Kabanata IV

2.6K 96 7
                                    

Hira Agape's POV

Bago ko pa man maramdaman ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking balat, may mainit nang nakadikit sa katawan ko. Niyayakap ko ang init nito. Kakaiba kasi ito ngayon. Hindi kumot at lalong hindi unan kahit pagkalambot-lambot. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ito yakapin nang pagkahigpit-higpit. The warmth it provides outweights the coldness of the floor where my body is lying down.

"Bango..." Siniksik ko pa ang sarili rito at nahumaling sa amoy nito.

Naglaro ang tungki ng ilong ko sa bahaging iyon hanggang sa makarinig ng daing mula rito. "Hmm..." Teka nga! Iba na yata talaga 'to. Bakit humuhuni?

Bagaman ay mabigat pa ang talukap, pinilit kong idilat ang mga mata. Madilim pa pala sa labas pero malapit na ring mag-asul ang kalangitan. Pasikat pa lang ang araw at tanging ang lampshade lang sa kwarto namin ang nagbibigay ng liwanag dito.

Ay, hala... Sa kwarto namin?

Dito nga pala ako natulog!

Halos mapabalikwas ako ng upo nang mapagtanto ang sitwasyon namin ni Teresa. Nakaunan na pala ako sa braso niya kanina at pagkahigpit-higpit pa ng yakap ko, akala mo'y ayaw na siyang pakawalan. Siyempre totoo 'yan pero hindi iyan ang topic, 'no!

Sus maryosep, leeg niya pala ang inaamoy-amoy ko kanina. Pagkabango-bango naman kasi! Hindi na amoy alak. Hindi naman ganoon kabango 'yong cleanser at serum na nilagay ko sa kaniya kagabi. Saan nanggagaling ang amoy niyang 'yon? Nakakaakit este nakakahiya!

Ah, basta, malinis ang konsensiya ko! Ano ba ang inisip ko kanina? Na napabili ako ng dantayan at hindi ko lang maalala? Huhu, malay ko bang tao na pala ang nilalamusak ko at si Teresa pa?

Hindi ako sanay na may katabi kaya hindi ko na kasalanang mapagkamalan ko siyang kung anuman. Siguro siya, oo, gabi-gabi ba namang may katabing babae, e. Samantalang ako dalawang buwan nang nagtitis na matulog sa sofa, sa sahig ng sala, habang nangungulila sa lambing niya. The last phrase is in its truest form.

Akala ko nga sa mga may LQ lang effective 'yong 'Sa sofa ka matutulog'. Iyon na pala ang magiging mantra ko sa buhay. Araw-arawin ba naman, e.

"Usog konti..." Bulong ko dahil umikot siya papunta sa pwesto ko. Hindi naman effective kaya hinayaan ko na lang.

Ewan ko ba kung bakit iisa lang ang bedroom sa pinagawa nilang mansiyon. Hindi man lang sila nagpalagay kahit guest room. Hindi ko nga masabi kung tinipid ito o pinasadya, e. 'Pag ako talaga naging civil engineer, hindi ako papayag sa ganitong disenyo. Konsiderasyon naman sa team sofa, oh!

Teka, paano pala siya napunta rito? Sa pagkakaalala ko, naglatag lang ako ng sapin sa tabi ng kama namin at doon nahiga, ah?

Nandito pa rin naman ako. Ang kaso lang, bakit nandito na rin siya?

Sinilip ko ang higaan niya at halos pahulog na ang comforter. Nasa sahig din ang isa sa mga unan niya. Nahulog ba siya? Kawawa naman 'tong asawa ko. Baka masakit na ang katawan niyan paggising.

"Likot mo pala matulog." Napahagikgik ako sa ideya.

Binalak kong buhatin siya pabalik sa kama dahil malalamigan ang likod niya rito kaso mukhang kailangan ko pang magpalakas para magawa iyon. Dadalasan ko na nga ang pag-gym.

Hindi naman siya kabigatan, mahina lang talaga akong nilalang. Kainis, tamad kasi 'yong mga muscle ko sa katawan. Ayaw makisama.

Pahirapan kong hinila ang comforter at muntik pa akong tumalsik nang matanggal ito sa pagkakaipit sa kama. Mabuti na lang at sa drawer lang ako tumama.

Hopelessly Devoted (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon