Hira Agape's POV
"Good morning, Mi—ni Miss U! Mini Miss U!" Napasayaw na lang ako bigla habang nagtitimpla ng Milo dahil muntik ko na siyang matawag na Misis. Tama nga siya, makakasanayan ko. Este nakasanayan ko na pala. Mabubuking talaga kami nang wala sa oras kapag nadala ako ng bugso ng damdamin. "Aga natin ngayon, ah?" Hindi siya sumagot at lumapit lang sa akin para magtimpla rin.
Pagkuha niya ng baso ay agad ko iyong inagaw sabay alok. "Ako na, mahal kong reyna, upo ka na roon sa sala..."
"For free?" Nagtaka naman ako sa first two words niya ngayong araw. Siguro inaantok pa 'to.
"Ha?"
"No back hug fees?" Ngek!
"Cute mo!" Umakto akong pinanggigigilan ang ilong niya pero hindi ko naman idinikit. Baka ma-knock out ako early in the morning. Bumanat na lang ako habang pabalik siya sa sala. "Alright, this will be free of charge pero... tumatanggap ako ng tip ha! Sa cheeks sana."
Muntik nga lang ako mapaso sa hawak na mug nang mapatalon dahil may flying tsinelas sa bandang paanan ko. Magaling siguro 'tong mag-tumbang preso. Wala talagang pinapalampas ang Misis ko!
"Here goes a cup of coffee!" I called her attention with that line. And for my entrance, "My coffee is brewed from the roasted and ground seeds of African tropical evergreen coffee plants, seemingly bitter but is mixed with sugar, spice, and everything nice, thoroughly prepared for the one and only—"
"Tss. Save the remaining part of your speech for later. The coffee made of seeds from whichever part of the world's getting cold." I saw the tip of her lips rise a little. Did she just smirk?
"Ah—ay!" Phew! Mabuti na lang at nailapag ko nang maayos. Muntik ko na mabitawan 'yong hawak ko dahil sa kilig. I slightly bowed and said, "Happy to serve!"
Naupo lang ako sa tabi niya dahil iisa lang naman ang sofa rito, pa-L lang. Dito ako natulog, natutulog, at matutulog. The legendary sofa talaga.
Uminom muna ako ng Milo saka bumwelo. Ipinatong ko lang ang siko ko sa tuhod ko saka iminuwestra ang maganda kong mukha sa harap niya. "Ma'am, aminin mo nga..." She raised her eyebrows in confusion, but her focus remained on the coffee. "Hinatid mo talaga ako kahapon, 'no?"
"What do you mean?"
"Asus! 'Wag mo nang itanggi... Grabe namang coincidence 'yon kung sakali." Pang-aasar ko pa. It's my way of making someone spill something relevant.
"I am innocent. You're definitely accusing me of something I am not even aware of." Haba niyan, ah! Ayan, ganiyan dapat para hindi ka mapanisan ng laway.
"Weh... Duda. Eh, ano'ng ginawa mo sa room namin?" Pasalit-salit kong itinaas ang kilay.
"And why should I tell you?"
Nagpatuloy ako sa pag-arte, "Sabi ko na nga ba may imbakan ng asukal 'tong Misis ko, e! May tinatagong tamis sa atay balunbalunan!" Aamba pa nga lang ako ng yakap pero tinutulak niya na agad ako gamit ang hintuturo niya.
"As if. I just clarified some things about our schedule."
"Inalam mo schedule ko? Nakaka-touch ka talaga...! Wala na, sinisipag na 'kong mag-aral. Road to summa kunwari na 'to, Ma'am."
"Really, Hira?" Hindi makapaniwalang usal niya. "Casquejo and I had conflicting schedules. I thought I'd have my first class yesterday. Turned out it's today at the same time and room." Napabuka naman ang bibig ko sabay tango, maang-maangan pa rin. What a precious piece of information! Very good ka riyan, Hira.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (GxG)
Romance(ProfxStudent) "Mukhang mas napapadalas pa yata ang pag-uwi mo ng mga babae? Gabi-gabi... Wala kang pinalalampas." Iyan ang paunang salita ni Hira Agape del Mártez matapos pauwiin ng asawa niyang si Teresa Novelino ang babaeng kinama nito sa kwarto...