Kabanata XXIII

3.7K 145 66
                                    

Hira Agape's POV

Nakapameywang kong sinalubong ang pagbabalik ng asawa ko kasama ang kabit niya. Tig-apat sila ng bitbit na volleyball.

Kaya ko rin naman siyang tulungan, ah? Buhatin ko pa siya habang bitbit niya 'yang walo.

Ilang minuto lang naman silang nawala pero sa bawat segundo na lumilipas ay mas sumasama ang loob ko. Natuyo na yata lahat ng pawis ko sa kahihintay na matanaw ang anino nilang pareho sa bungad ng gym. Muntik na ring maubos ang baon kong tubig kakapakalma sa sarili. Binalak ko pa ngang mag-cutting na lang sa buryong.

Hindi nga lang din nagtagal ang pagsusungit ko dahil sinundan iyon ng daglian niyang pagpito pagtapat sa amin. Ni hindi man lang ako binalingan ng tingin.

Nakihanay ako at sa dulo na pumwesto. Hindi ko pa kasi mawaksi sa sistema ko ang selos. Hindi naman nauutusan 'yan na mag-disappear na lang. Baka mapansin pa niya ang pagbusangot ko.

"Well, I'm guessing you all had enough break already." Talaga! Humupa na't lahat ang pagod ko, wala pa rin kayo. "For today's meeting, I'll be teaching you the proper hand placement in passing, setting, serving, and striking. You'll get to try it by 4's later." Tumango akong mabigat ang ulo. Yukong-yuko, e.

Kaniya-kaniya kaming silip sa mga pagitan para makita ang iminumuwestra niya sa harap. Bakit ba kasi ako nagpalikod?

Pinagpatong niya ang namumula niyang palad saka isinara. Magkahanay rin ang mahahaba niyang hinlalaki. Magkahiwalay ang mga hita at bahagyang nakababa ang katawan. Iwinasiwas niya rin ang parehong braso para ipakita kung paano ang tamang porma.

Matapos ang pagtuturo niya ng basics ay nilibot niya ang tingin. Dumaan din sa akin pero kay Pres. iyon huminto.

"Honey, will you be my partner for today's demonstration?"

Malakas kong naipadyak ang paa bilang pagtutol sa narinig. Nandito ang asawa, oh!? Partner mo mukha mo!

"Kilay mo, beh..." Bulong ng nasa kanan ko. Si Gaia pala.

"Ha?" Walang muwang kong tugon habang unti-unting kumakalma ang ekspresyon.

Hindi ko namalayan na nakakunot na pala ang noo ko at halos magdikit na ang mga kilay sa nasaksihan. Lintek na demonstration 'yan.

Naagaw ko pala ang atensiyon ng lahat, kabilang na ang kay Misis. Magkakrus ang braso ko sa dibdib habang direktang nakatingin sa kaniya.

Tinaasan niya ako ng kilay bago kwestiyonin, "Yes, Ms. del Mártez?"

"Nangalay lang, Prof." Walang gana kong tugon saka iniwas ang tingin. Ano pa nga bang masasabi ko?

Muli niyang tinawag si Pres. para pumunta sa harap at doon sila naglambingan. Ems, mata ko lang talaga siguro ang problema.

"Strike, Honey!" Dinig kong sigaw nito mula sa pwesto nila. May net naman sa pagitan nila.

"Nakakanginig ng laman-loob!"

Hindi ko namalayang naisatinig ko pala ang isinisigaw ng dibdib ko. Pinuna agad iyon ni Gaia na nakikinig ding mabuti.

"Ano 'yon, beh?"

"W-Wala... Gininaw lang. Tama, giniginaw lang ako." Mukhang nakumbinsi naman siya sa palusot ko at muling itinuon ang pansin sa harap.

"Underhand serve!"

"Push the ball upwards!"

They simultaneously did the passing, setting, serving, and striking. Palibhasa, ang kalmado ng hampas ni Misis pagdating sa kaniya. Noong ako ang kapares, ni hindi ko mahampas dahil ang sakit tuwing tatama sa palad at braso ko.

Hopelessly Devoted (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon