking lalamunan. Hindi ko nakikita kong anong mukha ng babae, pero parang pamilyar ang mga tinig niya.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now