Kabanata I

4K 124 33
                                    

Hira Agape's POV

"Lahat ng hapdi'y nakalimutan,
Pinawi maging ang kalungkutan."

Pagbukas pa lamang ng malaking pintuan ay nagsituluan na ang mga luha ko. Mabuti na lang at waterproof ang kolorete na ilang minutong pinaglalalagay sa mukha ko. Ito na ang araw... sa wakas.

"Makapigil-hininga na kagandahan
Uunahin ka maging kahit kanino man..."

Natatanaw ko sa may altar ang babaeng sinisinta at habambuhay kong gugustuhing makapiling mula sa hati ng belong suot ko. Katulad ko ay nakaputing gown din siya na hapit sa katawan niya. Dinedepina nito ang hubog ng katawan niyang talaga namang kapuri-puri.

Muntik na akong matupok sa kinatatayuan katititig sa kaniya. Wala yatang balak ang paa ko na humakbang kahit sabik na sabik na akong makalapit para masilayan ang pinakamamahal ko.

"Bukang-liwayway sa kalupaan,
Tila abot-kamay na ang kalangitan..."

Wari'y nagsisihuni ang mga ibon, sumasabay sa ritmo ng napili kong awitin, at maging ang mga talulot na nagkalat sa sahig ay namumulaklak.

"Tunay ngang wala kang kapintasan...
Kung ako'y hahayaan, hindi ka na bibitawan." Kung hindi pa ako sasabayan ng ama ay matatapos ko siguro ang kanta sa may pintuan.

Wala naman sa balak ng mga magulang ko na samahan ako sa paglakad sa altar. Hindi kasi ako dapat ang ihahatid nila roon. Dismayado ako, oo, pero hindi na masakit. Hindi ko naman kailangan ng suporta nila, kusang-loob kong iaabot ang kamay ko, ipagkakaloob ang buhay ko, sa taong naghihintay sa akin sa dulo nitong pasilyo.

"Oh, kay tagal kang hinintay...
Napagod kong puso'y sa 'yo na mahihimlay."

Hindi ko nakinita ang sarili ko sa posisyon ng Ate ko kailanman. Mahal ko si Teresa, oo, pero mahal ko rin si Ate. Marahil ay isa lang ako sa mga bisita kung buhay pa siya pero sasaya naman silang pareho kaya magiging masaya rin ako... Matatanggap ko.

Sumakto sa koro ng kanta ang pag-abot ko sa kamay ni Teresa bagama't hindi niya ito inalok. May pagtutol pa roon kaya hinigpitan ko na lamang ang kapit.

Naiintindihan ko... Maiintindihan ko.

"Dalangin, oh, aking dalangin
Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo
Yakapin, hayaang yakapin
Sa oras na ika'y bigo, sa 'yo'y hinding hindi susuko..."

Miski sulyap ay hindi nito ipinagkaloob sa akin pero kahit papaano ay nagkaroon ako ng ilang segundo para pakatitigan siya at purihin ang taglay niyang ganda. Mababakas ang itim na marka sa ilalim ng mga mata niya dahil hindi na siya nag-abala pang maglagay ng kolorete pero sa paningin ko, kahit nasa ano pa siyang estado, siya ang pinakamaganda at namumukod-tangi sa lahat.

Ang dalangin ko... dininig din sa wakas.

"All rejoice for the newly wed!"

Nakatuon lang ang atensiyon niya sa harap hanggang iproklama ng pari na mag-asawa na kami. Hindi ko nabanggit ang vow na ilang gabi kong pinag-isipan dahil nilaktawan ang bahaging iyon sa pakiusap ni Teresa pero isinasapuso ko iyon.

I vow in front of the Almighty, that I will not falter. I will choose to love and to be with her every single day 'til I take my last breath. For worse or for worst... pipiliin kong manatili.

Hopelessly Devoted (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon