Hira Agape's POV
Patalon-talon ang paglakad ko papasok sa bahay dahil sa tuwa. Ang tagal lumubog ng araw, kanina pa ako atat na atat umuwi. Traffic pa kanina kasi nasabay sa uwian ng high school students. Magpa-tutor na lang kaya ako kay Misis para hindi siya nawawala sa paningin ko?
Maaga siguro siyang nag-out dahil wala nang klase. Pagdating namin kanina sa office nila, wala na ang mga gamit niya. Iinitin ko na lang ang pasalubong ko dahil tatlong oras ding natengga.
"Finally, I'm home!"
Nakapatay ang ilaw sa baba pagdating ko pero nasa shoe rack na naman ang sapatos niya kaya malamang ay nandito na siya. Nagpalit muna ako ng damit at inihanda ang dinner. Umabot sa anim na platito at tatlong mangkok ang nagamit ko. Naglagay na rin ako ng dalawang plato at utensils para sa aming dalawa.
Ang dami palang tinake out ni Mrs. Casquejo. Hindi ko na ngayon alam kung paano namin 'to uubusin. Kaya naman siguro 'to ng pangat. Pangatlong init.
Dagli akong umakyat sa taas nang may malaking ngiti sa labi. Kahit ilang buwan na kaming nagsasama, hindi pa rin nababawasan ang pagkasabik kong makita siya. Dumadagdag lang yata.
"Misis?" Mahina kong pagtawag habang marahang kumakatok. Napagtanto kong hindi naman ito naka-lock nang pihitin ko ang busol kaya sumilip na rin ako. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog at nakaharap bandang pinto.
Maingat akong pumasok doon para hindi makalikha ng tunog saka lumapit sa kaniya. Bahagya akong lumuhod sa sahig upang magpantay ang mga mukha namin. Inilapit ko ang likuran ng palad sa mukha niya pero hindi ko dinikit. Sa halip ay hinawi ko lang ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa maaliwalas niyang mukha. Ang kalmado niya talagang tingnan kapag tulog. Hindi mo aakalaing siya rin si Teresa na kung hindi nga nakasimangot, blangko naman ang ekspresyon.
Umupo na akong tuluyan sa sahig at humiga sa magkapatong kong braso na nakaangkla sa kama niya. Namamangha pa rin talaga ako tuwing makikita siya nang ganito kalapit. Kahit saang anggulo ko tingnan, mahal ko talaga ang babaeng 'to. I have always adored her in the most respectful way. Umaapaw ang swerte niya, 'no? Paborito na nga siya ni Lord tapos paborito ko pa. "My sleeping beauty..."
Maya-maya pa'y dahan-dahang siyang nagmulat. Sa loob lamang ng ilang segundong iyon ay waring nasaksihan ko ang pag-angat ng araw sa mga mata niya. Nagkusa tuloy ngumiti ang labi ko saka bumulong, "Hi... Did I wake you up?"
Hindi siya sumagot pero nahuli ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya sabay pikit saka ibinaling ang atensiyon sa akin. Lalo namang lumaki ang pagkakangiti ko kahit gusto kong pigilan. "May pasalubong ako... Marami." Walang nagbago sa reaksiyon niya. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa akin.
"Baba tayo?" Gumalaw siya matapos kong sabihin iyon. Akala ko nga babangon na siya ngunit ibinaba niya lamang ang sarili nang kaunti, sa tapat ko mismo, saka inunanan ang kaniyang braso. Ang lapit-lapit niya... Literal na abot-kamay na ang pangarap. "W-We can check it later though. I'd love to stay like this for... a couple more... hours."
Parang hinaplos yata ang puso ko nang muli siyang ngumiti bago pumikit. Did she just let me?
Napagtanto kong humihimbing na siya ulit nang marinig ang mahihina niyang hilik. Naririnig ko lang dahil ang lapit ng tainga ko sa bibig niya. Na-add to favorites na rin yata ako ni Lord!
Hindi ko namalayang nakaidlip ako pero nang magising ay nadama ko agad ang malambot kong unan. Hindi ko pa minumulat ang mga mata pero bahagya kong ginalaw ang pisngi para damhin ang init at kinis noon. Pinadaan ko rin ang tungki ng ilong ko para sariwain ang bango nito. Umangat nga lang ito kaya napadilat ako nang wala sa oras.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (GxG)
Romance(ProfxStudent) "Mukhang mas napapadalas pa yata ang pag-uwi mo ng mga babae? Gabi-gabi... Wala kang pinalalampas." Iyan ang paunang salita ni Hira Agape del Mártez matapos pauwiin ng asawa niyang si Teresa Novelino ang babaeng kinama nito sa kwarto...