Hira Agape's POV
Palakad-lakad lang ako sa may open field, dinadama ang init ngayong katanghalian. Kakaunti pa ang mga estudyanteng nandito kaya ang tahimik. Sabagay, wala rin namang magbibilad sa araw nang ganitong oras maliban sa akin kaya tanging ang pag-indayog lamang ng mga dahon ang maririnig dito, sumasabay sa huni ng hangin. Nang mapagod kakahakbang ay nagpasya akong maupo muna sa bangko na nakapwesto sa lilim ng mga puno.
Mabilis na natapos ang una kong klase kaya wala akong magawa ngayon. Mala-major pa naman ang vacant namin, tumataginting na limang oras. Kung nakakotse lang ako, nakarating na siguro akong Baguio.
Kagabi nga pala'y nag-commute lang ako pauwi dahil nauna na si Misis. Padilim na rin kaya hindi na ako nag-inarte. Pagdating ko roon, ginawa ko agad ang mga tungkulin ko bilang maybahay at pagkatapos ay inabala na ang sarili sa pagpapanggap. Baka aspiring good student 'to?
Hawak-hawak ko lang naman ang pagkakapal-kapal na libro namin sa loob ng ilang oras. Nasa 30-40 pages naman ang nabasa este dinaanan pala ng mga mata ko. Mahigpit kasi ang security sa utak ko, hindi nagpapapasok ng mga bagong konsepto. May susi siguro si Teresa rito, sumusulpot 24/7.
Hindi pa gising si Misis nang umalis ako kaninang umaga kaya nag-book lang ako ng taxi. Alam kong gagamitin niya ang kotse pagpasok kaya pinaubaya ko na. Manifesting na isabay niya na ako mamaya, 7 pa tapos namin huhu. Uhaw na uhaw ako sa misis time.
Sinubukan kong umidlip sa veranda kanina, nagawi na rin sa library, pero hindi ko mahagilap ang antok ko. Naitodo ko na yata sa classroom dahil tatlong oras lang naman akong humimlay. Matapos ko kasing magpakilala ay niyakap na naman ako ng kadiliman. Bakit kasi sa classroom lagi umaatake 'to? Pumasok akong aantok-antok tapos lumabas na kumpleto ang tulog.
Kinuha ko ang cellphone sa bag at nagtipa roon. Bulabugin ko na lang ang dalawang bading nang mabawasan ang pagkabagot. Binuksan ko ang gc naming Sizzume Street na may 5 unread messages pa pala.
talyang halang:
talyang halang sent a photo.
Huli camivana hibang:
HAHAHAHA GAGI SLEEP WELL SIYA IH
bagong buhay pala ha @hirang gurang
amaccana sis nomnom na mamayaMga bading na 'to, pinicturan lang naman ako habang nahihimbing sa klase. Galing sa likod ang litrato pero dahil iwas akong mahuli, doon ako nakaharap. Nakapatong pa ang paa ko sa ilalim ng upuan ng katapat ko. Vacant siguro nila ngayon at nagawi sa building namin. Pwede naman nilang pagtripan ang isa't isa, dinamay pa ako 'yong natutulog.
hirang gurang:
Nakikinig akong maigi shonga, judgmental na twoh
Gala na lang ohivana hibang:
ngayon pa nag-aya kung kailan nasa classroom na yung tao 😠😠😠
ivana hibang sent a photo.Bumungad ang litrato ni Ms. Estrella na nagtuturo doon. Siya 'yong ex ni Evan na iniyakan niya noong nakaraan. Nasa unahan pa pala nakaupo ang bading. Move on who? Pusta ko kaluluwa ko diyan siya pinwesto.
hirang gurang:
As if naman aabsent ka riyan, baka nga mag-overtime ka patalyang halang:
Negats din me. Look who's here
talyang halang sent a photo.hirang gurang:
GINAGAWA NIYAN JAN
Lord anak mo rin ako
Petition na maki-sit in!!!
Napatalon-talon ako sa inuupuan sa inggit. Prof nila si Misis huhu. Ang ganda-ganda ng abunjing ko na 'yan. Naka-maong pants lang naman at puting polo shirt. Nagwawala na lahat ng organs ko sa katawan ngayon.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (GxG)
Romance(ProfxStudent) "Mukhang mas napapadalas pa yata ang pag-uwi mo ng mga babae? Gabi-gabi... Wala kang pinalalampas." Iyan ang paunang salita ni Hira Agape del Mártez matapos pauwiin ng asawa niyang si Teresa Novelino ang babaeng kinama nito sa kwarto...