Chapter 7

5 2 0
                                    

Chin's POV

Ngumiti si Kuya Jace sa akin bago nagsalita.
"Pwede ba kitang makausap Shane?" Tanong niya. Tumango naman ako at nagpatiuna na siyang pumunta sa teris kaya sumunod nalang ako.

Pagdating ko doon ay umupo kami sa plastic chair na inilagay nila.
"Ano bang gusto mong sabihin Kuya Jace?" Tanong ko sa kanya. Hindi kaagad siya nagsalita at ang tanging ginawa lang niya ay tumingin sa akin.

Medyo nailang ako sa ginawa niya kaya umiwas ako ng tingin. Iba kasi yung pagkakatingin ni Kuya Jace sa akin. Pakiramdam ko, kapag titingin rin ako sa mga mata niya, malalaman niya kung ano ang nararamdaman ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya nagsalita.
"Ano bang naisip mo at gusto mong maghanap ng part time job?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa labas.

Ano nga bang naisip ko at gusto kong maghanap ng part time job? Siguro ayaw ko lang na pagsabihan ako ni Lola ng ganon? Siguro gusto ko lang patunayan sa kanya na hindi nila ako palamunin? Siguro, gusto ko talaga to?

Nagpanggap ako ng ngiti kay Kuya Jace bago siya sagutin.
"Kasi, gusto ko po na pera ko ang ginagamit kapag may kailangan akong bilhin." Sagot ko sa kanya.

Another lie na naman ba Shane?

Kailangan kong magsinungaling sa kanya. Ayaw kong nakikita niya kung ano ang nararamdaman ko, lalong lalo na kapag malalaman niya kung ano ang nasa isipan ko.

"Kung yan ang gusto mo. Pero magsabi ka lang kung gusto mong tulungan kitang maghanap ng pwede mong mapagtrabahuan." Sabi niya sa akin.

"Jace tinatawag ka ni Ate Jane, may gusto lang daw siyang sabihin sa iyo." Sambit ni Kuya Jay na bigla nalang sumulpot galing sa loob. Napatingin kaming dalawa sa kanya.
"Segi Shane, maiwan na kita rito. Pumasok ka kaagad kapag inaantok ka na." Sabi ni Kuya Jace sa akin at umalis na sa harapan ko.

Binigyang daan ni Kuya Jay si Kuya Jace at nanatili siyang nakatayo sa pintuan. Nakatingin parin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at dahan dahang tumayo sa kinauupuan ko.
"M-mauna na po ako sa iyo Kuya Jay." Sabi ko sa kanya at mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagpasok sa kwarto ko.

Naiilang na ako sa tuwing tinitingnan ako ni Kuya Jay. Simula nung bigla nalang siyang kumatok sa kwarto ko sa gabing iyon at kung paano niya ako tignan. Hindi na ako naging komportable kapag nakatingin siya sa akin.

Ayaw ko rin na magkasama kami sa iisang lugar. Palagi ko siyang iniiwasan kapag malapit siya sa akin. Hindi rin kami nag-iimikan.

Inilock ko ang pintuan ng kwarto ko at kaagad na kinuha ang cellphone ko.

Me:
I need your help tomorrow.

I text Harold.
Hindi ko na hinintay ang reply niya at kaagad na akong humiga para matulog.

Pagkagising ko kinaumagahan ay kaagad akong bumangon at naligo.
Pumunta kaagad ako sa kusina at kaagad na nag almusal.
"Aga natin ngayun Shane ah." Bungad sa akin ni manang Lolita.
"Magandang umaga po." Sabi ko sa kanya.

"Bakit ang aga mo naman yata kesa sa nakasanayan?" Tanong niya sa akin. I shrug, at ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal. Hindi ko na sila hihintayin pa.

"Ate, pakisabi nalang po kay tita Jane na maaga akong umalis papuntang eskwelahan." Paalam ko sa kanya pagkatapos kong kumain at kunin ang bag ko sa kwarto.
"Segi Shane, mag-iingat ka." Sagot niya sa akin. Nginitian ko lang siya at lumabas na ng bahay.

Tuloy tuloy lang ang lakad ko. Iniisip ko kasi kung matutulungan ba talaga ako ni Harold ngayun. Kaya nga sinadya kung maagang pupunta sa eskwelahan dahil gusto ko makausap si Harold ng maaga.

Hermosa series: #Series 1 (Loving The Sunset)Where stories live. Discover now