Chapter 23

4 1 0
                                    

Chin's POV

Pagkagising ko ay kaagad na tumambad sa aking mga mata ang kisame ng kwarto. Dahan-dahan akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at napapikit sa subrang sakit ng aking ulo.

Para akong lasing sa subrang sakit nito, para bang uminom ako ng isang bote ng alak kagabi. Lumingon-lingon ako para tingnan kung nasaan ako, at duon lamang nanlaki ang aking mga mata.

Nanumbalik sa akin lahat kung ano ang nangyari kagabi. Sa kung paano ako hinila at sinampal ni Kuya Jay, sa kung paanong parang may ipinukpok siya sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay. Napakuyom ang kamao ko at mahigpit na napahawak sa kumot na nakatakip sa katawan ko. Kaagad kong tiningnan kung may damit pa ba akong sinusuot, and I was relief to see that I was still wearing my clothes yesterday.

Pero kaagad din namang bumalik ang galit na nararamdaman ko ng maalala ang ginawa niya sa akin. Walang hiya siya, tangina niya, hindi siya tao. Simula palang nung una ko siyang makilala alam ko ng may hindi siya magandang gagawin.

Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako ng may parang tubig na pumatak sa kamay kong mahigpit na nakakuyom sa kumot. Marahas ko itong pinunasan. Oo ngat walang nangyari sa amin, pero nararamdaman ko ang mga kamay na parang hinahawakan ang lahat ng parte ng katawan ko, lalo sa ibabang parte.

Kaagad na nandiri ako sa aking sarili, at parang baliw na hinahagod ng malakas at madiin ang katawan ko. Kahit na nasa kama pa ako ay kinukuskos ko ng kumot ang aking katawan. Nandidiri ako sa sarili ko.

Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko itong bumukas, at tumambad sa aking harapan si Kuya Jay. I glare at him, if looks could kill I'm sure he's dead by now.
"So, your awake." Sabi niya sa akin habang naglalakad papalapit sa kama.

Kaagad akong umatras at sumiksik sa headboard.
"Putangina ka!!! Layuan mo akong hayop ka!!." Sigaw ko sa kanya habang tinatapon ang mga unan at kahit na anong bagay na nadampot ko sa kanya. Nakita ko lang itong ngumisi na mas lalong ikinagalit ko.

May karapatan pa siyang ngisihan ako sa kabila ng ginawa niya sa akin? Walang hiya siya.
"That's why I like you Shane, your feisty." Nakangising sabi nito sa akin. Nandidiri ko siyang tiningnan. He just raised his brow at me at saka umalis sa harapan ko.

Nang makita ko siyang pumasok sa loob ng banyo ay dali-dali akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto. Wala na akong pakealam kung maayos pa ba ang itsura ko o hindi na, ang alam ko lang ay gusto ko ng makaalis sa lugar na ito.

Mabilis ang mga lakad ko habang naglalakad sa hallway papunta sa lobby nitong motel. Hindi ko na alintana kung sinong mga nakakasalubong ko pagdating ko sa lobby, halos patakbo ko ng pinuntahan ang pintuan at kaagad itong pinihit.

Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nakalabas na ako, kaagad akong pumara ng kotse at nagpahatid papunta sa bahay ni tita Jane. Habang nasa kotse ay hindi ko mapigilang mapaiyak at mapahagulhol, wala na akong pakealam kahit na naririnig ni manong driver ang mga iyak ko.
"Okay ka lang ba eneng?" Tanong ni manong driver sa akin halata ang pag-aalala sa tono ng boses niya.

Hindi ko siya sinagot at patuloy lang ang pag-iyak ko. Gulong-gulo na ang isipan ko, hindi ko na alam kung anong gagawin. Gusto kong lumayas sa bahay ni tita Jane pero wala naman akong mapupuntahan, gusto kong umuwi kay mama pero wala naman akong pera. Alam ko na magkikita parin kami ni Kuya Jay mamaya sa bahay ni tita Jane dahil duon din siya umuuwi.

Gusto kong humingi ng tulong sa kanila pero hindi ko alam kung paniniwalaan ba nila ako o hindi. Natatakot akong babaliwalain lang nila ang mga sinasabi ko. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay dahil sa kakaiyak ko.

Kinapa ko ang bulsa ko para maghanap ng perang ibabayad kay manong driver.
"Wag ka ng magbayad ineng, libre ko na pamasahe mo." Sabi ni manong driver sa akin habang tinitingnan ako sa rierview mirror. Nakangiti pa ito habang nakatingin sa akin, pero hindi ko kayang suklian ang mga ngiti niya.
"M-maraming....s-salamat po manong." Nag-aalanganin kong sabi sa kanya habang sinisinok pa dahil sa kakaiyak ko.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now