Hira Agape's POV
"For the first 24 hours, I'd recommend cold compress to deal with the potential inflammation in those areas." Ani ng doktora na kanina pa nakiki-chika sa amin pero tatango-tango ko pa rin namang pinakinggan ang payo niya. Ngayon lang ako nagkaroon nito kaya hindi ko talaga alam ang gagawin. Naiiling siyang nagpakawala ng halakhak bago bigyan ng mapang-asar na tingin si Misis na ngayon ay katapat ko na. Umupo na ako sa tamang upuan at baka mangalay siya. "And you can do warm compresses after to accelerate the healing process."
"It sounds like it'll take too long," nabuburyong na reklamo ng asawa ko. Atat na atat! What if tapalan niya na lang ng bagong mga marka?
"It's not like it's your first time giving someone a hickey, my friend." Pabirong dagdag nito. Ako nga lang yata ang napikon sa indirektang pasaring niya. Awtomatikong kumunot ang noo ko kahit hindi naman na bago sa akin ang ideyang iyon. Ginawaran ko pa rin naman ng pilit na ngiti ang doktora bilang pasasalamat bago siya tumayo at magpaalam.
"That Casquejo," bulong ni Misis sa mababang tono.
Nagpakawala ako ng malalim na singhap bago siya harapin. Napansin ko ang dagliang paglambot ng ekspresyon nito nang masilip ang naging reaksiyon ko. Hindi ko tuloy naiwasang magkomento, "Gaganyan-ganyan pa, mala-Mrs. Casquejo rin naman."
"I don't do it without consent, Agape." Depensa nito sa sarili bago prenteng sumandal sa upuan na katapat ko mismo. Kulang na lang ay umikot ang mga mata ko pagkarinig doon.
"Para namang may makakatanggi sa'yo," pagsasabi ko ng totoo sabay irap. Ginaya ko ang pagkakasandal niya sa upuan bago iyon sundan. "Kahit hindi mo nga ako alukin, o-oo ako, e."
At dahil hindi naman kami gaanong magkalayo ay nadali ng takong niya ang kaliwang paa ko. Napahiyaw ako agad dahil sa tulis at pagkakadiin niya roon.
"Misis!?" Asik ko. Medyo napalakas nga lang kaya sumulpot ang isa sa mga babaeng nars mula sa kung saan at sinenyasan kami na huwag gaanong mag-ingay dahil may iba pa yatang pasyente sa palikong banda maliban kay Mrs. Casquejo. Hindi kalakihan ang clinic dito pero mahusay ang pagkakagamit sa bawat metrong kwadrado.
Itinikom ko ang sariling bibig at marespetong yumuko bilang pagpapaumanhin bago paulanan ng masasamang tingin ang asawa ko. Nang makaalis ang nars ay hindi ako nagdalawang-isip na tumayo para gumanti.
"Ang kulit...kulit mo!" Pasigaw kong bulong habang inaabot ang magkabilang pisngi niya at pinanggigigilan iyon. Gumuhit ang sakit sa mukha nito kaya napabitaw ako roon sabay hawak sa tiyan. Tatawa-tawa akong napaupo sa sahig dahil umani lang naman ako ng mumunting kurot at sundot sa kaniya. Punteryahin ba naman ang beywang ko. "Aha! Aha...ha! Misis naman... malakas ang kiliti ko riyan!"
"Isa—hah! 'To talaga! Sasawayin na naman ta...haha!" Tinatapik ko lang ang mga kamay niya dahil hindi mapirmi at patuloy na naglilikot. Nang balakin kong humiga na sa lapag para makaiwas sa mahahaba nitong daliri ay hinapit niya ang beywang ko. Pahilig ang naging pwesto ng itaas na bahagi ng katawan ko, ilang pulgada mula sa sahig, habang ang pang-upo ko naman ay nakalapat na roon.
Nakatukod ang siko niya sa isang hita para hindi siya matumba sa biglaang pag-abante. Ngayon ay dumadampi na ang gahibla ng buhok niya sa leeg ko at hindi nakaligtas sa pang-amoy ko ang halimuyak nito.
Natuon ang pansin ko sa mga mata niya nang mapagtantong muli na namang gumalaw ang gitna noon na waring lumaki pero agad ding lumiit. Gusto ko pa sanang suriin ang iba pang kapuri-puring bahagi ng mukha niya pero binitawan niya rin ako matapos umangat ang gilid ng kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (GxG)
Roman d'amour(ProfxStudent) "Mukhang mas napapadalas pa yata ang pag-uwi mo ng mga babae? Gabi-gabi... Wala kang pinalalampas." Iyan ang paunang salita ni Hira Agape del Mártez matapos pauwiin ng asawa niyang si Teresa Novelino ang babaeng kinama nito sa kwarto...