Chapter 6

6 2 2
                                    

Chin's POV

Lumipas ang halos apat na buwan simula noong napunta ako rito. Naging maayos naman ang lahat. Medyo malapit na ang loob ko kay Kuya Jace. Wala namang naging problema kay tita Jane.

Habang sa eskwelahan naman ay mas lalo ko pang napapansin ang paglapit ni Carla sa akin kahit na may mga kaibigan siya. Madalas ko nga lang maririnig sa kanila na parang tinutukso siya ng mga ito lalo na kapag lumalapit siya sa akin.

Mas lalo rin kaming nagkasundo ni Harold sa nakalipas na apat na buwan. Kaming dalawa lang kasi ang palaging magkasama dahil wala naman akong masyadong naging ka close sa loob ng classroom.

Sa dinami rami namin sa loob ng classroom at sa laki narin ng school pati sa population nito. Isa lang ang tinuturing kong kaibigan, walang iba kundi si Harold.

Siya na kasi ang palagi kong nakakasama. Sa mga groupings, sa P.E, at iba pang projects or activities dito sa school. Parang hindi narin kasi kami mapaghihiwalay.

Medyo nasanay narin ang sarili ko sa kanya, seyempre pati narin siya nasanay narin sa akin. Dito narin kami palaging kumakain sa rooftop kapag hindi masyadong mahaba ang pila sa canteen, o di kaya naman ay nagdadala kami ng baon o bumibili nalang ng pagkain sa labas ng school ground.

Minsan doon naman kami sa mini mart kumakain kapag masyadong mahaba ang pila at kapag hindi kami nakabili ng baon. Nililipad ng hangin ang mahaba haba ko ng buhok. Umabot na kasi ito hanggang balikat ko dahil hindi ko na naputulan, at sabi ni Mama na baka raw hindi na tutubo ulit kapag palagi kong pinaputulan.

Nilingon ko ang pintuan ng rooftop. Kanina ko pa hinihintay si Harold dito, dahil sabi niya siya nalang daw ang makipila doon sa canteen at bumili ng pagkain.

Baka naman nakipag flirt na naman yung lalaking yun. Ilang minuto ko na siyang hinihintay rito pero wala pa rin. Tumayo ako at pumunta malapit sa railings ng rooftop. Mula rito sa kinatatayuan ko ay klarong-klaro ang canteen sa baba. Nakikita nga pati yung pumipila rito.

Bumukas ang pintuan ng rooftop at inilabas doon si Harold na may bitbit na isang supot na mga pagkain.
"Anong ginagawa mo diyan?" Bungad niya sa akin, pagkakita niya na nandito ako malapit sa railings.

"Tinitingnan ka kung nasa pila ka pa ba. Ang tagal mo naman kasi." Sabi ko at tinulungan siyang ilapag ang mga binili niya sa maliit na mesa na nandito. Sa tagal na naming tumatambay rito tuwing lunch break ay naisipan na naming gumawa ng mesa dahil nahihirapan kami nung una lalo na kapag kumakain.

"Ikaw ba naman kasi ang pumila doon, eh ang haba haba pa ng pila. Hindi na ako uulit doon, nakakapagod." Reklamo niya sa akin habang umupo siya sa bench. Ako nalang ang nag-ayos sa mesa dahil mukhang napagod si Harold. Tinawanan ko lang siya kaya tiningnan niya ako ng masama.

"Now you experience the struggles of the student para lang makabili ng pagkain." Sabi ko sa kanya. Inirapan niya lang ako. Gagong to, ang bilis talaga mapikon.

"Ang bobo naman kasi nila. Alam naman nila na may mini mart o kahit na maliliit lang na tindahan sa labas ng school ground. Doon nalang kaya sila bibili para iwas hassle at para hindi na sila mapapagod kakapila diyan sa canteen." Sagot niya sa akin habang naka cross arm.

"Eh hindi rin naman kasi sila pinapayagan ni guard na lumabas. Kaya nga ginawa ang canteen diyan diba dahil ayaw na nilang lumalabas ang mga students sa school ground lalo na kapag lunch break or walang klase." Paliwanag ko sa kanya.

Kung maka sabi rin naman kasi ito ng bobo, parang ang tali-talino niya talaga.

Matalino naman talaga siya Chin, well except nga lang sa English.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now