Kabanata XVII

2.6K 133 133
                                    

Hira Agape's POV

Hay, sino ba namang hindi gugustuhing umuwi nang pagkaaga-aga kung ganito kaganda ang uuwian? Nakasuot siya ng isang pares ng pantulog na nangingintab at sumasayaw habang gumagalaw siya. Sumasalungat sa madilim at matatalim niyang tingin.

Kahit namamanhid ang kasu-kasuhan ay nagawa ko pa ring tumayo at salubungin siya ng yakap sa balakang. Nasa unang baitang pa kasi siya ng hagdan nang maabutan ko kaya mas tumaas siya. Nasa bandang dibdib niya naman natapat ang ulo ko kaya tumapak na rin ako roon hanggang sa ikalawang hakbang para pantayan siya mula sa likod.

Saan niya naman kaya narinig na tawagin akong baby girl ni Mrs.? Ang kulit nga naman kasing pakinggan.

Hindi ko na siya binigyan ng oras na magreklamo at isinampay agad ang braso ko sa balikat niya. "Uma-Agape ka na ulit, ha." I giggled upon teasing her. Kulang na nga lang ay pumasan ako sa kaniya dahil sa higpit ng pagkakayapos. Hindi ko naman makita ang reaksiyon niya dahil iniiwas niya ang ulo tuwing sisilipin ko. "Nag-disappear agad ang pagod ko, Misis..."

Nang sabihin ko iyon ay hinawi niya ang pareho kong braso mula sa kaniyang balikat at hinarap ako. Ngiting-ngiti ako syempre kaya mas lalo yatang sumama ang timpla nito.

"I'm officially banning you from hugging me." Deklarasyon niya bago magbalak na talikuran ako.

Nabibigla naman akong humawak nang mahigpit sa braso niya para pigilan siya, "Ngek! Misis naman!"

Bakit may pag-ban? Huhu.

"What? You spent the rest of your day, got tired with someone else, and now you'll use my body to make it disappear when you're totally unaware that you reak of her scent?" Tuloy-tuloy niyang usal. Huminto nga lang yata siya para suminghap at huminga nang malalim. Amoy Mrs. ba ako? Tsk, wala kasi sa vocabulary noon ang distansiya. "Why don't you rest in Casquejo's arms instead?"

Nanatili naman akong nakatulala lang sa kaniya, nahihiwagaan. Bihira akong komprontahin niyan nang harapan kaya natupok talaga ako sa pwesto. Gusto ko na lang siyang ikulong sa mga braso ko ngayon at umasang lalamig din ang ulo niya.

Yumuko akong bahagya para abutin ang malambot niyang kamay at pisil-pisilin iyon. "'To naman... Ikaw lang ang pahinga ko, Misis. Saka pinagod mo rin kaya ako kanina—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang padabog niyang alisin ang pagkakahawak ko sa kaniya kaya mas kinabahan ako, "Don't you dare gaslight me into thinking that it was I who made you this weary!"

"Hindi naman sa ganoon—"

"Ah, I almost forgot. How can I even forget? You already charged her with a morning hug even before it happens. Gosh! This is frustrating."

She started walking away from me with heavy footsteps. Kagaya ko ay nalilito rin siguro siya sa inaasal. Bago sa akin ang ganitong side niya kaya hindi ko alam ang gagawin. Parang tinotopak na hindi mawari. Ang cute pa naman.

Sa puntong 'to, gusto ko na lang siyang patakan ng mga halik at iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

"Mis...is." Sinundan ko lang siya habang nagpapaikot-ikot siya sa bahay. Kulang na nga lang ay tumakbo siya para hindi ako makalapit sa kaniya. She's extremely sensitive right now and it's evident in her words and actions.

"Mahal ko..." Usal ko sa mapanuyong tono.

Nagawi na rin siya sa balcony sa second floor pero umikot din pabalik pagkatapos. Unti-unti namang humihina ang pagtapak niya sa sahig kaya hindi ako huminto. Sinasabayan ko lang ang trip to Jerusalem niya. Pinapakalma niya siguro ang sarili.

Hopelessly Devoted (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon