Hira Agape's POV
Habang binabagtas ko ang daan papunta sa parking lot, may biglang sumulpot sa gawing kanan. Dinunggol niya ang aking braso kaya nakuha niya ang atensiyon kong nakatuon sa sahig. Prente pa ang paglalakad ko habang nakapaloob sa bulsa ng coat ang parehong kamay kaya mababakas din ang gulat sa akin.
"Going home?"
Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino iyon dahil nabosesan ko agad. Amoy pa nga lang, kabisadong-kabisado ko na. Misis ko 'yan, e.
"Not yet." Hindi naman kasi talaga ako sa bahay uuwi. Sa condo, remember? Saan ulit, Hira? Sa condo. "Sama ka?"
Nakagat ko ang labi nang lumabas iyon sa bibig ko. Inaya ba naman.
"Where to?" Ani niya habang sumusunod sa mabagal kong mga hakbang. Pumapalatak naman ang suot niyang takong.
Ang hilig nitong mag-heels! Baka paltusin na naman siya.
Tsk! Buhatin ko 'to.
"Basta. Samahan mo 'kong magtampo. Magpakalayo-layo muna tayo."
Iniangat niya ang braso at hinawi ang suot nitong long sleeves para tingnan ang relo bago sumagot.
"My class starts at 2." Ngek, siguro past 1 na rin kasi ala una na kami dinismiss. Na-traffic pa kanina ng chika. Paalis pa lang, ubos na ang oras. "I still have a few minutes to spare though."
"Ipahinga mo na lang," kibit-balikat kong tugon. Antok na antok pa naman siya kaninang umaga. Magmamaktol lang naman ako sa condo, e.
All Too Well (Hira's version) na 72 hrs. long.
"I insist." Matigas nitong pagtutol. Nauna siyang maglakad kaya bumuntot na rin ako.
"My car or your car?" Tanong ko habang sinisilip siya. Sinabayan ko ang bilis ng lakad niya para makahabol dahil sa ibang direksiyon siya papunta.
"Our car." Bagaman ay nalilito, sumunod pa rin ako sa kaniya. Kotse naman kasi naming pareho ang dala ko at dala niya.
Pagtapat namin sa puting kotse na iniregalo ng mga magulang ay pinindot niya lang ang susi. Kusa namang na-unlock ang mga iyon pero laking gulat ko nang pagbuksan niya ang sarili at umupo sa likod.
Tumapat din ako at tinanaw siya roon. "Bakit nandiyan ka?"
"Magpapahinga."
Hindi na ako nakaangal nang hilahin niya ako papasok doon at paupuin. Ni-lock niya ang pintuan sa gawing kaliwa ko saka maingat na ipinwesto ang sarili.
Umupo siya halos kalahating metro ang layo mula sa akin saka humiga. Sumakto naman ang ulo niya sa hita ko kaya napasandal na lang ako. Kaloka, na-conscious ako bigla.
Nakapikit na agad ang mga mata niya at magkakrus ang braso sa bandang dibdib. Nakatupi naman ang kaliwa niyang tuhod at nakasampay roon ang kanan.
Napakaswerte ko naman at biniyayaan ako ng ganitong view.
Isiniksik niya pa ang ulo sa bandang tiyan ko para gawing mas komportable ang sarili kaya tuluyan ko nang nakalimutang huminga.
"Breathe, Agape."
"Teresa naman... ano'ng trip 'to?" Nahihiwagaan kong tanong. "May klase ka pa, 'di ba? Pasok na."
"Mute yourself." Halos mapakamot ako sa braso nang marinig iyan. Masu-suffocate lang kaming pareho rito. Hininga lang naming dalawa ang nagci-circulate.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (GxG)
Romance(ProfxStudent) "Mukhang mas napapadalas pa yata ang pag-uwi mo ng mga babae? Gabi-gabi... Wala kang pinalalampas." Iyan ang paunang salita ni Hira Agape del Mártez matapos pauwiin ng asawa niyang si Teresa Novelino ang babaeng kinama nito sa kwarto...