Chapter 13

1 2 0
                                    

Chapter dedicated to Ms: Aiza Jean T. Aizon

Warning ⚠️: Self harm

Chin's POV

Yung akala mo kapatid mo ang magtatanggol sa iyo. Kapatid mo ang kakampi mo kahit na anong mangyari. Kapatid mo ang palaging nandiyan sa tabi mo. Kapatid mo ang dadamay sa iyo. Kapatid mo ang tutulong sa iyo kapag may kailangan ka. Kapatid mo ang palaging nandiyan para pasayahin ka.

Pero akala mo lang pala ang lahat. Napaupo ako sa sahig ng kwarto ko at pilit tinatago ang mga hikbi ko. Akala ko kakampihan niya ako. Akala ko ipagtatanggol niya ako. Akala ko palagi siyang nandiyan sa tabi ko. Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko nag-iisa lang ako kahit na kasama ko ang kapatid ko sa bubong na ito?

Bakit pakiramdam ko wala akong kakampi kahit na kadugo ko naman ang nandito? Bakit iba ako sa lahat? Bakit ako ang may kasalanan? Bakit sa akin lahat isinisisi?

Naghintay ako kanina na ipagtanggol niya ako habang pinapahiya ako ni Lola sa harap nina tita Jane. Pero bakit hindi lang siya umiimik? Wala ba talaga siyang pakealam sa akin? Wala lang ba talaga ako para sa kanya? Tangina, magkapatid kami pero bakit parang ibang tao ang turing niya sa akin?

Bakit parang ibang-iba ako sa kanya? Ang dami kong katanungan sa isipan ko. Napapahikbi ako habang iniisip ang mga tanong sa isipan ko. Gustong gusto ko ng sagutin silang lahat kanina, pero hindi ko magawa dahil alam kong wala akong karapatan para gawin yun.

Gusto ko ng umiyak sa harapan nilang lahat para malaman nila na nahihirapan ako sa mga ibinabatong salita nila sa akin. Gusto kong sumigaw sa harapan nila para malaman nila kung gaano kasakit ang mga pinaggagawa nila. Gusto kong manumbat.

Pero lahat ng kagustuhan ko, alam kong hindi matutupad. Alam kong hindi ko magagawa at alam kung hanggang sa pagtiis lang ang tangi kong magagawa. I didn't expect this. Pumunta ako dito dahil akala ko healthy ang environment para sa akin. Pumunta ako dito dahil akala ko dito ako magbabago. Pumunta ako dito dahil akala ko dito ako sasaya.

Pero bakit pagsisisi ang lahat ng nararamdaman ko? Bakit puro kalungkutan ang nararamdaman ko?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinalungkat ang drawer ko. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay kaagad ko itong dinampot. Umupo ako sa dulo ng kama ko at sinimulang laslasin ang kamay ko gamit ang blade na nakita ko.

Inilagay ko ito nung una akong dumating rito dahil alam ko na magagamit ko ito pagdating ng panahon. Pero hindi ko alam na sa ganitong paraan ko ito magagamit. Napapikit ako dahil sa hapdi na nararamdaman ko.

Nagsimula ng lumabas ang dugo galing sa kamay ko. I want to feel pain because i feel numb of everything. I want to transfer the pain that I felt in my heart sa katawan ko. Alam kong hindi maganda itong ginagawa ko, pero wala na akong ibang maisip.

Kapag hindi ko ito gagawin mas lalo lang mag halo-halo ang isipan ko. Lalo lang akong masasaktan sa mga iniisip ko. Gusto kong dito ituon ang atensyon ko para hindi madagdagan ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib.

Habang ginagawa ko ito ay hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha ko. I made four cuts in my wrist. Nang mahusto na ay itinigil ko na ito. Napaupo ako sa study table ko at pinagmasdan ang nasugatan kong palapulsuhan.

There's something inside of me that felt proud dahil sa ginawa ko. It was like an art being crave at my skin. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko at napakagat labi ako.

Bakit hindi parin tumitigil ang sakit? Bakit hindi pa rin nawawala? Bakit nandito parin? Sinuntok ko ang dibdib ko in the hopes na mawala ito, pero hindi pa rin. Nandito pa rin siya.

There's a voice inside my head that keeps telling me na gawin ulit ang ginawa ko kanina. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko ang blade na inilagay ko duon.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now