MAGANDANG ARAW, MGA HIRANG! Ako ang inyong lingkod na si Hulya, sumusulat para sa sangkabadingan. Wala sa balota, nasa Wattpad lang talaga.
Bago pa itong Hopelessly Devoted, nakapaglimbag na ako ng dalawa pang akda na pinamagatang "Kapitbahay Ko Si Teacher!?" at "I Do Hate You" sa dati kong alyas na ReynaJuls. Kung pamilyar, hindi iyan guni-guni, malamang ay nabasa niyo na talaga dati. Nawalan lang ako ng access dahil na-ban ang account ko at naglaho ring parang bula 'yang dalawa. Maliban sa share ko lang, balak ko kasing i-republish ang mga iyan dito pagkatapos ng HD.
Bilang frustrated, bading, at closeted na writer, libangan ko ang pagsulat. Sa pamamagitan nito ay nayayakap ko kung sino talaga ako... na kahit ibalik pa ako sa sinapupunan ng ina, bading ako at babae ang gusto ko. Gayunpaman, nag-aaral din ang dalaginding kaya hindi ko maipapangako na mabilis ang updates pero susubukan ko. Mahal na mahal ko ang pagsulat (at kayong mga hirang ko) kaya may assurance pa rin kahit papaano. >v<
Paalala: Ang lahat ng tao, lugar, at pangyayaring nakapaloob sa Hopelessly Devoted ay pawang kathang-isip lamang ng manunulat at hindi tumutugma sa reyalidad. Anumang pagkakapareho nito sa tunay na buhay ay hamak lamang ng pagkakataon. Ito ay may maselang tema, karahasan, at hindi angkop na wika kaya hindi pinahihintulutan ang mga menor de edad (mula 17 pababa) na magpatuloy.
Read at your own risk.
Starting Date: May 7, 2023
End Date: n.d.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (GxG)
Romansa(ProfxStudent) "Mukhang mas napapadalas pa yata ang pag-uwi mo ng mga babae? Gabi-gabi... Wala kang pinalalampas." Iyan ang paunang salita ni Hira Agape del Mártez matapos pauwiin ng asawa niyang si Teresa Novelino ang babaeng kinama nito sa kwarto...