Hira Agape's POV
Dumating ang Huwebes at maaga akong bumangon para isagawa ang matagal ko nang pinaplano. Alas ocho rin kasi ang pasok ko kaya mabilisan dapat ang kilos. Nakausap ko na nga pala nang masinsinan sina Misis at Mrs. Casquejo pagtapos ng klase ko noong Lunes at paulit-ulit silang binilinan na huwag magtalo. Hindi pa naman sa lahat ng oras ay nandoon ako para umawat. Baka magulat na lang ako, may nakahandusay na roon.
Bihira kong makita si Misis nitong mga nakaraang araw dahil palagi siyang may kausap at maraming pinagpipipindot sa laptop. Hindi ko na muna siya kinakausap nang sa gayon ay matapos niya agad ang tinatrabaho. Tinambakan yata ng gawain ng principal namin, e. Hindi nga rin daw pumasok sa klase nina Talyang kahapon.
Bagaman ay nanlalabo pa ang paningin dahil bagong gising, tinungo ko na ang likod ng mansiyon. Bumungad sa akin ang malago kong hardin ng mga dahon.
May iilang bungkos na ng bulaklak, santan pa nga lang. Mamula-mula ang ilang bahagi pero nangingibabaw ang berde. Dumako ako sa bahagi kung saan tirik na tirik ang araw kahit kasisikat lamang nito. Dito ko itinanim ang seeds ng balloon flower, tatlong buwan na ang nakalilipas. Bilang pa rin ang mga bunga nito at nananatiling nakasara na parang hot-air balloon. Kulay lila ito at malusog namang tingnan. Sadyang hindi pa namumulaklak kahit alagang-alaga.
"In time..." Hinaplos ko ang isa sa mga bunga at binulungan. Balang araw, mamumulaklak din ang mga ito at alam kong may igaganda pa sila. Diniligan ko muna ang mga iyon bago bumalik sa bandang kaliwa at pumitas ng bungkos ng santan. Ako pa rin naman ang nagtanim nito kaya magandang ipangregalo.
Wala akong inaksayang oras at naligo na. Sinuot ko ang uniporme at nag-asikaso saka presentableng tumungo sa kwarto ni Misis para iabot sana iyon. Hindi ko nga lang siya naabutan doon. Maaga sigurong gumayak kaya ang bango sa ibaba kanina, amoy Teresa.
Dala-dala ang mga santan na nakalagay na ngayon sa transparent at punggok na jar na may lamang tubig ay bumiyahe ako patungong pamantasan. Iniupo ko iyon sa passenger seat at maingat na nagmaneho nang sa gayon ay hindi iyon matapon. Halos tangkay lang din ang nakalubog dahil baka malanta ang bulaklak bago ko pa maibigay.
Pagpasok ko sa office nila, bumungad sa akin ang nakatungong Teresa sa dulo. Nakahiga ang kanang pisngi niya sa magkapatong na braso. Wala naman si Mrs. doon at marahil ay mamaya pa darating. Alas siete pa lang kasi. Sakto at may isang oras pa kami ni Misis.
Lumapit ako nang dahan-dahan sa kaniyang pwesto para hindi maistorbo ang pagkakahimbing nito. Umupo ako sa harap at ginaya ang pwesto niya pero kaliwang pisngi ang nakahiga sa braso para matitigan ko siya. Mahigpit ang pagkakadikit ng mga labi niya pero mababaw naman ang pagkakapikit. Pagod nga siguro. Nakakunot na naman ang kilay niyang parang laging suklay na suklay.
Tinanggal ko ang coat ng uniporme at lumapit sa kaniya para ipatong sana. Namumula kasi siya, e. Baka nilalamig. Kaya lang, kahit sobrang ingat ko pa, wrong move pala. Nagising kasi siya. Nang lingunin ko'y nakadilat na at nakatingin nang masama sa akin.
Kinabahan naman ako sa kaniya. Ganito pa naman sa mga horror movie.
"Hi, Misis..." Matamis na bati ko sa kaniya. Nginitian ko na rin, baka sakaling maging good ang kaniyang mood.
Ems, ang lakas talaga ng kumpiyansa ko sa sarili.
Nag-angat siya ng ulo kaya napansin ko ang kanan niyang pisngi na mas mapula kaysa sa kabila. "What do you think you are doing?" Tiningnan niya ang pareho kong kamay na nasa magkabilang balikat pa niya. Nasa bandang likuran niya rin ako at nakadungaw lang.
"I assumed you were cold, so..." I looked at her back to communicate that I am lending her my coat. Inangat ko rin ang kamay ko at saka dahan-dahang lumipat sa upuan sa harap niya. "Pagod, Misis?"
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (GxG)
Romansa(ProfxStudent) "Mukhang mas napapadalas pa yata ang pag-uwi mo ng mga babae? Gabi-gabi... Wala kang pinalalampas." Iyan ang paunang salita ni Hira Agape del Mártez matapos pauwiin ng asawa niyang si Teresa Novelino ang babaeng kinama nito sa kwarto...