Hira Agape's POV
"Sis, na-miss ka namin! Ang tagal mong MIA!" Halos matumba ako nang dunggulin ako sa yakap ng mga bubuyog.
Missing in action pa ako sa lagay na 'yon? Mala-teleserye na nga ang buhay ko nitong mga nakaraang buwan. Sumabak yata ako sa lahat ng genre, e. Artista 'yarn?
"Ako pa talaga, ah? Kayo nga ang literal na out of reach diyan. Ero-eroplano kaya ang layo niyo sa akin. Dinaig niyo pa si Dora the Explorer kung gumala."
Ang balita ko nga, kakauwi lang nila galing Spain last week. Hanep, 'di ba? Doon pa yata namalengke ng school supplies.
"Dora talaga? Sa Little Einsteins mo naman kami ikumpara!" Hirit ng Psychology student naming tropapips na si Evan Porissimois alyas Hibang. Iyan kasi ang palayaw sa kaniya ng ex-girlfriend niyang professor nila noong first year na isa sa mga kaibigan ni Teresa. Urat na urat tuloy siya sa tuwing maririnig iyon. Naka-"living on" mode daw kasi siya ngayon, move forward lang kumbaga, hindi move on. On hiatus daw muna ang love story nila pero itutuloy pa rin siyempre.
Bading nga rin pala 'yan. Kalahi.
Siyempre kung may Hibang, hindi mawawala si Halang este Natalia Regal. Hindi ko rin alam kung bakit iyan ang kinalakihan niyang nickname. That negative adjective does not describe her at all, basta maganda raw kasi sa pandinig niya kaya gusto niyang tinatawag siyang ganiyan.
English ang first language niya at Spanish naman ang second kaya barok siya kung mag-Filipino kahit mula elementarya ay magkakasama na kami. Educ student naman si Talia at English ang major. Ang kaso lang, hindi niya naipasa ang qualifying exam doon kaya napunta siya sa Filipino ngayong taon. Kung alam lang nila, maling desisyon iyan. Dudugo ang ilong ng mga bata sa babaitang ito.
Sanggang-dikit nga pala 'yang dalawa at parang shadow na kamo ni Evan si Talia. Second voice palagi, e. "Magfa-fly kami, Little Einsteins~" Pagkanta niya. Mababakas pa ang American English accent doon.
"Pwe, ang taas din ng narating ng mga pangarap niyo, ha. Little Entengs kamo! Hanggang Enteng Kabisote lang tayo, sis." Pagklaro ko. Mabuti nang aminado.
"Yey, that's what I want. Inclusive!" Pumalakpak sa tuwa si Talia matapos marinig ang palataw ko. Humagalpak naman kaming dalawa ni Evan dahil sa inosenteng tugon niya.
Naka-automatic asar 'tong isa sa kaniya sabay hampas sa akin, "Inangyarn. Nasa acceptance stage na agad siya, e. Ang aga-aga, ngalay na panga ko katatawa!"
Habang nagkukwentuhan ay naglakad na rin kami papunta sa veranda ng building ng CE Department. Malayo rito ang kanila pero gusto nilang doon mag-stay dahil bibihira daw ang tumatambay. Halos wala naman kasi kaming vacant last semester dahil tumataginting na 38 units ang kailangang i-take. Ako lang talaga ang maraming time dahil sa 38 units na Kabadingan yata ako nakapag-enroll.
Pero nagbabagong-buhay na ako, ha! Ipinapangako ko, kukumpletuhin ko na ang 33 units namin ngayon sa loob ng classroom.
"Alam niyo, kung hindi siguro first day ng klase ngayon, malamang ay mamumuti na lang ang buhok ko kahihintay sa inyo." Pagtatampo ko. Wala pang pasalubong kahit keychain matapos mag-country hopping.
"Jumoin ka naman kasi, sis! Walang first day first day kung aayain mo kami ngayon." Palatak ni Evan. Ang gagaling oh, nasa plano ko pa naman ang mag-aral nang mas mabuti kahit papaano ngayon.
"Right! We'll ditch our first class for this long-awaited reunion! It's sooo exciting!" Second voice ni Talia.
No na no.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (GxG)
Romance(ProfxStudent) "Mukhang mas napapadalas pa yata ang pag-uwi mo ng mga babae? Gabi-gabi... Wala kang pinalalampas." Iyan ang paunang salita ni Hira Agape del Mártez matapos pauwiin ng asawa niyang si Teresa Novelino ang babaeng kinama nito sa kwarto...